KBNT 25

260 8 2
                                    

SWEETEST GOODBYE
written by: azhblack

KABANATA 25
Nagp-prosisyon

I don't know what to say or what to do. He got himself a new girlfriend and here I am sulking. Maybe it's time that I confess my feelings for him. Wala namang mawawala kasi wala na ang friendship namin. Sirang-sira na ang friendship namin kaya wala na akong friendship na iingatan pa.

Tapos na ang season play offs as excpected our university won the championship. Tapos na rin ang midterms at tapos na rin ang buhay ko pero hindi matatapos ang pagging sadgirl ko. Mula nung lumabas ang chismis na may bagong jowa si Aristotle literal na natahimik ako. 

May party mamaya for celebration dahil sa panalo nila Aristotle at dahil daw sa bagong girlfriend. Sila Shaira ang nag-invite saakin sa bar na malapit sa apartment ng bawat isa. Hindi ako sure kung sasama ako dahil nga baka maging awkward lang pero pinilit nila ako at isa pa kasama naman si Ashlee.

Iniisip ko din na malalasing ako, sigurado 'yon baka magkaroon ako ng lakas ng loob magsabi sa kaniya mamaya. 

"Sa tingin mo hahanapan ako ng ID mamaya?" tanong ko kay Ashlee.

"Maybe no hindi ka naman na mukhang seventeen." tumawa pa si tanga.

"What if hindi na ako sumama? Wala naman akong mapapala don. Hindi naman ako umiinom, hindi rin naman ako ganoon kaclose kila Shaira-- wait..." I remember andoon si Nicole and Akirah gago. "Aristotle new girlfriend will be there and also his recently ex." hindi makapaniwalang usal ko.

"Akirah won't be there." sagot ni Ashlee sa akin kahit na hindi naman ako nagtatanong.

"Bakit? And hindi pwedeng wala din si Akirah don, panigurado kumpleto ang tropa nila." 

"Umuwi si Akirah sa Pampanga." 

"How did you know?"

"Pinag-uusapan kanina sa Campus, wala ka kasi kanina kaya hindi mo narinig."

Maaga akong umuwi kanina dahil may pinahanap sa akin na gamit si Jeds. Hindi makapaghintay si tanga kaya umuwi na din ako agad. Speaking of that guy sobrang naging busy din siya sa buhay niya kaya hindi na kami ganoon na nakakapag usap. Pero kapag naman nag-usap kami buong magdamag.

He also stop the panliligaw things since I told him na I will stop be friending him if he still insist courting me.

ILANG minuto nalang aalis na kami, pero hindi parin ako nagbibihis. Nakaligo na ako pero ayaw ko paring magbihis. Nag dadalawang isip pa rin ako kung tutuloy ako.

"Naka-ayos ka na ba--" pumasok si Ashlee sa kwarto ko pero agad niya rin nakitang nakahiga pa ako't hindi bihis.

"As you see, hindi pa." walang buhay na sagot ko.

"Magbihis ka na nga. Mabilis lang naman tayo don. Saka ang daming pupunta niyan doon, ang daming makakasalamuha ni Aristotle. Baka nga hindi ka rin nya mapansin kapag andoon na kaya tara na."

"Fine, magbibihis na ako."

WE ARRIVED at the bar exactly ten-thirty pm. Tulad na sinabi ni Ashlee hindi na kami hinanapan pa ng ID. May pinamigay din kasi na pass kanina daw sa campus ikinuha na niya ako.

As expected sa isang bar magulo, maingay at amoy alak.

"Saan tayo niyan!?" pasigaw na tanong ko kay Ashlee dahil sa ingay.

"Sa may VIP daw sila Shaira!" sigaw niya pabalik.

"Doon tayo tatambay sa kanila!?" tanong ko ulit.

SWEETEST GOODBYETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon