YXAN's POV
Nagising ako dahil sa nararamdaman kong hunahaplos sa ulo ko kaya gumalaw ako.
"Gising kana?"
Napamulat ako ng mata nang narinig ko ang boses ni Ymerald. Umayos naman agad ako nang pagkakaupo.
"Kamusta pakiramdam mo?" Bungad na tanong ko.
"Medyo okay na ako." Ngiting sagot niya.
"Buti naman." Sagot ko.
"Salamat pala." Mahinang sabi niya.
Napalingon naman ako sa kaniya nang nagtataka.
"For what?" Tanong ko.
"For saving my life. Again." Sagot niya.
"You don't have to thank me." Nakangiting sabi ko naman which is true.
Hindi niya kailangan magpasalamat sa akin dahil trabaho kong protektahan siya.
"Saang ospital pala ito?" Tanong niya at naglibot ng paningin sa loob ng kwarto.
"Sacred Divine Hospital." Sagot ko.
"S-s-sacred Divine Hospi..............tal?" Parang hindi makapaniwalang pag-ulit niya.
"Yeah." Simpleng sabi ko at tumango.
Bigla itong umalis ng kama kaya nagtaka naman ako. Ang weird niya, para siyang natataranta na kinakabahan.
"Bakit mo ako dinala rito?? May public hospital naman e." Sabi niya at inaayos iyong kama.
"E sa gusto ko rito kasi mas maaalagaan ka nila at ipapriority." Sabi ko.
"Kahit na, private hospital ito Yxan. Wala akong ipambabayad." Sabi niya.
Hinawakan ko ang kamay niya upang tumigil na siya sa ginagawa niyang pag-aayos. Tumingin naman sa akin ang worried na mukha niya.
"Sino bang may sabi na ikaw ang magbabayad." Sabi ko.
Hindi siya sumagot, at bigla na lang yumuko na parang nahihiya.
"Ymerald?" Mahinang tawag ko sa pangalan niya.
"K-kasi....... B-baka malaki b-bayaran mo, naka c-confine kasi a-ako." Mahinang sabi niya pero rinig ko naman.
"Don't think too much. Hindi ako magbabayad, It's free." Sabi ko.
Gulat naman na napalingon siya sa akin.
"Free?! How? Ngayon lang ako nakarinig na free ang private hospital." Sabi niya.
"Of course ngayon lang, kasi hindi naman talaga free ang private hospitals." Natatawang sabi ko.
"Then bakit sinabi mong free?" Confused na tanong niya.
"Business partner ng tito ko ang may ari ng hospital na ito, so the other half of this private hospital is ours." Explain ko.
Nanlalaki ang mga mata niya sa sinabi ko.
"ANO?!" Sigaw niya sa gulat.
"What?" Ako naman ang nagtaka sa pagsigaw niya.
"G-ganoon kayo k-kayaman??!" Tanong niya.
"Grabi Yxan, ang dami niyo namang business." Amazed na dagdag pa niya.
BINABASA MO ANG
TSL BOOK 2: THE PRIMORDIAL ALYXANDRIUS
Manusia SerigalaThis is the story of Alyxandrius Sheridan Monroe. Who's been waiting for his mate to come into his life. NOTE ❗❗❗ Read the book 1 first before you read this story. THE SIGHTLESS LUNA (BOOK 1) PS. PLAGIARISM IS A CRIME. Date Started: June 1, 2021