KBNT 10

219 7 10
                                    

SWEETEST GOODBYE
written by: azhblack

KABANATA 10
Officially

Hindi ko namalayan na nasa labas na pala kami ni Jeds. 

"Why did you pull me?" I ask Jeds but he didn't answer me. "Answer me Jeds." 

"I don't know." nagkibit balikat siya.

"Baliw ka." ungot ko sa kaniya.

"Oo, baliw na ako, baliw na baliw na ako sayo." he whisper something na hindi ko man lang naintindihan kahit na isang word man lang.

"Ano-ano na namang binubulog mo sa hangin diyan?" I ask again.

"Wala." sagot niya.

"Jusmiyo ka naman Jeds. Anong trip na naman ba yang ginagawa mo sa buhay mo at dinadamay mo pa ako." saad ko sa kaniya't iiwanan ko na sana siya doon pero hinila niya ako palapit sa kaniya.

"Hinila kita don kasi naaawa ako sayo. Nagmumukha kang tanga sa pagkakagusto mo kay Aristotle." saad niya sa akin.

"What do you mean?" lumayo ako sa kaniya.

"Kung nakikita mo lang ang mukha mo sa salamin kanina habang naka-akbay siya sayo maaawa ka sa sarili mo. May mahal na iba si Aristotle, may girlfriend si Aristotle. Ano bang hindi mo maintindihan doon at patuloy ka parin sa pagkagusto mo sa kaniya." saad niya sa pagmumukha ko. 

"Shut up. Nag m-move on na ako. Pinipilit ko na ang sarili ko na mag move-on kay Aristotle, kaya manahimik ka!" hindi ko napigilan ang pag sigaw ko sa kaniya non.

"Bakit mo ako sinisigawan?" he ask and he suddenly chuckled, kaya natawa na rin ako.

"Sorry, kung bigla kitang nataasan ng boses. Hindi ko sinasadya." paghingi ko ng paumanhin sa kaniya.

"Sorry din kasi hinila nalang kita bigla kanina. Ayaw lang kasi kitang nakikitang nagmumukhang tanga." he said and chuckeled.

"Last na, last na to. Pangako. Magm-move-on na ako kapag alis niya." I smiled at him.

"Sigurado ka na ba na dito ka na talaga mag-aaral?" tanong niya sa akin,

Umiling ako. "Sa totoo lang hindi pa talaga ako sigurao. Gustuhin ko mang dito na mag aral nagaalangan pa din ako. Ayaw kong iwan ang buhay ko sa Pilipinas." malungkot na saad ko.

SWEETEST GOODBYETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon