SWEETEST GOODBYE
written by: azhblackKABANATA 6
PronounSkylon Tower ang pangalan ng resto na kinainan namin na halos tabi lang ng falls, kitang kita na dito sa pwesto namin ang falls.
Nasa tabi ko si Jeds habang nasa harap ko si Aristotle na katabi naman si Ashlee.
Hindi ko alam ang pangalan ng mga pagkain na inorder nila. Basta nalang ang sinabi ko kay Ashlee ay siya na ang bahala sa pagkain ko, kung ano ang masarap 'yon nalang ang iorder sa akin.
Habang naghihintay kami na maiserve ang mga pagkain nagpapapicture na si Ashlee. Nagpagroup photo na rin ito sa waiter na kumuha ng order namin.
Nang magsawa na sa kakakuha ng litrato si Ashlee tinuon nalang niya ang pansin sa cellphone niya. Ganoon din si Aristotle, he's probably texting Akirah. Habang kami ni Jeds ay nag-uusap lang dito tungkol sa favourite naming mga panoorin.
"Maureen you really have to watch the Diary of a Wimpy Kid Dog Days." nakangiting saad niya sa akin.
"Yung Roderick Rules nga di ko pa napapanood ipapanood mo na sa akin yung Dog Days, siraulo ka talaga." umiiling na sagot ko.
"Ha? Akala ko bang napanood mo na yung Roderick Rules?"
"Yung first ten minutes palang ang napanood ko. I really don't feel watching it right now. Kapag nalang ginanahan ako panoorin."
"You want me to spoil some--" bago pa man niya matuloy kung ano ang balak niyang sabihin pinasukan ko na nang tissue ang bibig niya.
"Subukan mong spoilin ako, Jeds, sasapakin talaga kita." I even shown him my fist.
Iniluwa niya ang tissue na pinasok ko sa bibig niya't bigla niyang inabot ang pisngi ko't pinisil 'yon.
"Ang cute cute mo talaga kapag nagagalit ka." tumatawang saad niya habang pinipisil pisil ang pisngi ko.
Iba ang dating ng mga sinabi niya sa akin! Iba ang meaning, mukhang mababaw lang ang mga sinabi niya pero pakiramdam ko ang lalim lalim ng mga 'yon.
Jeds suddenly changed, I really notice his new attitude when Aristotle and I stopped talking and when Aristotle got into a relationship.
Mula 'non pakiramdam ko laging may ibang meaning ang mga ginagawa't sinasabi niya.
"A-ano ba! B-bitawan mo nga yung p-pisngi ko!" pilit kong nilalayo ang mukha ko sa kaniya pero sadyang malakas siya kaya hindi ako makatakas sa mga pagpisil niya sa mukha ko. "Josiah." I said in my serious voice.
Sandali siyang natigilan sa pagtawag ko sa kaniya ng Josiah. It's really been a while since the last time I call him Josiah.
Nagulat nalang ako nang bigla nalang siyang tumayo at walang pasabing umalis sa pwesto niya't nagmartsa papunta sa bathroom area.
"Tignan mo yung lalake na 'yon. Basta nalang umaalis ng walang paalam." umiiling na saad ko.
"Ginulat mo kasi." saad ni Ashlee, habang nasa cellphone parin ang pansin nito.
"Paano ko siyang nagulat aber? Wala man ng akong ginagawa sa kaniya." I said and sigh.
BINABASA MO ANG
SWEETEST GOODBYE
Romance[FORSAKEN SERIES #2] Status: On Going Maureen feel in love with his longtime boy best friend. She was about to tell him the truth but Aristotle, his best friend told her that he'll court Akirah, one of her friends. Maureen kept her secret, she didn'...