KBNT 3

371 15 43
                                    

SWEETEST GOODBYE
written by: azhblack

KABANATA 3
Playing

Nakahilata ako sa kama habang nakatitig sa cartolina na binigay ni Tute sa akin bago ako umalis sa Pilipinas.

Ika'tlong Lingo na ng Abril ngayon. Makikita na sa labas ng mga kabahayan ang magaganda at matitingkad na kulay ng mga tulips.

Mula rin nang umalis kami sa Pilipinas ay hindi na kami nakapag usap pa ni Aristotle. Pero kinamusta niya ako kung maayos ba kaming nakarating dito. 'Yon na ang huli.

I can still remember the way he holds that cartolina. I can still feel his warm hugs. I wish Aristotle is here with us.

Kung sakali kayang inamin ko sa kaniya na may nararamdaman ako ganoo pa rin kaya ang pakikitungo niya sa akin?

Ayos lang naman sa akin na hindi niya masuklian ang pagmamahal ko. Ang ikinatatakot ko ay baka masira ang pagkakaibigan namin.

Ganoon naman kasi lagi na kapag mayroong mag best friend na lalaki't babae, nahulog ang loob ng isa, sa oras na magkaroon siya ng lakas ng loob at umamin doon masisira na ang friendship. Bihira lang mangyari na kapag umamin siya ang mutual ang feelings.

Mga kathang isap lang ang ganoon. Dahil sa totoong buhay kapag nahulog ka sa best friend mo malalaman mo na may gusto siya sa iba. Ang masakit doon nakakasalamuha mo ang babaeng gusto niya.

"Maureen! Pumarine ka sa baba! Tumatawag ang mga kaibigan mo!" narinig kong tawag sa akin ng lola ko.

Alas-otso na nang gabi dito sa Canada. Kaya malamang hindi ang mga kaibigan ko dito 'yon, dahil curfew ng mga kaibigan ko rito ay alasyete.

Mabilis akong bumaba doon ko nakita si lola na kausap si Shaira sa computer for all. Ang buong akala ko pa naman ay literal na nandito sila.

Lumapit ako sa kaniya, nag hi na rin ako kay Shaira na nakangisi sa akin.

"Nandito na pala si Maui, Oh sya at maiwan ko na kayo." dinig kong sabi ni lola kay Shaira.

[Bye lola! Stay safe and matulog ka na po kasi gabi na diyan!] pagpapa-alam ni Shaira kay lola.

Hinintay ko munang maka-alis si lola bago ako kumuha ng headphones na sinaksak ko sa computer para ako lang ang makarinig ng mga sasabihin niya.

"Napano ka?" nakasimangot na tanong ko sa kaniya.

[Itatanong ko sana kung alam mo kung nasaan si Aristotle?] halata sa mukha niya ang pagkabored ng sabihin 'yon.

"Wala ka ba sa tamang wisho ha, Zarate?" sarkastikong tanong ko.

[Nasa tamang tulo ang ulo ko ngayon, Magtuto.] aniya't ngumisi sa akin.

"Timang! Bakit ba sa akin mo hinahanap si Tute? Ako ba girlfriend non?" pilit kong timago ang pagiging sarkastiko pero mukha nahala niya pa 'yon dahil tumaas ang kilay niya.

SWEETEST GOODBYETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon