SIMULA

937 24 3
                                    

SWEETEST GOODBYE
written by: Azhblack

SIMULA

Kung hindi lang talaga ako inimbitahan ni Julia, kung hindi ako kinulit ng marupok, kung hindi lang sinabi ni Shaira na siya na ang bahala sa plane ticket ko balikan ay hindi naman ako papayag na umuwi sa Pilipinas. Pero dahil nga libre 'yon nag-go na ako kahit na alam ko ang mga posibilidad na mangyari pagbalik ko sa Pilipinas.

"Ayos na ba lahat ng gamit mo?" tanong ko kay Scofield na ngayon ay kabababa lang.

"Yes po, mommy." ngumiti ito sa akin.

"Good, dinner is ready, maaga akong naghain ngayon para maaga na rin tayong magkapagpahinga, maaga pa ang flight natin bukas." saad ko't sabay kaming pumunta sa kusina.

"Papa Jeds won't be here po?" tanong ng anak ko.

"He's busy, mago-over time daw siya dahil ayaw niyang iwanan mga trabaho niya dito." sagot ko sa kaniya.

Nagpumilit pa kasing sumama si Josiah sa amin kahit na sinabi ko sandali lang naman kami sa Pilipinas, doon lang kami para sa birthday ni Julia at para na rin sa kaunting bakasyon.

"All your works are done na po ba? Hindi ka na po magdadala ng work pagpunta natin sa Philippines right? We're going to have vacation po doon, mommy, kaya dapat walang work na gagawin." he said as he sat onto the chair.

Nakakatawa lang dahil may accent pa rin talaga siya, hindi parin talaga ako sanay na nagtatagalog siya. Kahit naman na dito na lumaki itong si Scofield kinakausap at tinuruan namin siya ng tagalog pero mas nasanay na siya sa English lalo na't iyon ang lenggwaheng naririnig at ginagamit niya kapag nasa labas na siya ng bahay.

"Yes, nak. I've finished all of my works na yesterday at oo bakasyon talaga ang pupuntahan natin sa Pilipinas. At para na rin makilala mo at makilala ka na ng mga kaibigan ko doon." saad ko sa kaniya.

"Yey, I really want to meet my titas and titos po." he clapped.

"Oh sya, kumain ka na. Para makapagpahinga ka na."

Nagsimula na akmi sa pagkain. Agad ko na rin siyang sinabihan na umakyat na't maglinis na ng katawan para makapagpahinga na.

ALASNUEBE NA nang dumating si Jeds.

"Tulog na ba si Scofield?" agad na bungad niya sa akin.

"Oo, hindi na kita pinahintay para kahit papaano ay walong oras parin ang tulog niya." sagot ko naman. "Kumain ka na ba? Ipinagtabi kita ng dinner dito, andoon sa ref, iinit mo nalang kung kakain ka." dagdag ko pa.

"Six am pa naman ang byahe natin bukas diba?" tanong niya't naglakad siya papunta sa kusina.

"Oo, pero maaga tayong pupunta sa airport. Ayaw kong maulit na naman ang nangyari noong pumunta tayo sa UK." sagot ko, sinundan siya, narinig ko ang mahina niyang pagtawa dahil sa sinabi ko.

SWEETEST GOODBYETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon