KBNT 22

177 6 1
                                    

SWEETEST GOODBYE
w

ritten by: azhblack


KABANATA 22
Almost perfect guy

It has already been a month since the one night mistake happened. Hindi pa rin ako mapakali, nago-overthink parin ako. Paano kung buntis ako? Paano ko ie-explain kila mama 'yon? At paano ko ie-explain kay Tute 'yon!? 

Hindi kami masyadong nag-uusap ni Tute mula noong maka-uwi kami. Siguro ay naging abala na rin siya sa paghahanda at pag-aaral niya. Ganoon din naman ako malayo layo rin kasi ang building ng engineering sa architecture kaya hindi rin kami ganoon nag kikita.

I'm on my way to the nearest drug store para bumili ng pregnacy test para hindi na ako mag-overthink ng mag-overthink. Natatakot akong pumasok, natatakot ako bumili baka ijudge ako ng mga tao sa loob.

Pabalikbalik ako sa pintuan, pinapalakas ko ang loob ko para pumasok at bumili na. Kaso pinangungunahan ako ng takot ko. 

"What are you doing?" may familiar na boses ang nagsabi noon sa likod ko. 

Agad kong nilingon kung sino 'yon. He looks so familiar, hindi ko lang maalala kung kelan at kung saan ko siya nakita. 

"Ahh... Ano..." nag-iiwas tingin ako. "May balak kasi akong bilhin kaso natatakot akong pumasok..."

He chuckled "Contraceptives bibilhin mo no." may kakaibang ngiti sa kaniyang labi.

"Hala, hindi, hoy!" hindi ko napigilan na sigawan siya dahilan para pagtawanan niya ako.

"Sobrang defensive mo naman." tumatawang aniya.

"I'm not being defensive. Hindi naman kasi talaga contraceptives ang bibilhin ko." saad ko.

"Then what, Maureen?"  I knew it! He knew me!

"Sorry mister. I don't know you." I awkwardly smiled at  me.

"Ohh. You already forgot about me?" aniya't umakto pa na nasasaktan. "I'm Ismael Corpuz, C-O-R-P-U-Z." he spelled his surname.

It hit me! Yes we met months ago. I think that was after my birthday celebration.

"Yes, I remember you na. The coffee shop owner." I smiled at him. 

"Yown! So ano na naman ang problema mo, miss? Ano bibilhin mo?"

"Will you help me?"

"Yes, so ano bibilhin mo?"

"Magpromise ka muna na hindi mo ako ij-judge."

"I promise."

Mukha namang sincerely ang pagka promise niya. I looked away "Pregnacy test." mahinang saad ko.

"Huh?" clearly he didn't hear me.

"I need a pregnancy test!" mabilis na saad ko't tinakpan ko ang mukha ko sa hiya.

"For you?" he looks like he's judging me, somehow.

"If you will just judge me you can leave me now." nakabusangot na saad ko.

"I'm not judging you," biglang nagiba ang reaksyon sa kaniyang mukha. "I was just confused. You look so young for you to buy that kind of thing."

SWEETEST GOODBYETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon