YXAN's POV
"Kumain ka pa." Sabi ko.
Nasa isang karinderya kami ni Ymerald, dito kasi niya gusto kumain kaya sumunod lang ako, ito rin ang pinakamalapit na kainan sa ospital.
Tumango lang siya at nagpatuloy na sa pagkain, ako naman na inabala aang sarili sa cellphone.
"Ymerald?"
Napatigil ako at ganoon din si Ymerald. Boses babae ang tumawag sa kaniya, sinulyapan ko si Ymerald at ngumiti lang siya bago harapin ang tumawag sa kaniya.
"Brena." Sabi ni Ymerald.
"Akala ko namalikmata lang ako kaya lumapit ako sa karinderyang ito." Rinig kong sabi ng babae.
"Sino itong kasama mo? Boyfriend mo?" Tanong pa nito.
Nasa boses niya ang kuryosidad, sino naman ang babaeng ito? Hindi siya kaboses ng mga kaibigan ni Ymerald.
Gusto kong lumingon pero pinipigilan ako ni Lexa so wala akong ibang choice kundi makinig na lang sa usapan nila.
"Anong ginagawa mo rito?" Pag-iiba ng topic ni Ymerald.
"Ah, papasyalan ko sana ang kaibigan kong doctor sa hospital then nakita kita dito kaya lumapit ako." Sagot ng babae.
"Ganoon ba, sige baka hinihintay kana ng kaibigan mo." Malumanay na sabi ni Ymerald..
"Yeah, sige. Enjoy your meal with your man." Mapang-asar na sabi nito.
Nagpaalam na siya at umalis na. Napabuntong hininga naman si Ymerald kaya napalingon ako sa kaniya nang nagtataka.
"What's wrong?" Nag-aalalang tanong ko.
"Ahh wala wala." Sagot niya at pilit na ngumiti.
Nanahimik na lang din ako at hindi na nangulit pa. Mukhang may past ang dalawang ito na ayaw niyang pag-usapan.
After namin kumain ay bumalik kami sa hospital para kunin ang mga gamit namin na naiwan, pwede na kasing umuwi si Ymerald dahil hindi naman daw malala ang sakit niya, konting pahinga lang ay magiging okay na siya.
Habang papunta kami sa elevator ay napansin ko ang isang babaeng may kausap at tumitingin-tingin sila sa amin lalo na kay Ymerald na nakayuko lang at mukhang lutang.
"Grabi na siya ngayon, hindi na nagbago."
"Oo nga, kita ko rin."
Iyan ang aking narinig na sinabi nila bago kami sumakay sa elevator. Nagtaka naman ako sa sinasabi nila, anong ibig sabihin ng simasabi nilang hindi na nagbago si Ymerlad? Anong issue? Tsk.
Hanggang sa makauwi kami sa kanila ay tahimik lang si Ymerald.
"Pagdating mo sa bahay niyo ay magpahinga ka, huwag mo muna pagurin ang sarili mo." Seryosong sabi ko.
Doon naman siya napalingon sa akin nang magsalita ako. Nagtaka naman siya.
"Ha?" Nagtatakang tanong niya.
"Sabi ko ipahinga mo, huwag ka muna magwork habang may sakit ka." Pag-ulit ko.
"Pero paano trabaho ko? W-wala na akong b-budget sa bahay." Nahihiyang sabi niya.
Iyon ba ang iniisip niya? Tsk.
"Don't worry about that. Akong bahala." Sabi ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/264260308-288-k859534.jpg)
BINABASA MO ANG
TSL BOOK 2: THE PRIMORDIAL ALYXANDRIUS
WerewolfThis is the story of Alyxandrius Sheridan Monroe. Who's been waiting for his mate to come into his life. NOTE ❗❗❗ Read the book 1 first before you read this story. THE SIGHTLESS LUNA (BOOK 1) PS. PLAGIARISM IS A CRIME. Date Started: June 1, 2021