KBNT 23

133 5 4
                                    

SWEETEST GOODBYE
written by: azhblack

KABANATA 23
Nilalambing

Matapos ang eksena na ginawang paghatid sa akin ng almost perfect guy na si Ismael Corpuz halos lahat pa rin ng tao sa sa loob ng cafeteria ay nakatingin sa amin... No, nakatingin silang lahat sa akin! Lalo na ang mga girls, tila ba may ginawa akong kasalanan!

"Bilisan niyo nga ang pagkain ninyo." saad ko sa dalawang kasama ko ngayon pero imbis na bilisan ang pagkain tumitig lang din sa akin.

Bakit ba kasi pumayag pa akong ihatid ako ng almost perfect guy na 'yon! Parang may napakalaki akong kasalanan tuloy ngayon.

"Ano ba! Kumain kayo ng kumain!" pasigaw na saad ko pa para ituloy nila ang pagkain nila.

"What if magkwento ka kung bakit magkasama kayong dalawa ni Ismael habang kumakain kami? Para naman maentertain mo pagkain namin." naka-ngising saad ni Ashlee sa akin.

"Magk-kwento ako. Pero hindi dito, kaya bilisan niyong kumain." saad ko pa.

"Are you in a relationship with him?" biglang seryosong tanong ni Tute.

"No." umiiling iling na sagot ko.

"Okay." mukhang satisfied siya sa sagot ko dahil nagtuloy lang siya sa pagkain niya.

Nagkatinginan naman kaming dalawa ni Ashlee dahil sa ginawa ni Tute. Pero may meaning na ang tingin ni Ashlee sa akin, tila pa may chismis sa akin ang babaita sa akin mamaya. Tinuloy niya na din ang pagkain niya tulad ng ginawa ni Tute.

While I sip in the iced coffee tinitignan ko lang silang kumakain nang biglang inilapit sa akin ni Tute ang hawak niyang kutsara na may lamang kanin at ulam. I was shock pero sinubo ko rin yun para hindi lang siya mapahiya.

It's awkward for me na sinubuan niya ako ng food dahil alam ko ang mga nangyari sa amin. Ako lang naman ang awkward sa aming tatlo! Bakit naman kasi lasing na lasing siya nung araw na may nangyari sa aming dalawa!! Mabilis ang mga sumunod na galaw nila, sinusubuan pa rin ako ni Tute at kinakain ko pa rin 'yon.

Nang matapos na ang pagkain nila magk-kwento na sana ako pero hindi na kami nagkaroon pa ng oras may klase na kami ni Ashlee.

Hinatid kami ni Tute sa room namin.

"Punta ako mamaya sa bahay para sa kwento." he smiled and left us.

Nang umupo ako sa upuan sa pinaka likuran napansin ko na nakatingin sa akin ang mga kaklase ko. Tila ba may mga gustong itanong pero hindi nila magawang magtanong.

"What?" hindi ko naman gustong magmukhang iritado ng sabihin ko yon pero ganon ata ang nangyari kasi inalis nila ang tingin nilang lahat sa akin at nag-usap usap nalang.

Wala pa naman ang prof namin, nagsabi naman na daw na mal-late siya ng one hour. Kaya yung iba nagsilabas pero nagstay nalang kami ni Ashlee dito.

Mukhang napansin naman ni Ashlee na ayaw kong makipag-usap kaya hindi niya ako ginugulo. Nakipag-usap nalang siya sa mga kaklasi namin.

Naka-upo lang ako sa gilid nakatingin sa bintana habang nag-iisip ng kung ano-ano. Dahil sa pag-iisip ko hindi ko namalayan na tumahimik ang lahat.

"Hi." biglang may nagsalita sa gilid. Agad akong tumingin sa taong 'yon.

"Ismael... Anong ginagawa mo dito?"

Naglapag siya ng sandwich at 250ml na fresh milk sa table ko. "Here."

"Anong gagawin ko dito?"

"Titigan mo malay magpakain sila sayo kahit na titigan mo lang." sarkastikong sagot niya.

SWEETEST GOODBYETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon