CHAPTER 8: Deciding To Find Her

489 19 0
                                    

YXAN's POV

Ilang araw na rin ang nakalipas pero hindi mawala sa aking isipan ang boses niya. Parang hinahanap-hanap ng aking tainga. Aish!


Pagdating namin noon ni Lexa sa pack ay ibinigay ko lang ang badge kay Tito Andreighus, may gusto siyang sabihin pero masyadong occupied ang isipan ko kaya hindi ko na siya pinansin at si Lexa na ang nag explain ng mga nangyari. Hindi ko alam kung about sa badge lang ang sinabi niya or pati sa mate ko. Ewan ko.


Mula noon ay hindi na muna ako lumalabas ng kwarto ko para makapag-isip. Dinadalhan lang ako ng mga tagapagsilbi ng makakain sa kwarto dahil ayaw kong lumabas.



"Kung bumalik kaya ako?" Pagtatanong ko sa sarili ko habang nakahiga ako sa kama ko.




"Makikita ko kaya siyang muli sa Mang Inasal na iyon o sa Glamour Garden Park?" Sambit ko at umupo na.



"AHHHHH! Anong gagawin ko. Kahit makita ko lang ang mukha mo." Sambit ko.



Maliit siyang babae at may kapayatan? May mala-anghel ng boses, sa tingin ko ay bata pa siya. Child abuse ba ako? Lintik huwag naman sana. Pero age doesn't matter naman 'di ba?



Napasabunot ako sa buhok ko dahil sa frustration.



"I'm sorry, sir."


Langya ayan nanaman ang boses niyang nag e-echo sa isipan ko na sumisira sa buong sistema ko. Hindi ako komportable sa nararamdaman ko. Annoyed, disappointed, desperate.



"Susubukan ko. I will find you." Usal ko at bumangon na nang tuluyan sa kama ko.


Umaga pa lang naman, mahaba pa oras ko ngayong araw para maghanap.


Naligo lang ako at lumabas na ng kwarto ko dala ang wallet at susi lang. Nakasalubong ko si Tita Herisha sa hagdan at kinausap ako.


"Saan ka pupunta? Nagmamadali ka yata." Tanong ni Tita Herisha.


"May hahanapin lang ako Tita Herisha." Sagot ko ng may paggalang.


Naglakad na ako pababa para hindi na magtanong pa si Tita Herisha. Ayaw ko mag aksaya ng araw, tama na ang ilang araw na pagkukulong ko sa kwarto ko.


LEXA's POV

Naglalakad ako ngayon palabas ng mansion para puntahan si Ryos sa kabila dahil tapos naman na ang aking gagawin kung kaya't pwede ko na siya bantayan at alagaan.


Malapit na ako sa may pintuan nang mabigla ako sa paghila sa akin ng kung sino. Napapikit ako ng maramdaman ko ang pagtama ng likuran ko sa malamig na pader, pagmulat ko ng aking mga mata ay seryosong mukha ni Klaude ang bumungad sa akin.

TSL BOOK 2: THE PRIMORDIAL ALYXANDRIUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon