Chapter 13 - Taking care of her

50 19 0
                                    

Nagising ako ng may maramdamang dumadampi sa balat ko. Kahit nahihirapan ay pilit pa rin akong dumilat. Sobrang dilim sa kwarto kahit ang lampshade na bukas kanina bago ako matulog ay hindi rin nakabukas. Ilaw lang sa Cr ang bukas pero hindi pa rin sapat iyon.

"Hmm." Nanunuyo ang lalamunan ko kaya hindi ako makapagsalita. Pilit kong tinatanaw ang taong nagpupunas sa kamay ko. Hindi ko maaninag ang mukha nito kaya pilit kong nilalayo ang kamay ko sa kung sino man.

"Don't move." Mahinang sabi ng lalaki.

"Who are you?" Nanghihina kong sabi. Hindi ko alam kung bakit hindi ko mabosesan yung lalaking nagsalita.

"Nalusaw na ba yang utak mo? Stupid" Dahil sa sinabi niya ay nakilala ko na kung sino itong taong nakaupo sa hinihigaan ko ngayon.

Bakit naman siya ang nandito?

"Why are you here?" Pilit akong umupo pero binalik niya ako sa pagkakahiga.

"You're really stupid. Obvious naman na pinupunasan kita para bumaba ang lagnat mo."

Nilalagnat ako? Ang akala ko ay simpleng sakit ng ulo lamang.

"What time is it?" Nakapikit ako ng tanungin ko iyon. Pinupunasan pa rin niya ang kamay at braso ko.

"4:38 A.M" Maikli na namang sagot niya. Dumilat ako pero hindi ko pa rin makita ang mukha niya dahil kahit bukas ang ilaw sa banyo ay hindi pa rin sapat iyon para makita ko na siya ng maayos.

"Umuulan pa rin. May bagyo nga talaga. Kailan kaya hihinto ang ulan?" Namamaos na aniya ko pa.

Pinatagilid niya ako para mapunasan ang kaliwang kamay at braso ko.

"Don't ask me dahil hindi ko rin alam" Huminto siya sa pagpunas at may kung anong kinalikot sa harap niya. "Wait me here." Dagdag pa niya at saka lumabas ng kwarto.

Tahimik akong nakahiga at naghihintay sa kanya. Kapag umayos na ang pakiramdam ko ay tatawag ako sa bahay dahil sa ngayon ay sobrang nanghihina pa ako. Ganito ako kapag nagkakasakit hindi ko kaya ang sarili ko. Daig ko pa ang lantang gulay.

Biglang sumagi sa isip ko si Nathan. Ang sabi niya ay nasa Hospital ang Mommy niya. Kumusta na kaya sila at ano ang nangyari. Noong nakita ko siya sa mall ay basa rin siya dahil nga sa ulan kaya sana okay lang siya ngayon. Nag-aalala ako sa kanya dahil baka sinisisi niya yung sarili niya ngayon kung bakit mukha akong kawawang sisiw sa labas ng mall ng madatnan niya. Nakakahiya pero ano pa bang magagawa ko?

Ang hindi ko alam ay kung bakit nandoon din si Zachary kanina. Ano namang ginagawa niya roon? Kasama niya ba si Nathan pumunta ro'n?

"I like you"

Hindi ko alam pero narinig ko na naman ang katagang sinabi niya. Nilalagnat na ako pero nagawa ko parin maisip iyon. Hindi ko pa naman napag-iisipan iyon at hindi pa naman ngayon ang tamang oras.

"Hey. Are you fine? Tulala ka diyan" Bumalik ako sa wisyo ng may dumamping palad sa pisngi ko. Napatingin ako sa paligid, bukas na pala ang ilaw hindi ko man lang napansin.

"Yeah, i'm fine. Sorry sa abala." Actually kahit hindi kami magkasundo ni Zach ay marunong pa rin naman ako tumanaw ng utang na loob. Alam ko naman na kaya niya ginagawa ito ngayon dahil kaibigan niya ang mga kuya ko.

"I'm glad that you know." He rolled his eyes at me.

Teka nga lang bakit ang aga-aga ay ang sungit niya? Dahil ba imbis na natutulog siya ay nandito siya ngayon at inaalagaan ako? Oo nga at nagpapasalamat ako sa kanya kasi ginagawa niya pa rin 'to kahit nakakaabala pero hindi naman siya ang inaasahan ko ngayon.

Make A Wish (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon