Chapter 26 - Debate

18 11 0
                                    

Nakansela ang araw ng debate ni Lie.

Nagkaroon ako ng mahabang oras upang kabisaduhin ang mga nakalagay sa folder na binigay niya sa'kin noong araw na yon.

Medyo mahaba ang palugit na binigay sa kanila dahil ang iba ay hindi pa talaga handa.

Nung araw na iyon ay wala talaga akong tulog kaya naman nalate na naman ako at sa detention room na talaga ang bagsak ko.

Nasa kalahati na kami ng pag-aaral. Kung sa tutuusin mas busy kami ngayon. Kung minsan pa ay puyatan at walang kain.

Pwedeng hindi ko talaga magawa ang hinihinging pabor ng kambal ko dahil marami talagang ginagawa sa University ngayon ngunit ayaw ko naman na mahirapan siya at mas lalong hindi ko naman kayang makita na walang tutulong sa kanya kaya kahit busy ay ginawan ko talaga ng paraan.

At naalala ko rin na ito ako at nagmamaneho papunta sa Excellent University.

Ngayon ang final date para sa debate. Kinakabahan ako pero hindi dahil sa debate na mangyayari pero sa mga makakasalamuha ko.

Ang tungkol dito ay walang ibang nakakaalam kundi si Hazel, Bella at Reveryi.

Napagusapan din namin na hindi kami uuwi hanggat wala pa ang isa sa amin dahil baka malaman nina Kuya ang mga ginagawa namin.

Inutusan ko rin na iwasan niya ang boys dahil baka makilala siya nito at malaman na hindi siya si Rie.

Kahit pa ginaya niya ang make up ko at ang pananalita ko ay alam kong mahahalata pa rin siya nito lalo at s'ympre ng mga kapatid namin.

Nagpark na ako at saka ako bumaba.

Akala ko hindi ako kakabahan pero nang makarating ako rito ay doon lumabas ang pawis sa noo ko.

"Rie!" Nagulat ako ng matanaw ko si Reveryi na tumatakbo papunta sa direksyon ko.

"Lie hindi Rie." Automatic na napatakip siya sa bibig at saka napatingin sa paligid kung may nakapansin.

"Sorry. Nasanay lang." Inangkla niya ang bisig niya sa bisig ko.

"Infairness, para kang hindi si Rie. Gayang gaya ang make up at ang lakad. Kung sa boses naman ay halos wala namang pinagkaiba kaya sure ako na walang makakapansin basta kilala mo sila." Gumaan ang pakiramdam ko.

"Pati yung nunal." Sambit ko kaya naman huminto kami sa paglalakad at saka niya pinagmasdan ng mabuti ang mukha ko.

"Haha! Ang galing. Sinong nakaisip?" Nagpatuloy kami sa paglalakad.

"Sino pa ba? Edi siya" She giggled.

Dahil mag kaiba ang pwesto ng nunal namin ay nilagyan niya yun ng foundation para matakpan. Nagdrawing siya ng maliit na maliit na nunal sa kaliwang pisngi ko dahil doon ang pwesto ng nunal niya.

"Ang debate ay may ilang rounds. Depende pa sa prof kung itutuloy yun ngayon o baka sa ibang araw pa. Nasabi naman siguro sa'yo ni Lie kaya alam mo na" Kunot noo ko siyang nilingon habang nakaupo kami sa likod ng classroom nila.

"Ha? May rounds pa? Akala ko isang beses lang at tapos na. Hindi nasabi sa akin ni Lie 'yan" Bulong ko dahil baka may makarinig sa'min.

Sa ngayon ay walang kumakausap sa akin kaya hindi ko kailangan mag-alala. Wala rin akong napapansin na tinitignan ako ng kakaiba kaya naisip ko na nakikita nila ako bilang si Lie.

Reveryi sighed heavily. Mukhang nakukunsimi rin siya kung bakit hindi nasabi sa akin ni Lie ang tungkol do'n.

"Don't worry. Sa tingin ko naman matatapos ito ngayon eh" Tumango na lang ako at inobserbahan ang paligid.

Make A Wish (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon