YXAN's POV
Paggising ko kinaumagahan ay mukha ni Lexa ang bumungad sa akin. Nagulat pa ako sa mukha niyang nakangiti sa akin. Nakaupo siya sa kama habang pinagmamasdan ako.
"Good morning." Nakangiting bati niya sa akin.
"Good morning." Bati ko pabalik.
Nag-unat ako ng aking katawan at tumayo ng kama para maghilamos sa banyo. Naramdaman kong tumayo na rin siya at sumunod sa akin pero sa pintuan lang siya nag stay.
"Ang aga mo yata ngayon?" Puna ko.
"Hindi ako maaga, sadyang late ka lang bumangon." Sagot niya.
Napakunot naman ang aking noo sa sinabi niya. After ko gawin ang morning routine ko ay lumabas na ako ng banyo.
"Anong oras na ba?" Tanong ko.
"Well. 10:00 am na ho mister Alyxandrius." Sagot naman niya.
Napatango naman ako. Alas diyes na pala, napahaba masyado ang tulog ko e sa pagkakatanda ko ay hindi naman ako nagpuyat kagabi.
"Anong oras tayo aalis?" Tanong niya.
Napalingon ako sa kaniya.
"Saan ang punta?" Nagtatakang tanong ko.
Tinaasan niya ako ng kilay sa katanungan ko.
"Babalik tayo sa park ngayon diba? Kasi hindi tayo natuloy kahapon sa gagawin natin dahil sa pictorial na naganap." Pagpapaalala niya sa akin.
"Ahh, tama." Tumatangong sabi ko na lang.
Oo nga babalik kami sa park ngayon upang maghanap ng trace nila.
"So?" Lexa.
"Now na. Maliligo lang ako." Sabi ko.
"Okay. Hintayin na lang kita sa labas. Magpapaalam lang din ako kay Klaude at tito Andreighus." Sabi niya.
"Sige." Sagot ko.
Pagkalabas niya ng kwarto ay tsaka naman ako bumalik sa banyo upang maligo.
Paglipas ng kalahating oras ay natapos din ako, hindi naman ako ganoon katagal maligo e unlike sa girls na hindi ko alam kung anong ginagawa at madalas inaabot ng oras kapag naliligo.
BINABASA MO ANG
TSL BOOK 2: THE PRIMORDIAL ALYXANDRIUS
Hombres LoboThis is the story of Alyxandrius Sheridan Monroe. Who's been waiting for his mate to come into his life. NOTE ❗❗❗ Read the book 1 first before you read this story. THE SIGHTLESS LUNA (BOOK 1) PS. PLAGIARISM IS A CRIME. Date Started: June 1, 2021