KBNT 2

399 13 61
                                    

SWEETEST GOODBYE
written by: azhblack

KABANATA 2
Cartolina

Dear Diary,
Sorry to bother you again.

Pagsusulat ko sa notebook na pinakatatago-tago ko. Pakiramdam ko inis na inis na itong notebook sa akin. Sa kaniya ko lang kasi na ilalabas ang lahat nang mga hinanakit ko.

Isang linggo palang after ng graduation pero hindi na ako masyadong kinakausap ni Aristotle.

Sa isang banda mas ayos na hindi niya ako kinakausap kasi baka hindi ko mapigilan ang sarili ko't masabi sa kaniya na mahal ko siya. Na mahal ko siya hindi bilang kaibigan, kundi higit pa sa kaibigan.

Baka kapag sabihin ko sa kaniya 'yon bigla niya akong hindi kausapin. Ganoon naman kasi talaga diba? Pagnalaman ng bestfriend mo na may tinatago kang pagtingin sa kaniya masisira na ang pagkakaibigan niyo. Paano pa kaya ngayong may girlfriend na siya.

Paalis kaming magpipinsan ngayon, dahil nga bakasyon naman balak naming magbakasyon sa Canada, ulit. Hindi ito ang unang pagkakataon na magbabakasyon ako sa Canada. Pero, ito ang unang pagkakataon na hindi ko kasama si Aristotle.

Dahil nga mula 'nong magkaroon siya ng girlfriend hindi na kami gaanong nagu-usap. Hindi na rin siya tambay dito sa bahay kaya hindi ko na naimbitahang sumama ulit sa baksyon namin.

Bukas ng alasais sa gabi ang flight namin. Wala ni isa man sa kaibigan ko ang pinagsabihan ko tungkol sa pag-alis namin.

Dahil kalimitan isang buwan pagkatapos ng moving up ang pagbabakasyon namin sa Canada. Pero iba na ngayon.

'It's already a week since Aristotle and I talked. I miss him, his smiles, his voice, the way he acted in front of me. I miss all everything about him.'

"Maui!" biglang bumukas ng pinto ng kwarto't niluwa 'non si Ashlee.

"Why?" I asked while looking at her.

"Hindi ba talaga makakasama si Aristotle sa'tin? Diba may usapan tayo last year na siya magd-drive sa atin papunta sa Niagara Falls?" pabagsak siyang umupo sa kama ko.

"Ashlee, busy si Aristotle. Siyempre uunahin na muna niya ang girlfriend niya bago tayo. Nag-uumpisa pala ang relasyon nila, kailangan nilang patatagin 'yon." I said to her.

"Ewan ko sayo, Maui. Kung sanang umamin ka kay Aristotle noon pa man, baka masaya kayong dalawa ngayon." umiiling iling na aniya.

"Paano kami magiging masaya kung hindi naman niya ako gusto? Ashlee, sa aming dalawa ako lang may gusto sa kaniya."

"He loves you, right?"

"Yes. He loves me." ngumiwi ako "as his girl best friend."

Tinuloy ko ang pagsulat ko't hindi na pinansin pa si Ashlee. Masisiraan lang ako ng ulo kung patuloy ko siyang pakikinggan.

'I wish you're with me right now. Ang daya daya mo naman kasi, Tote. Nangako kang sasamahan kami sa Niagara Falls tapos ikaw tong hindi namin kasama ngayon. Ilang pangako mo pa kaya ang mapapako? Lol.

Maui.'

Sinarado ko na ang diary ko't tinaboy si Ashlee palabas ng kwarto ko. Nang makalabas na si Ashlee pabagsak akong humiga sa kama.

Nakatingala ako sa kisame, inaalala ang mga panahong kasama ko si Aristotle. Inaalala ko ang panahong nangako siyang hindi magg-girlfriend habang hindi tapos na pag-aaral.

SWEETEST GOODBYETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon