KBNT 1

560 14 26
                                    

SWEETEST GOODBYE
written by: azhblack

KABANATA 1
Assuming

"Congratulations bestfriend!" sigaw ni Aristotle nang makita akong pababa sa sala.

This day is my graduation day, sa wakas at aalis na ako sa highschool. Pero mukhang ang height ko ay mananatiling pag elementary.

Andito si Aristotle ngayon para ipagdrive ako, at para na rin iservice kami ni mama papunta sa venue ng graduation.

Pumayag lang naman ito na ipagdrive kami ay dahil makikita niya si Akirah. Si Akirah ay crush niya, same batch kami ni Akirah, at kaibigan din ni Akirah sila Jeminah.

Umiikot lang ang pagkakaibigan naming lahat, pero sadyang hindi pa kami gaanong close ni Akirah.

"Huwag ka ngang epal, Aristotle." naka-ngiwing aniko ng makalapit sa akin si Aristotle, pero lumayo ako sa kaniya. Iniinis inis niya pa ako.

Magpasalamat siya at bagong make-up palang ako, ayaw kong masayang ang effort ng make-up artist kaya hindi ko muna lalapitan at hindi ko hahayaang makalapit si Aristotle sa akin. Dahil paniguradong sisirain niya ang make-up ko.

"Napaka-sungit naman ng bestfriend ko." aniya at sinubukan pa ang lumapit sa akin. Umamba pa siyang guguluhin ang buhok ko.

"Sige, subukan mo." pagbabanta ko sa kaniya, umamba rin ako ng suntok.

"Eto naman, may aalisin lang akong dumi eh." kahit na naka-amba ang suntok ko ay lumapit pa rin ang mga kamay niya sa buhok ko. "Tignan mo, ang laki ng dumi." pinakita niya ang isang maliit na box sa akin.

Kumurap kurap ako ng ilang beses, it is a freaking box of a ring.

"Aristotle, hindi pa ako handang magpakasal." wala sa sariling ani ko.

Namalayan ko nalang na ganon ang nasabi ko ng tumawa siya ng malakas.

"Sino naman nagsabi sayo na magpapakasal ako sayo?" humahalakhak na ani pa niya.

"Oh, eh ano yan?" kunot noong tanong ko, tinuro ko pa ang box na hawak niya.

"Para kay Akirah to, Maui. Huwag ka ngang assuming." aniya, kumindat pa ang loko sa akin.

Nagmake face ako sa narinig kong sagot mula sa kaniya. Mukhang gagawan na niya ng move si Akirah.

"Manliligaw ka na?" tanong ko, hindi pa ako makatingin sa kaniya.

"Yes, nagpaalam naman na ako sa kaniya sa last month. I just want to make it official. Even though one month akong nanliligaw, hindi niya pa sinagot. Naisip ko na baka sagutin niya ako kapag naging official ang panliligaw ko." mahiwaga ang ngiti na mayroon siya sa mga labi.

"Nice." ngumiwi ako. "Goodluck."

"Thank you, bestfriend." niyakap niya pa ako.

Oh, yeah... Bestfriend zone lang pala ako dito kay Aristotle. Si Akirah pala yung mahal niya at si Maureen ay bestfriend lang.

Isang malaking sana all sayo, Akirah. Sana ako nalang ikaw para ako nalang ang mamahalin ni Aristotle. Sana ako nalang ikaw para maparamdam ko sa kaniya na mahal ko siya. Sana ako nalang ikaw.

SWEETEST GOODBYETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon