EME's POV
"Yxan." Naluluhang tawag ko sa pangalan niya.
"Kapag nandito ako sa tabi mo ay wala kang dapat na ipag-alala." Mahinang sabi niya.
"YMERAAAAAAALLLLDD!" Rinig kong sigaw ni Clarisse.
Napasubsob naman ako ng mukha sa dibdib ni Yxan. Malaking tao si Yxan kaya halos matakpan na ako ng mga yakap niya.
"Don't worry." Mahinang sabi niya.
Itinalikod ako ni Yxan, humiwalay siya sa akin at nakita kong nagsuot siya ng hood at sunglasses. Nagmukha tuloy siyang matanda idagdag pa na malaking tao siya, parang taong tambay sa kalye dahil sa suot na jacket.
"Aba, talagang nagsumbong ka pa sa tatay mo. Huh!" Mataray na sabi ni Clarisse pagkalapit sa amin.
Napahigpit ang kapit sa jacket ni Yxan, dahil na rin sa kabang nararamdaman. Pati sa pagtawag ni Clarisse kay Yxan na tatay ko raw ay hindi ko magawang matawa dahil sa kaba.
Sabi na e, mukha siyang matanda kapag natatakpan ang halos kalahati ng mukha niya tas sa size ng katawan niya para talaga siyang tatay ko.
"Wait a minute, kailan ko pa naging anak ang girlfriend ko?" Seryosong tanong ni Yxan. Ang lalim ng boses, nakakatakot.
Napatulala naman ako sa sinabi niya, dati asawa tas ngayon kine-claim niyang girlfriend niya ako.
"W-well, mukha ka kasing m-matanda." Nauutal na sabi ni Clarisse.
Halata naman sa boses na takot siya pero nagagawa pa rin niyang maging matapang, bilib na talaga ako sa kaniya.
"Oh really? Look at yourself first. Mas mukha ka pa kasing matanda sa kapal ng make up mo." Pang-asar ni Yxan.
Napanganga naman ako sa sinabi niya, nilait niya ba si Clarisse sa harap ng ilang students ng Evergreen College?? Mas kinabahan tuloy ako ngayon sa pwedeng mangyari.
"WHAT DID YOU SAY?!" Galit na sigaw ni Clarisse.
"Ymerald, let's go." Aya sa akin ni Yxan at hindi pinansin ang galit na si Clarisse.
Pinasakay niya ako sa passenger's seat. Nakasunod lang ang mga mata ko sa kaniya, hindi pa ri ako makapaniwala sa mga pinagsasasabi niya.
Umikot siya upang sumakay sa driver's seat. Nakita kong may ibinulong si Clarisse kina Matthew at Jared, nanlaki naman ang mga mata ko dahil mukhang hindi maganda ang sinabi niya sa dalawa.
Pagsasabihan ko sana si Yxan nang sumugod na agad sina Matthew at Jared. Pero mas ikinagulat ko nang masalo ng kamay ni Yxan ang kamao ni Matthew. Napasinghap ang mga students na nandoon.
Susuntok na rin sana si Jared pero sinipa siya ni Yxan na dahilan nang pagkakatilapon nito sabay dura ng dugo. Napahawak ito sa tiyan na nasipa ng malakas, halos hindi ito makatayo sa sakit. Namimilipit na rin sa sakit si Matthew dahil yata sa higpit nang pagkakahawak ni Yxan sa kamay niya.
May sinabi si Yxan pero hindi ko marinig dahil nakasara ang mga bintana ng kotse.
Nakita kong itinulak niya si Matthew na napaupo sa sahig. Dahil sa sunglasses niya ay hindi ko makita ang expression ng mukha niya pero alam kong galit siya.
Ilang sandali lang ay sumakay na ito sa kotse at pinaharurot ang sasakyan palayo sa campus. Tahimik lang din ako, natatakot akong baka pati ako ay mapagbalingan niya ng galit kapag bigla ko siyang kinausap.
![](https://img.wattpad.com/cover/264260308-288-k859534.jpg)
BINABASA MO ANG
TSL BOOK 2: THE PRIMORDIAL ALYXANDRIUS
Hombres LoboThis is the story of Alyxandrius Sheridan Monroe. Who's been waiting for his mate to come into his life. NOTE ❗❗❗ Read the book 1 first before you read this story. THE SIGHTLESS LUNA (BOOK 1) PS. PLAGIARISM IS A CRIME. Date Started: June 1, 2021