SWEETEST GOODBYE
written by: azhblackKABANATA 11
Stop CallingPanibagong linggo na naman ang lumipas. Isang linggo na rin mula ng supresahin at sabihin sa akin ni Jeds na liligawan niya talaga ako.
Sa loob ng isang linggo na 'yon walang araw na hindi ako kinulit ni Jeds tungkol sa panliligaw niya. Kahit na ilang beses ko na siyang sinabihan na itigil na 'yon dahil ayaw kong gawin siyang panakip butas.
But he insists. I can still remember his words whenever I told him to stop following me around.
"Maureen! Andito si Jeds, hinahanap ka!" sigaw ni mama.
Kahapon nang sinabi sa akin ni Jeds na manliligaw siya agad ko silang iniwang dalawa ni Ashlee.
Akala ko nagbibiro lang si Jeds nang sabihin niya sa akin na manliligaw siya pero nagkamali ako. Kagabi ay ilang text messages ang na received ko galing sa kaniya tungkol sa 'panliligaw' niya pero binaliwala ko lang. Tapos ngayon andito siya?
Kaagad akong bumaba para komprontuhin siya pero nasalubong ko si mama.
"Uuwi na tayo sa susunod na linggo, sa Pilipinas ka na rin magc-celebrate ng birthday mo." bungad niya sa akin na ikinagulat ko.
Next week? Bakit? Mukhang nabasa ni mama ang iniisip konkaya sumagot siya sa akin.
"Ngayong darating na Friday na pala ang uwi natin. Biglaan kasi may biglaang dapat ayusin. At isa pa para naman magkaroon ka ng pictorial before your birthday." she said and she winked at me!
"Pero ayaw ko, ma. Isa pa gusto ko nang magstay dito sa Canada, ma." reklamo ko.
"Ay manahimik ka, Maureen. Pwede kang magstay dito pero doon tayo sa Pilipinas magc-celebrate ng birthday mo." she said and push me. "Mamaya na tayo mag-usap tungkol sa pag-uwi. Babaan mo muna si Jeds don." aniya't tinaboy ako na para bang pusa ako.
"Maureen, mi amor!" sigaw ni Jeds nang makita akong pababa.
May dala itong isang pirasong sunflower. Kaagad siyang lumapit sa akin at inabot agad ang sunflower.
BINABASA MO ANG
SWEETEST GOODBYE
Romance[FORSAKEN SERIES #2] Status: On Going Maureen feel in love with his longtime boy best friend. She was about to tell him the truth but Aristotle, his best friend told her that he'll court Akirah, one of her friends. Maureen kept her secret, she didn'...