YXAN's POV
"Hindi ko inakala na hanggang ngayon ay magaling ka pa rin tumugtog ng instrumento." Papuri ni Sir Paeng after ng performance namin.
"Hindi ko rin in-expect na alam ko pa rin gumamit ng instruments, Sir." Sagot ko naman.
"Yxan! Maraming salamat sa effort." Sabi ni Ysmael.
"Oo nga, salamat ng marami."
"Salamat."
"Thank you."
Puro pasasalamat ang naririnig ko mula sa banda nila Ysmael. Puro tango lang naman at ngiti ang isinusukli ko.
"Tapos na, hihintayin na lang mamaya ang announcement ng panalo." Sabi ni Ysmael.
"Tara sa canteen? Treat ko, sama ka Sir?" Aya ng isa sa mga kasamahan ni Ysmael.
"Gusto ko sana pero hindi ako pwede umalis dito dahil isa ako sa organizer." Sabi ni sir Paeng.
"Sayang naman. Sige sir hatiran kana lang namin dito mamaya." Nakangiting sabi ng isa.
"Sige sige." Sabi naman ni sir Paeng.
"Tara." Masayang aya sa akin nila Ysmael.
Inakbayan ako ni Ysmael na may ngiti sa mga labi dahil sa katatapos na performance namin na walang mistake na nangyari.
Naglakad na kami palabas na sana ng gym ng makarinig kami ng sigaw kaya lahat kami ay napalingon sa pinanggalingan ng sigaw. Napamaang ako dahil si Lexa ang sumigaw at tumatakbo palapit sa direction namin na may malawak na ngiti sa labi, napansin ko rin na nakuha rin ng pagsigaw niya ang atensyon ng iba pa.
Napatampal ako sa noo ko.
"Childish." Nasambit ko na lang.
"Wow, chicks pri."
Napalingon naman ako ng seryoso sa isa sa mga kasamahan ni Ysmael sa nagsabi ng 'wow, chicks pri' dahil hindi ko nagustuhan ang narinig ko. Napakabata pa niya tapos maaakit siya sa kakambal kong paalis na sa kalendaryo ang edad? Tsk.
Napalunok naman ito napakamot ng ulonang sinamaan ko siya ng tingin.
"YXAN!" Sigaw ni Lexa at bigla akong niyakap.
Hindi naman nakakagulat dahil sanay na ako sa pagiging clingy ni Lexa sa akin na dahilan rin kung bakit pati sa akin ay nagseselos si Alpha Tyler. Lintik iyan na kaseloso.
BINABASA MO ANG
TSL BOOK 2: THE PRIMORDIAL ALYXANDRIUS
WerewolfThis is the story of Alyxandrius Sheridan Monroe. Who's been waiting for his mate to come into his life. NOTE ❗❗❗ Read the book 1 first before you read this story. THE SIGHTLESS LUNA (BOOK 1) PS. PLAGIARISM IS A CRIME. Date Started: June 1, 2021