KBNT 4

344 10 30
                                    

SWEETEST GOODBYE
written by: azhblack

KABANATA 4
Close

Hindi ko alam kung matutuwa o maiinis ako. Finally Aristotle is here, with me-us. Ang problema ko ay kung anong ginagawa niya dito! Nasa Pilipinas ang girlfriend niya bakit kailangang magpunta siya dito?

Mula nang gisingin nila ako ay hindi ko pa siya pinansin. Kapag balak niya akong kausapin ay nilalayuan ko siya. Maging kila Ashlee ay ganoon din ang ginagawa ko, kapag nakikita kong palapit sila sa akin ay agad ko silang lalayuan.

May alam pala sila na papunta si Aristotle at hindi man nila naisip na sabihin sa akin 'yon. Gusto lang naman daw nila akong surpresahin, oo nasurprise ako pero hindi ako masaya! Mukhang nagpapabebe lang ako pero hindi talaga ako masaya na nagpunta siya dito pero aaminin ko may parte sa akin na masaya at naiinis. Kasi pinangarap ko na sana andito siya kasama namin pero naiinis ako kasi walang kaalam alam ang mga kaibigan namin na nagpunta siya dito!

"Maureen naman, kausapin mo na ako." lumapit sa akin si Tute, kaagad naman akong lumayo sa kaniya, pupunta sana ako ulit sa kwarto ko pero nakasalubong ko si Ashlee.

"Kausapin mo na kasi kami, akala lang naman kasi naman na mapapasaya ka namin kung sakaling hindi namin sinabi sayo na pupunta din si Tute dito--" agad ko siyang pinahinto sa mga sinasabi niya.

"Masaya ako na andito siya alam mo 'yon, Ashlee. Sayo ko na halos sinasabi ang mga rants ko tungkol sa kaniya. Alam mo nagustong gusto kong andito siya, kasama natin."

"'Yon nga, Maui, masaya ka pero, bakit ayaw mo kaming kausapin?" hinila ko siya papunta sa kwarto ko, oo nga pala't hindi niya alam na pinagkamalan akong kabit nung tatlo. "Ano ba, Maureen! Alam kong galit ka sa akin pero huwag ka namang bigla biglang nanghihila, tao din naman ako, Maui! Nakakaramdam din naman ako ng sakit!" sigaw niya sa akin!

"Pinagkakamalan akong kabit ni Aristotle." saad ko sa kaniya.

"What!?" sigaw niya sa akin.

"Kagabing tumawag sila Shene sa akin tinanong nila kung kabit ba ako ni Aristotle. Kagabi pa daw kasi walang paramdam si Tute kay Akirah maging sa buong marupok ay walang balita sa kaniya." 

"What the heck?" 

"Kaya naiinis ako! Baka lalo nila akong paghinalaan na kabit ni Tute."

"Bakit naman paghihinalaan ka nila?" tanong niya habang nakakunot ang noo niya.

"Alam nila na may gusto ako kay Tute." diretsong sagot ko. "Tapos kinausap ka pa nila kagabi at sinabi mo sa kanila na may gusto talaga ako sa kanya."

SWEETEST GOODBYETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon