SWEETEST GOODBYE
written by: azhblackKABANATA 20
Let him doNakahiga kaming dalawa ni Aristotle sa loob ng tent. Pagod na pagod sa mga ginawa naming dalawa. After months na hindi namin pagpapansinan ni Aristotle naging okay na ulit kami.
Mula nang lumangoy kaming dalawa ay dirediretso na 'yon hindi na kami tumigil pa. Parang tatlong oras ata kaming lumangoy ng walang tigil. Feeling ko sunog na sunog ako, buti nalang ay hindi tirik na tirik ang araw.
Nagtakbuhan pa kami na tila ba'y bata kaming dalawa. Paano ba namam kasi naglaro kami kanina at lagi siyang talo kaya kailangan niya akong habulin.
"Kain na tayo?" tanong ko sa kaniya, medyo nakapagpahinga narin naman kaming dalawa.
"Sige, gutom na rin naman ako." sagot niya.
"Sige at maghahanda na muna ako, initin ko nalang muna din ang pagkain natin." sagot ko.
"Tulungan na kita." aniya't kinuha ang adobo na dala namin.
"Paki-init nalang muna 'yang adobo. Ayusin ko lang ang pagkakainan natin." utos ko dahil naalala ko bigla ang bote na may lamang soju.
"Sige."
Hindi ko alam kung saan ko 'yon itatago kaya I've decided na sa personal bag ko nalang. Hindi naman siguro 'yon kakalkalin ni Aristotle.
Minutes later we both sitting while eating the adobo that we bought.
"Anong balak mo after kumain?" tanong sa akin ni Aristotle.
Nagkibit balikat ako "I don't know, baka matutulog nalang muna ako. Napakahina kasi ng signal kaya gustuhin ko mang magscroll ay hindi parin uubra." sagot ko habang tuloy parin sa pagkain. "Ikaw ba? Anong balak mo?"
"Baka matulog nalang muna din ako or punta ako doon." may itinuro siyang direksyon kitang kita ang mga punong nakatayo doon. "Ipapahinga ko nalang muna ang isip ko. Ang ganda kasing pagmasdan ng mga puno doon." sagot niya.
Mapuno rin dito sa pwesto namin pero mukhang mas marami doon at mukhang mas presko.
"Tama-tama kailangang ipahinga muna ang utak-isip natin. Galing mo talaga, Aristotle," ginaya-gaya ko ang boses niya kanina. "pero baka ganon nalang muna din ang gawin ko pero dyan nalang din sa loob ng tent tutal ay clear ang taas ng tent natin."
"Gaya-gaya ka naman masyado, Maui." umakto itong iniirapan ako.
"Duh... Ede sana hindi mo na sinabi balak mong gawin para di ko gayahin. Tanga-tanga mo talaga Aristotle." inirapan ko siya.
"Alam mo ba unti-unti na akong naiirita dyan sa pagtawag mo sa akin. Ibalik mo na nga ang Tute, stop calling me Aristotle." biglang seryosong aniya.
Natigilan ako doon. Oo nga pala, sinanay ko ang sarili ko na Aristotle ang tawag ko sakanya mula noong inumpisahan kong iwasan siya.
"Bigyan mo ako ng good reason para Tute ulit ang itawag ko sayo."
"Kasi bestfriend mo ako. At gusto ko na Tute na ulit ang itawag mo sa akin. Parang hindi kasi tayo close kapag Aristotle ang tawag mo sa akin. At isa pa nam-miss ko na ang pagtawag mo sa akin ng Tute." sagot niya.
BINABASA MO ANG
SWEETEST GOODBYE
Romance[FORSAKEN SERIES #2] Status: On Going Maureen feel in love with his longtime boy best friend. She was about to tell him the truth but Aristotle, his best friend told her that he'll court Akirah, one of her friends. Maureen kept her secret, she didn'...