YXAN's POV
We're still here at the bar. Sa nakikita ko ay nag e-enjoy na si Beta Thaddeus ngayon, busy ito sa pakikipag-usap sa isang random girl habang nasa dance floor at nagsasaya si Beta Horace. Mahigpit ko naman silang binilinan na huwag iinom ng marami at magpakalasing dahil hindi ko na sila ulit isasama sa lugar na ito.
Nasa counter ako at nagsosolo uminom, ayaw ko naman istorbohin si Beta Thaddeus kaya dumistansya na muna ako. Todo bantay naman ako sa mga galaw ni Ymerald at nung boss niyang epal sa love story namin. Tsk.
"Sir, baka matunaw." Nakangiting sabi ng bartender.
Napangisi naman ako.
"What do you think of me?" Tanong ko.
Napaisip naman siya sa katanungan ko.
"Ahmm.......... Lalaking In love." Sagot niya.
Right.
"You're right. I'm in love with her." Sagot ko habang nakatitig kay Ymerald na busy sa pagseserve ng mga alak.
"Sir if you love her, why not court her." Sabi niya.
"I am already courting her, and it's been a month." Sagot ko sabay lagok sa alak.
"Really?!" Parang amazed naman na sabi ng bartender kaya nagtaka ako.
"You mean, she let you court her?" Tanong niya pa.
"Yes." Simpleng sagot ko.
"Wow." Amazed na sambit niya. Parang hindi makapaniwala sa sinabi ko.
"What's with that reaction?" Confused na tanong ko.
"Ahh, sir ganito kasi iyan. Matagal na rin dito si Ymerald at siya ang kasama ko palagi dito sa counter as bartender so close friend kami, marami na akong nakitang nag-attempt na manligaw pero ni isa ay wala siyang in-entertain kaya napabilib ako noong sabihin mong nanliligaw ka sa kaniya." Nakangiting kwento niya.
Wow. So ako ang unang nanligaw sa kaniya? Hahaha. So meant to be talaga kaming dalawa. Pero wait.........
"Ikaw ba? Wala ka bang gusto sa kaniya?" Curious na tanong ko.
Syempre matagal na silang magkasama sa bar, so malay niyo may feelings na nabuo.
"Ohh. No no no!" Taas kamay na sagot niya.
"May asawa at anak na ako, Ymerald is a little sister for me." Dagdag niya.
"That's good to he----" Hindi ko na natapos ang aking sasabihin nang makarinig ako ng pagkabasag ng bote.
Paglingon ko ay nasa harapan nila Beta Thaddeus si Ymerald na nakayuko at humihingi ng sorry sa mga ito. Magkakilala na sina Ymerald at Beta Thaddeus pero hindi ito ang problema, kundi iyong babae na ka-table ni Beta Thaddeus.
Sinisigawan niya si Ymerald na nakayuko at nahihiya dahil pinagtitinginan sila ng mga tao, lumapit na rin si Beta Horace na nagtataka sa nangyayari.
"Tanga ka ba?! Hindi mo ba nakikita ginagawa mo ha?!" Sigaw ng babae kay Ymerald.
Napahigpit naman ang kapit ko sa baso dahil sa aking narinig, kahit maingay ang music at may distansya sila sa pwesto ko ay malinaw na naririnig ko ang pinag-uusapan nila dahil sa ability ko.
BINABASA MO ANG
TSL BOOK 2: THE PRIMORDIAL ALYXANDRIUS
Loup-garouThis is the story of Alyxandrius Sheridan Monroe. Who's been waiting for his mate to come into his life. NOTE ❗❗❗ Read the book 1 first before you read this story. THE SIGHTLESS LUNA (BOOK 1) PS. PLAGIARISM IS A CRIME. Date Started: June 1, 2021