Chapter 32 - Promise

22 10 0
                                    

Paggising ko ay pareho kami ni Hazel na nagmamadali sa pagbihis at pagkuha ng mga damit ni Lie dahil tumawag si Kuya Zaiden na pwede na raw bumisita.

Ako dapat ang magmamaneho pero dahil nanginginig ang mga kamay ko sa hindi malamang dahilan ay inako na ni Hazel ang pagmamaneho dahil baka madisgrasya pa raw kami.

"Huy hinay ka lang ah baka naman sermonan mo agad yung kakambal mo pagpasok mo sa kwarto." Sabi niya habang naglalakad kami sa pasilyo ng hospital.

Sino ba namang nasa tamang katinuan ang manenermon sa pasyente?

Saka na lang kapag galing na siya.

Pumasok kami sa kwarto at nadatnan ko siyang kumakain ng mansanas habang nasa tai niya sina Mama at Papa.

Umupo ako sa sofa pagtapos magmano sa kanila. "Nasaan sina Kuya?" Tanong ko.

Hindi naman ito ang balak ko. Kakamustahin ko sana siya pero bakit parang natatameme ako ngayon?

Kasi natatakot akong baka masigawan ko siya bigla.  

"Mano po tito, tita. Nagdala po pala ako ng mga fruits." Sabi ni Hazel. "Lie kumusta?" Aniya pa pero nginitian lang siya nito saka umupo sa tabi ko.

"Kausapin mo naman yung kambal mo." Bulong niya sa'kin.

Hindi ko na ulit sinulyapan ng tingin ang kambal ko dahil alam kong nakatingin din siya sa 'kin ngayon.

Ramdam ko ang titig niya. Ramdam ko rin ang gusto niyang sabihin. Alam kong alam niya na galit ako.

"Iyan agad ang tanong mo? Hindi mo man lang ba kakamustahin ang kapatid mo?" Tanong ni Mama.

Nag-aalangan akong tumayo pero ginawa ko pa rin. Umupo ako sa upuan sa gilid niya.

I crossed my arms and looked at her eyes. "Kumusta? Gusto mo bang mag-inuman tayo?"

Saan naman nanggaling 'yon?

Ang totoo ay pagising-gising ako dahil kahit anong pilit kong matulog ng maayos ay animo'y hindi niya ako pinapayagan.

"Rie, anak." Malumanay na sabi ni Mama, inaawat ako.

Kahit ako ay nabigla sa sinabi. Kita ko ang pagbaba niya ng tingin sa kamay. Kulang na lang ay mapahiga siya sa panlalambot.

I sighed. Pumikit ako ng mariin at kinalma ang sarili. Sa pagdilat ko ay nagtama ang mata namin kaya naman nag-iwas agad siya ng tingin.

Sa nakikita ko ngayon iyong nakahiga siya ngayon sa hospital bed ay parang gusto kong ako na lang dapat. Kung pwedeng ako na lang ang nasa kalagayan niya para hindi na niya maranasan ngayon ang bigat ng pakiramdam.

Hindi naman ganoon kalala ang sakit niya pero ganoon talaga ang nararamdaman ko.

"Pwede bang iwan niyo po muna kami?" Nilingon ko sina Mama. May pag-aalangan sa mata niya. Iniisip siguro niya na pagagalitan ko ang kakambal ko.

"Mag-uusap lang kami." Ngumiti ako.

Hindi naman nagtagal ay pare-pareho naman silang lumabas kaya kami na lang ang natira ni Lie sa malaking kwarto na ito.

"Anong nangyari?" Mahinahon kong sabi.

Bumaba ang tingin ko sa kamay niyang kanina pa niya kinukutkot.

Inabot ko ang kanan niyang kamay at hinaplos iyon.

"Masusugatan ka lang sa ginagawa mo." Patuloy kong hinahaplos ang namumula niyang daliri.

Nagulat ako nang marinig siyang humihikbi.

"Bakit ka umiiyak?" Natatarantang tanong ko at saka umupo sa tabi niya. "Tell me may masakit ba sa'yo?" Hinawakan ko ang pisngi niya.

Make A Wish (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon