SWEETEST GOODBYE
written by: azhblackKABANATA 7
Perfect matchAfter we ate we all had decided na lumapit sa mismong falls. We are all wearing a raincoat just for us not to get wet. Kasi yung location parang nasa ilalim na siya mismo ng falls.
Jeds and I, we're both wearing a yellow raincoat, Tute's wearing a blue one, and Ashlee's wearing green.
"Hoy couple!" sigaw ni Ashlee sa aming dalawa ni Jeds.
I just gave her a meaningful glare what the heck? and she just smirked at me.
Masama ang mood ni Tute mula pa kanina sa Resto. Mukhang hindi na kasi nirereplyan ng jowa. Magtiis siya ngayon dito, iba ang time ng Canada sa Pinas kaya siguradong tulog ngayon jowa niya. Alas diyes na dito malamang sa malamang ay ala una na ng hating gabi 'don.
Nahugulat ako nang bigla nalang inakbyan ako ni Jeds "Papicture tayo together doon, Maui." turo niya sa railings.
Ang ganda nung pwesto na tinuro niya, kitang kita ang buong kagandahan ng falls at mukhang sinuswerte kami dahil mayroong rainbow ngayon doon.
"Let's go." aya ko sa kanya dahil nagandahan ako sa view. "Ash, picturan mo kaming dalawa ni Josiah."
"Maureen! Stop calling me Josiah!" reklamo ni Jeds na tinawanan ko lang.
"From now on I will call you by your name, Josiah."
"Sige. Mas gusto ko rin naman na tinatawag mo ako na Josiah." may ibang meaning ang mga ngiti sa kanyang labi.
"Hep hep! Tama na ang kaharutan. Mag picture na kayong dalawa doon, ang lalandi eh." masungit na saad ni Ashlee't tinulak tulak pa niya kaming dalawa.
Pareho kami lagi ng post ni Josiah, nagpost din kaming dalawa na gumawa kami ng malaking heart together with our hands. Kaya nagulat ako ng bigla siyang nagpalit ng post at niyakap ako.
Mayroon din kaming picture ni Tute, kaming dalawa ni Ashlee, Ashlee with tute, Ashlee with Josiah and picture na kaming apat. Sabi nga namin ang magpicture na together si Tute at Josiah pero ayaw nila.
Bago kami umuwi napagdesisyunan muna naming kumain ulit at mamili ng mga souvenir. Bumili na rin ako para sa mga marupok na ipapadala ko nalang kay Tute pauwi, dahil baka kasi end of May pa ang uwi namin o may posibilidad din na abutin kami nang hanggang second week of June.
Baka dito ko na rin kasi icelebrate ang 18th birthday ko. Last week of May ang birthday ko kaya baka dito na nga namin icelebrate 'yon. Mas maganda na rin na dito kami mag celebrate para hindi ko makasama si Aristotle.
Pero sinisigurado kong magagalit sa akin ang marupok kung dito ako mag celebrate dahil nangako na ako sa kanila na sa Bagac, Bataan kaming lahat sa birthday ko. Pero kung sakaling dito ako mag birthday babawi naman ako sa kanila. Pakakainin ko parin sila dahil ang pagkain lang naman ang habol nila kapag mag birthday ng kung sino man sa amin.
"May nabasa pala ako na meme sa IG." saad ni Ashlee na nagputol ng katahimikan sa byahe namin pauwi.
Tulad lang din ng pwesto namin kanina ang pwesto namin ngayon, Jeds on the driver's site, Ashlee in pasenger, me and Aristotle in backsit.
"Ano na namang klaseng meme 'yan, Ashlee?" tanong ni Jeds sa kaniya.
"It's not actually a meme kase diba kapag sinabing meme dapat nakakatawa, teka hanapin ko muna alam ko na-screen shot ko 'yon." aniya't nag-umpisa na ulit siyang mag scroll sa kaniyang phone.
BINABASA MO ANG
SWEETEST GOODBYE
Romance[FORSAKEN SERIES #2] Status: On Going Maureen feel in love with his longtime boy best friend. She was about to tell him the truth but Aristotle, his best friend told her that he'll court Akirah, one of her friends. Maureen kept her secret, she didn'...