KBNT 9

207 9 1
                                    

SWEETEST GOODBYE
written by: azhblack

KABANATA 9
Pull me

Simula ng araw na napagtanto ko mahal ako ni Tute bilang nakababatang kapatid ay hindi ko na siya pinansin.

Sa mga nagdaang araw nagkulong lang ako sa kwarto ko buong maghapon. Sa oras nang pagkain hindi ako sumasabay sa kanila, pinalilipas ko ang isang oras bago ako kumain para lang hindi kami magkita ni Tute.

Nasa iisang bahay lang kami pero hindi pa rin kami nagkikita. Mas ayos na ito, babawi nalang ako sa kaniya kapag alam ko sa sarili ko wala na akong nararamdaman para sa kaniya.

Si Jeds naman ay dalawang araw nang wala dito sa bahay, pumunta muna siya sa bahay ni tita Jas. Doon muna daw siya dahil may mga kailangan daw siyang gawin doon. Habang si Ashlee naman ay pilit akong ginugulo tungkol sa mga kung ano anong bagay na hindi naman importante.

Bukas na rin ang uwi ni Tute sa Pinas sandali lang ang pananatili niya dito kasi miss na miss na daw niya jowa niya, base on what Ashlee told me.

And of course because this is his last night with us my family wants to throw a despedida for him. And I am obliged to show of course my mom's knew about my feelings for Tute. Buti nga't hindi pa niya sinabi 'yon kay Tute. Hindi na ako magtataka na kung in future bigla na niyang sabihin kay Tute about my feelings. But I knew my mom, she won't tell Tute about my feelings.

Abala halos ang lahat sa paghanda ng despedida kay Tute. Habang ako nasa kwarto parin, nakatulala sa kisame, nag-iisip ako kung aamin na ba ako sa kaniya.

Should I tell Tute? Baka ito na rin ang last na magkikita kami. In the past days kasi lalo kong na iisip na mag stay na dito, na dito na rin ako mag-aral.

Pero in the end I still decided not to tell him. Para saan pa, mawawala na rin naman ang feelings ko sa kaniya, sana.

"Hoy!" si Ashlee 'yon, sinabunutan pa ako ng walanghiya.

"Bakit ba na nanabunot ka?" galit na tanong ko sa kaniya.

"Because you're spacing out! Kanina pa kita kinaka-usap nakatulala ka lang diyan!" sigaw na sagot niya sa akin. "Kaloka ka! Walang araw na hindi ka nags-space out kapag kinakausap ka!" reklamo niya pa sa akin.

"Marami lang akong iniisip, Ash, sorry." nag-iwas tingin ako.

"As far as I know si Aris lang naman ang iniisip mo niyan." she rolled her eyes "Ang sabi mo magm-move on ka, paano ka magm-move on niyan kung lagi mo siyang iniisip? Baliw ka." binatukan niya ako.

"I'm trying to move on, Ashlee, I really am. Pero ang hirap, ang dali dali kong nahulog sa kaniya pero ang hirap hirap mag move on." I sadly said.

"It's because he's always on your mind. Huwag mo siyang isipin tignan natin kung di ka makapag move on agad."

"Ano ang gusto mong gawin ko? Wala naman akong ibang pinagkaka abalahan sa ngayon." I answer.

"Tara, bar." mabilis ko siyang nilingon sa sinabi niya.

"Nahihibang ka na." seryosong saad ko.

"Gaga, kasama naman ako at si Jeds. Magiinom lang naman tayo don para kahit papaano makalimutan mo si Aris, kahit sandali." she smirked.

"I don't drink alcohol, alam mo yan. At isa pa underage pa ako, hindi ako makakapasok sa mga bar, hibang na hibang ka na talaga." masama ang tingin ko sa kaniya ng sabihin ko 'yon.

SWEETEST GOODBYETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon