THIRD PERSON
Sa loob ng opisina ni Alpha Andreighus ay naroon sina Luna Herisha na nagpipigil ng tawa at si Luna Alexandrite na nilalaro ang basong nasa harapan niya habang ang alpha naman na hawak ang baba at nag-iisip. Busy naman ang dalawang batang sina Ryos at Ria sa paglalaro.
"Sigurado ka ba, Lexa?" Tanong ni Alpha Andreighus kay Luna Alexandrite.
"Yes?" Lutang na sagot naman ni Luna Alexandrite.
"Lexa?" Pagtawag pansin ng Alpha kay Lexa.
Pero mukhang hindi siya narinig ng kaniyang tinatawag kaya napapailing naman si Luna Herisha habang nakatingin kay Alexandrite.
"Honey, mukhang nasa kabilang mundo ang isip ng pamangkin mo ngayon," Sabi ni Luna Herisha habang pinipigilan ang sariling matawa.
"Tingin ko nga rin." Naiiling na sagot ni Alpha Andreighus.
Lumapit si Luna Herisha sa lutang na si Lexa at marahan itong tinapik sa balikat upang bumalik sa reyalidad ang isip nito. Nabigla naman si Lexa at napatayo pa.
"YES!" Sigaw nito.
Tuluyan namang natawa si Luna Herisha at hindi na nagawang pigilan pa ang pagtawa. SI Alpha Andreighus naman ay naniningkit ang mga matang nakatingin sa pamangkin na wala sa tamang paag-iisip samga oras na ito.
"ALEXANDRITE!" Seryosong tawag ni Alpha Andreighus sa pamangkin.
Natauhan naman si Lexa at dahan-dahang lumingon sa seryosong Alpha na nakatingin din sa kaniya.
"Ahem." Napalunok naman si Luna Herisha at tahimik na bumalik na sa kinauupuan nito.
"Sorry Tito Andreighus, may iniisip lang." Paghingi ng paumanhin ni Lexa at yumuko ng kaunti.
"Anong iniisip mo? Masyado bang importante iyan para hindi ako mapansin na nagsasalita?" Seryosong sabi ni Alpha Andreighus.
"Ah.. Ehh.... Medyo?" Sagot ni Lexa.
"At ano naman iyan?" Tanong ni Alpha Andreighus.
Tahimik lang naman sa isang tabi si Luna Herisha na nagmamasid sa mag tiyuhin. Nakikinig lang ito sa dalawa at hindi nakikialam.
"Iniisip ko lang si Yxan kung ano nang kalagayan niya ngayon sa mortal land." Alanganing sagot ni Lexa.
"Hmmm." Hindi kumbinsidong si Alpha Andreighus.
BINABASA MO ANG
TSL BOOK 2: THE PRIMORDIAL ALYXANDRIUS
WerwolfThis is the story of Alyxandrius Sheridan Monroe. Who's been waiting for his mate to come into his life. NOTE ❗❗❗ Read the book 1 first before you read this story. THE SIGHTLESS LUNA (BOOK 1) PS. PLAGIARISM IS A CRIME. Date Started: June 1, 2021