KBNT 16

197 7 19
                                    

SWEETEST GOODBYE
written by: azhblack

KABANATA 16
Kabit mo na ako.

"Nandito pa rin si Aristotle." pinaalam sa akin 'yon ni Ashlee.

Pagkatapos niya akong yakapin kanina agad ko siyang pinalayas sa kwarto ko. At nagkulong doon, hindi ko na rin inalam kung ano pang ginawa niya.

"Pakialam ko naman?" sumimangot ako.

Hanggang ngayon mabilis pa rin ang tibok ng puso ko dahil sa biglang pagyakap sa akin ni Aristotle.

I didn't expected him to do that! First of all dahil may girlfriend siya! Hindi siya dapat nangyayakap ng kung sino sinong babae!

Kahit na gusto ko sa Aristotle kapag nalaman ko talagang nagcheat siya kay Akirah ako mismo ang unang sasakal sa kaniya makita niya lang.

"Anong nangyari? Bakit bigla mo nalang daw siyang pinalayas sa kwarto mo?" lunapit siya sa akin para mas lalong makapag tanong.

"He hugged me."

Umakto siyang gulat sa sinabi ko "Wow. Parang bagong bagay lang na yakapin ka niya ah?" nang-iinis na aniya.

"Hindi bagong bagay ang pagyakap niya sa akin. Pero big deal 'yon lalo na may girlfriend siya! At isa pa nagm-move on ako, pano ako aber makakapag move on niya eh kada lalapit siya sa akin nahuhulog akong muli. Nasasayang lang ang pagpapagal ko sa pag move on sa kaniya."

"Bakit ba kasi hindi mo nalang sabihin sa kaniya na may gusto ka sa tao? Para hindi yung ganyan. At least siya na talaga mismo ang magtataboy sayo."

"I can't." I whispered.

"Ode bahala ka na sa buhay mo."

Then she left my room but before that she said something.

"Hindi daw aalis si Aristotle hangga't hindi ka daw niya nakaka usap." with that she really left my room.

Hindi ko na binigyang pansin pa ang mga sinabi ni Ashlee na 'yon. Alam kong maiinip din si Aristotle sa kakahintay sa akin. At baka kailanganin din siya ng girlfriend niya.

'Yon ang mga umiikot sa isipan ko na mga dahilan para umalis si Aristotle, para hindi na mag-antay pa sa akin.

Time passed by. Oras na para kumain ng pananghalian. Lalabas na sana ako kaso medyo tinamad ko.

Hindi na naman ako nagugutom, mamaya nalang ako kakain kapag nahihilo na ako.

But in my surprised, the door of my room open. Pumasok doon si Aristotle na may dalang tray ng pagkain! What the freaking hell!

"Hoy! Tangina mo naman! Bakit ba hindi ka marunong kumatok!?" galit na sigaw ko sa kaniya.

"Paano aber ako makakakatok dalawang kamay ko ang may hawak ng tray?" pamimilosopo niya pa.

"Eh tanga ka, paano mo aber mabubukas ang pintuan kung hawak ng dalawang kamay mo ang tray?" syempre hindi ako magpapatalo! Mukhang hindi makahanap ng isasagot sa akin ang tukmol. "Ano!? Sagot aba!" pang-iinis ko sa kaniya.

Bakit ba kasi hindi nalang siya lumayas. Kingina.

"Fine. I didn't knock because I wanted to surprised you..." nag-iwad siya ng tingin. "Nakialam ako sa kusina kanina, at syempre hinayaan ako nila mama... And uhm... I cooked this for you." he handed me the tray he's holding.

SWEETEST GOODBYETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon