Pinagmamasdan ko siya habang tahimik siyang kumakain ng cake.
Sa wakas ay napatahan ko rin siya. Hindi siya iyong tipo ng bata na madaling mauto pero siya iyong tipo ng bata na mahilig sa mga matatamis gaya mango cake na bitbit-bitbit ko pa kanina.
"Why do you like fruit cake like that one?" I asked her while she's busy eating.
"Kuya always make me fruit cake that's why my favorite is mango cake."
"Kids like chocolate cake. I'm amazed kasi mas like mo pala 'yung fruits." Inayos ko ang nagulo niyang buhok.
Mukhang paggising at pagbangon niya ay hinanap agad niya ang Kuya at Mommy niya ngunit nang hindi niya nakita iyon ay doon na siguro siya nag-umpisang umiyak.
Hindi ko maiwasang mapangiti habang inaayusan ko siya ng buhok. I want to be a mother someday. First, I want a boy then girl para kagaya nila ni Nathan at Nathalia. May kuya na tagapagtanggol ang kapatid niyang babae.
"I also like chocolate cake pero sabi ni Kuya baka raw masira ang teeth ko kaya he always make mango para daw healthy pa rin."
Napailing na lang ako habang hindi pa rin mawala ang ngiti sa mga labi ko.
Over protective talaga siya.
"Ganon ba? How about gawan kita ng chocolate cake?" Napalingon siya sa akin..
"T-talaga po?" Takang tanong niya ngunit bakas ang gulat at saya.
"Oo naman. Iyon ay kung gusto mo lang." Hinawi ko sa likod ang buhok niyang sumasabit sa labi niya.
"But... Kuya said hindi ka raw po marunong mag bake."
Ha? Ahh. I guess ang tinutukoy niya ay ang kakambal ko. Swerte talaga ang kambal ko kay Nathan.
Palaging nakatabi ang swerte sa kaniya at hindi ko akalain na pati ba naman sa relationship ay swerte siya.
Kailan kaya ako makakaranas ng ganoon?
"M-marunong na ako."
NATHAN
"Zachary. Yeah. I'm sorry I have a favor."
"What is it?"
"Can you please go to my house? Iniwan ko kasi doon si Nathalia. Hindi ko alam kung gising na ba siya o kung ano. Hindi ko kasi macontact si Travis at Liam."
Si Hayden nasa out of town naman kaya hindi ko na siya sinubukan i-contact.
"Nasa hospital kasi ako. Dinala ko si Mommy sa hospital dahil inaapoy ng lagnat." Dagdag ko nang hindi siya sumagot.
"Okay." Hindi na ako nakapagpasalamat ng binaba niya ang tawag.
Nakahinga ako ng maluwag. Hindi ko kasi maiwan si Mommy kahit sandali.
SAHARUH SOVERIE
"I need to go." Nabaling ang tingin ko kay Zachary na biglang tumayo sa kinakaupuan niya.
"Uuwi ka na?" Tanong ni Kuya Zion.
"Yeah."
"Ingat, Zach! Thank you dito." Inangat ko ang paperbag na may lamang chocolate powdered drink.
Tinanguan lang niya ako saka umalis sa harap namin.
"Ano kayang meron dun? Minsan masungit, mabait, ngayon naman mapagbigay." Takang tanong ko.
"Hindi ko alam sa'yo. Tanungin mo sarili mo." Sagot ni Hazel habang si Kuya Zion naman ay inilingan lang ako.
Hayan na naman sila sa weird gestures nila.
BINABASA MO ANG
Make A Wish (On going)
Teen FictionThe beautiful girl named Saharuh Soverie Villanueva is the living proof that morena are beautiful too. She believes that money can't buy love and trust. Saharuh Soverie is a sociable woman. She trusted her friends and family more than herself. She i...