KBNT 18

178 7 3
                                    

SWEETEST GOODBYE
written by: azhblack

KABANATA 18
Buhok niya

Watching the beautiful sunset with a hot choco in my hand is in the mood. Napaka gandang pagmasdan ng kaulapang pinaghalo ng iba't ibang kulay. Mayroong pula, kahel, at dilaw. Iba talaga ang ganitong pakiramdam, lalo na't natatamaan ako ng malamig na simoy ng hangin at naririnig ang tunog ng mga alon sa dagat.

"You really like being alone, huh?" biglang lumabas sa kung saan si Aristotle.

I smiled at him "Yeah..." 'mula nang nagkajowa ka.' "Naging hobby ko na ang pagiging mag-isa mula nung di ko alam." I chuckled, a real chuckle.

"Why? What happened?"

"I don't know.." nagkibit balikat ako "Siguro dahil sa hormones ko nag-iiba na trip sa buhay."

We both chuckled at my joke. And we both ended up silent for a couple of minutes before he spoke again.

"Ano-ano palang ang mga pinagkakaabalahan mo ngayon? Hindi na rin kasi tayo masyadong nag-uusap lately simula nung birthday-- simula pa pala noong matapos ang graduation niyo."

"Wala naman akong pinagkakaabalahan lately, pero this past week after my birthday medyo nagtututok ako sa selflove."

Mukhang nagulat siya sa naging sagot ko, "Selflove? Naging broken ka ba? Napagtanto mo na ba na hindi mo dapat hinayaang manligaw si Jeds sayo?"

"Tanga," natawa ako, parang napaka protective niya ngayon, "Bago manligaw si Jeds broken na ako." bahagya pa akong natawa sa sagot ko sa kaniya. "Jeds did everything para lang matuon ko ang atensyon ko sa iba that's why he did court me." hindi ako kay Aristotle nakatingin kaya hindi ko alam kung anong reaksyon man ang meron siya. "'Yon din ang reason kung bakit nagtutok ako sa selflove. Ngayon alam ko na kung sakaling magmahal man akong muli alam kong may maititira parin ako para sa sarili ko---"

"Wait." he stopped me "You're telling me na naging broken ka at wala akong kaalam alam don?"

"Yes, busy ka kasi, kaya hindi na rin kita inabala pa."

"Nagkaroon ka ng boyfriend ng hindi ko alam?" medyo tumaas ang boses niya.

Hindi na ako sumagot pa sa tanong niya, ayaw ko namang malaman niya na naging broken lang ako dahil nagkajowa siya. Ayaw kong malaman niya na siya yung lalaking mahal ko. Hindi ko na muna sasabihin sa kaniya, kapag nalang malapit na kaming umuwi saka ko sasabihin sa kaniya.

"Maureen, kanina pa kita hinahanap--- Oh... Wrong timing na naman ako." narinig ko ang boses ni Ashlee.

"Bakit?" tanong ko sa kaniya.

"Kanina pa nagr-ring phone mo. Tumatawag si Jeds." aniya.

Agad kong kinuha sa kaniya ang cellphone ko. Nakita ko na may tatlo akong missed call from Josiah. Agad kong tinignan ang message ko kung nag text siya, wala naman. Kaya nag decide na ako na tawagan siya. Lumayo na rin ako ng bahagya kila Aristotle at Ashlee.

"Hello." bati ko ng sagutin na niya ang tawag ko.

"Hello, amore, how your day?" bungad sa akin ni Josiah.

"Hi ulit sayo Josiah, I'm good, my day is good. Ikaw?" I smiled, kahit na alam kog hindi naman niya nakikita na nakangiti ako.

"Ayos lang din ako, amore. Hindi ka naman naaaligid-giran ni Aristotle dyan?"

SWEETEST GOODBYETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon