Ilang linggo na rin ang nakalipas. Naging okay ako ng tuluyan. Nakakapasok sa school. Nakakapag-usap na kami ng maayos ni Lie, hindi katulad dati na sa sobrang busy namin ay pati ang sandaling pag-uusap ay hindi namin magawa. Ngayon ay parehas naming ginagawan ng paraan upang kahit papaano ay hindi kami mawalan ng komunikasyon.
Para sa amin ay iyon ang pinaka-importante para palagi kaming nagkakaintindihan at nagkakasundo. Maiiwasan namin ang pag-aaway kung nakakapag-usap kami ng maayos.
Sa mga dumaang araw ay binibigyan pa rin ako ng update ni Zachary tungkol kay Lie. At sa bawat bigay niya sa akin ng impormasyon ay nakakaramdam ako ng nakokonsensya. Ang labas kasi ay parang wala akong tiwala sa kapatid ko pero pinangako ko na sa sarili ko na kapag panatag na ako ay titigil na rin ako. Siguro naman ay pwede ko tanungin ang kakambal ko kung anong nangyayari sa buong maghapon niya. Bilang kakambal niya ay mahalaga sa akin malaman iyon.
Bukod doon ay marami rin akong iniisip na bagay, hindi lang tungkol sa isang pagiging estudyante, kapatid, anak o kaibigan pero tungkol sa nararamdaman ko bilang babae. Walang araw na hindi ko naisip si Nathan. Palagi akong nababahala sa nararamdaman ko. May pakiramdam ako na parang mali pero may pakiramdam din ako na gusto ko lang sundin ang sinisigaw ng isip at puso ko.
It's Friday. I am wearing white long sleeve uniform shirt. Pinatungan naman ito ng black blazer. Sa pambaba naman ay gray fitted slit skirt at naka-suot din ako ng 4 inch stiletto heels. This is our uniform every friday.
Hindi na ako naiilang mag-suot ng ganito siguro ay sanayan lang din talaga."After this class, fix your uniform." Aniya ni Hazel habang nagtatype sa laptop niya. Napatingin naman ako sa suot ko. Hindi na nga nakaayos ng tuck-in yung panloob ko. Sa ngayon ay hindi ko muna pinagtuunan ng pansin dahil may klase pa kami.
Nang matapos ako sa pagta-type ay saktong tapos na rin ang klase namin sa Understanding the Self.
"Let's go? Pag-aya ni Hazel habang inaayos ko pa ang bag ko.
"Ganda niyang bag mo, ha? Ikaw ang bumili?" Tanong niya na ang tinutukoy ay iyong bag ko na Saint Laurent Classic Mediun Collège Monogram Bag.
Tuwing friday ko lang naman ginagamit ang bag na 'to dahil bagay sa uniform at wala masyadong dalang gamit bukod sa laptop. Iyong laptop naman ay iniiwan sa locker kapag tapos na ang klase kaya hindi ko na siya kailangan pang bitbitin.
"Kuya Zaiden's Gift" Maikling sabi ko at saka isinukbit ang bag sa balikat ko. "Tara na?" Dagdag ko pa. Sabay kaming naglakad patungo sa locker area.
"Btw hindi pa ba kayo nag-uusap ni Nathan?" Tanong ni Hazel habang nilalagay ang gamit sa locker niya.
"Naguusap kami. Sa chats" Aniya ko habang maingat na nilalagay ang laptop sa locker ko at saka ito ni-lock.
"Anong pinag-uusapan niyo." Kuryosong aniya pa.
"Hindi mo na kailangan malaman" dahil baka madismaya lang siya. Kaya naman siya nakiki-chismis kasi gusto niyang kiligin.
Ilang araw hindi pumasok si Nathan dahil siya ang nag-aalaga sa Mommy niya. Pwedeng ibang tao naman ang gumawa pero ganun talaga siya ka-alaga hindi niya hinayaan na ibang tao ang mag-alaga sa Mommy niya.
"Damot. Eh ngayon ba mag-uusap na kayo?" Nang marinig kong ni-lock na niya ang locker ay dumeretso naman kami sa Cr kung saan malapit lang sa Locker Area.
"Hindi ko alam kung pumasok na siya eh. Saka hindi ko rin naman alam kung paano siya kauusapin" Inilapag ko ang bag ko sa tabi ng sink at saka pumasok sa loob ng cubicle para ayusin ang pagka-tuck-in ng uniform ko.
Natagalan ako ng bahagya dahil ang hirap ibaba ng zipper sa likod ng skirt ko. Nang matapos ako ay kinuha ko ang liptint sa bag ko ay naglagay ng kaunti sa labi ko.
BINABASA MO ANG
Make A Wish (On going)
Teen FictionThe beautiful girl named Saharuh Soverie Villanueva is the living proof that morena are beautiful too. She believes that money can't buy love and trust. Saharuh Soverie is a sociable woman. She trusted her friends and family more than herself. She i...