YXAN's POV
Naglalakad ako palabas ng mansion para sana puntahan si Ymerald, mula nang mangyari ang meet up sa school canteen ng Evergreen College ay halos araw-araw akong umaalis ng pack para makita siya kahit patago lang sapat na sa akin.
"Where are you going?"
Napatigil ako sa paglalakad at nilingon ang nagsalita. I saw uncle Andreighus na pababa ng hagdan habang may seryosong mukha.
"Ymerald." Tipid na sagot ko.
Tumango naman siya at lumapit sa akin.
"Sorry to say this pero huwag ka munang umalis ng pack sa ngayon." Seryosong sabi ni Tito Andreighus.
"Why?" Nagtatakang tanong ko.
"Delikado." Tipid na sagot ni Tito Andreighus.
Delikado? Nagtataka naman ako sa isinagot ni Tito Andreighus, may nangyari bang hindi maganda? Bakit bawal umalis ng pack? Sa tingin ko may problema sa pack, napakaseryoso rin ng mukha ngayon ni Tito Andreighus.
"If you don't want her to be involved in our pack's wars then stop seeing her for now, you can visit her again after we resolved the problem." Seryosong sabi ni Tito Andreighus.
Mas lalo naman akong nagtaka sa sinabi ni Tito Andreighus.
"What happened?" Curious na tanong ko.
Bumuntong-hininga muna iya bago sinagot ang tanong ko.
"Ilan sa pack members ang natagpuang walang buhay sa East Boundary. Sila ang nakatokang hunters na inutusan kong magpunta sa forest." Seryosong sabi niya.
"Who killed them?" Tanong ko.
Naglakad si Tito Andreighus papunta sa garden kaya sumunod naman ako at umupo sa tabi niya. Nawala na rin sa isip ko ang pag-alis ng pack dahil sa sinabi ni Tito Andreighus.
"The Red Moon Pack." Seryosong sagot ni Tito Angreighus.
Red Moon Pack again? They are really going against us. Tsk.
"Then what's your plan?" Tanong ko.
"Hmmm."
Tanging pag 'hmmm' lang ang aking natanggap sa kaniya. Napunta ito sa malalim na pag-iisip kung kaya't hindi ko muna siya inistorbo at nanahimik na lang din ako sa kaniyang tabi, hinihintay kung ano ang plano at ang susunod na hakbang na gagawin ng pack against Red Moon Pack.
Sumandal ako sa aking upuan at tumingala sa kalangitan, napaka peaceful ng kulay asul na kalangitan at idagdag pa ang mga kulay puting ulap na dahan-dahan lang kung gumagalaw.
Ano na kayang ginagawa ni Ymerald ngayon?
Bigla akong napabuntong hininga. Kailan ko kaya siya makakasama ng matagal at matititigan ng malapitan, gusto ko pero hindi pa ito ang tamang panahon para makasama siya. I need more time.
Maya-maya lamang ay may isang tagapagsilbi ang lumapit sa pwesto namin. May hawak itong papel sa kaniyang kamay. Nagbigay muna ito ng galang sa amin bilang pagrespesto sa mas nakatataas ang ranggo.
"Magandang umaga, Alpha Andreighus, Sir Alyxandrius." Sabi nito.
Tumango lang ako, pero si Tito Andreighus ay nakapikit pa rin habang nakasandal sa kaniyang upuan kagaya ko.
May iniabot sa akin ang tagapagsilbi, ang papel na hawak-hawak niya. Na-curious naman ako agad kung ano ang laman ng papel na iyon. Minsan lang kung makatanggap ang pack ng mga sulat at kadalasan pa ay about events.
![](https://img.wattpad.com/cover/264260308-288-k859534.jpg)
BINABASA MO ANG
TSL BOOK 2: THE PRIMORDIAL ALYXANDRIUS
Hombres LoboThis is the story of Alyxandrius Sheridan Monroe. Who's been waiting for his mate to come into his life. NOTE ❗❗❗ Read the book 1 first before you read this story. THE SIGHTLESS LUNA (BOOK 1) PS. PLAGIARISM IS A CRIME. Date Started: June 1, 2021