KBNT 5

264 11 47
                                    

SWEETEST GOODBYE
written by: azhblack

KABANATA 5
Pacheck up

Tahimik ang nagdaang oras ng byahe naming apat mula sa bahay. Tanging ang radio lang ng sasakyan ang nagbibigay ingay sa loob. Wala ni isa ang nagbalak magsalita. 

Si Jeds ang nagdrive habang nasa passenger sit si Ashlee, magkatabi naman kaming dalawa ni Tute dito sa backsit.

Malayo pa ang byahe namin, higit isang oras pa ang kailangan kong hintayin bago makalabas ng sasakyan na ito.

"Maureen" dinig kong tawag sa akim ni Ashlee "Totoo bang dito mo na itutuloy ang college mo?" tanong niya.

Nakita ko mula sa gilid ng mata ko ang biglang paglingon sa akin ni Tute, pero hindi ko gaanong pinansin 'yon.

Oo nga pala, mula noong sinagot ni Akirah si Aristotle 'nung graduation kinausap ko na sila na may balak akong dito na sa Canada mag-aral. Pero hindi pa talaga ako sigurado kasi baka mahalata ni Aristotle na nilalayuan ko siya.

"I'm not sure pa, Ash." nakatingin ako sa reflection ng mata ni Ashlee mula sa rear mirror.

"Dapat maaga pa ay inaalam mo na 'yan, Maui, para habang maaga ay makapaghanda ka na." saad niya pang muli.

"Ash, matagal tagal pa ang bakasyon, makakapaghanda pa ako."

"Sabi mo yan ah, kapag ikaw nahuli bahala ka sa buhay mo. Hindi ako tutulong sayo." she said and rolled her eyes.

Alam kong sinabi niya lang 'yon para malaman ni Aristotle ang plano ko. Kingina naman kasi nitong si Ashlee. Sigurado din ako na wala na akong takas sa mga tanong ni Aristotle.

Jeds also knew my plan, he's actually kinda cool about me leaving Aristotle so I can move on.

Lumingon ako kay Aristotle na ngayon ay nakatingin lang sa akin. Wala siyang sinasabi pero alam kong gusto nang bumuka ng bibig niya para makapagtanong.

"Go ask." sa pagbigkas ko ng dalawang katagang 'yon sunod sunod ang naging tanong ni Tute sa akin.

"Bakit wala akong alam sa mga nangyayari sa buhay mo ngayon, Maui? Bakit hindi ka nagsasabi sa akin? May problema ka ba sa akin, Maui? Are you avoiding me, Maui?" halata sa boses niya na naguguluhan siya.

Ibubukas ko na sana ang bibig ko para makasagot sa mga sunod sunod na tanong niya pero naunahan ako ni Jeds.

"Huwag kang magtanong sa kaniya ng ganyan, Tute. Boy best friend ka lang, hindi ka boyfriend so shut up." matigas na ani Jeds kay Aristotle.

"Tama nga naman si Jeds, Tute. Kung makareklamo parang boyfriend ka eh, hindi ka naman boyfriend diba." gatong pa no Ashlee.

Lumingon ako kay Aristotle na nasa tabi ko ngayon, medyo nag-aalala ako nang walang dahilan! He just look at the two infront of us before looking at me again.

Eye to eye, kitang kita sa kaniyang mga mata na humihingi siya ng tulong, kitang kita rin na gustong gusto niyang masagot ko ang mga katanungan niya. Nakipagtitigan ako sa kaniya sa loob ng halos isang minuto bago nagbawi ng tingin.

SWEETEST GOODBYETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon