KBNT 19

154 5 6
                                    

SWEETEST GOODBYE
written by: azhblack

KABANATA 19
I PROMISE

Aristotle and I are already in the middle of the ocean. Bakit kaming dalawa lang ang magkasama? Kasi nga animal si Ashlee.

Biglaan ba namang masama daw ang pakiramdam at tiyan kaya hindi makakasama sa amin ni Aristotle sa pag-island hopping. Parang tanga.

Pero sa totoo lang tatlo kami ngayon, kasama namin si kuyang may-ari ng bangka. Hindi daw kasi pwede na kaming dalawa lang ni Aristotle kaya siya nandito kasama namin. Hindi rin naman kasi kami marunong mamangka ni Aristotle. 

"Doon lang naman tayo sa kalapit na isla, huwag ka ng sumimangot diyan, Maui." saad ni Aristotle. 

Mula kasi kanina na umalis kami sa dalampasigan nakasimangot na ako dahil sa katarantaduhan ni Ashlee. Napaka-epal kasi talaga ng babae na 'yon kahit kailan.

"Napakaepal naman kasi ni Ashlee, Aristotle. Ano 'yon sumama lang talaga siya sa atin para mangbadtrip?" inis na tanong ko sa kaniya.

"Sumabay lang talaga yung tiyan niya, hindi naman sa ayaw niya talagang sumama, Maui. Nasabayan lang ng pagsakit." saad ni Aristotle.

"Palusot niya lang 'yon." bulong ko.

Aristotle just chuckled, ayon na tumahik na ulit kami. Syempre, awkward parin kahit na gustuhin ko mang umaktong ayos na ayos lang sa akin na kasama ko siya di ko parin magawa. Hindi ko alam kung bakit iba na naman ang ugali ko sa kaniya ngayon, ayos pa naman ang ugali ko kagabi sa kaniya, noong nagp-plano kami tungkol dito sa gagawin naming island hoping.

Siguro dahil alam kong makakasama namin si Ashlee, ang gago kasi ng babae na 'yon. Hindi ko alam kung ano ba talagang gusto niyang mangyari sa lovelife ko. May time na pinipilit niya sa akin si Josiah pero kadalasan sinusulsul niya ako dito kay Aristotle.

"Bakit ang tahimik mo na naman, Maui?" biglang tanong ni Aristotle sa akin.

"Wala naman kasi akong sa sabihin kaya nananahimik nalang ako ngayon." sagot ko sa kaniya, tanga Maui, ang tanga tanga ng pagkasagot mo sa kaniya.

"Pwede naman nating pag-usapan panliligaw sayo ni Jeds." biglang saad niya.

"Bakit naman 'yon ang dapat pag-usapan natin?" salubong ang kilay na tanong ko.

"Kasi biglaan yung pangyayari. Bigla nalang na may gusto siya sayo. Bigla nalang na nanliligaw siya sayo." aniya.

Bigla akong napaisip sa mga sinabi niya, unti-unti ko naman na talagang nararamdaman na may gusto sa akin si Josiah. Hindi ko nalang masyadong pinapansin, pero alam ko ayaw ko lang talagang tangapin 'yon. Ayaw kong masira ang pagkakaibigan naming dalawa, eto rin ang dahilan kung bakit ayaw kong umamin kay Aristotle.

"Paanong naging biglaan 'yon? Dati pa naman kasi talaga nagpaparamdam na siya, hindi ko lang pinapansin kasi ayaw kong masira friendship... Pero nitong huling araw naging mapilit kaya hinayaan ko nalang din." pagsisinungaling ko.

"I see..." 

"Pwede bang huwag na ang panliligaw ni Josiah ang pag-usapan natin, na-awkward ako." sabi ko sa kaniya.

"Ano bang gusto mong pag-usapan?" tanong niya.

"Hmmm... Let see... How about your relationship with Akirah? Musta?" saad ko.

"So far it's good. Masaya ako na sinagot niya ako, masaya ako na naging kami." nakangiting saad niya pero may iba, ibang iba ang ngiti niya ngayon.

SWEETEST GOODBYETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon