Saharuh Soverie's POV
Nagising ako dahil sa pagkakayugyog sa akin. Inis kong inangat ang ulo ko at tinignan ng masama ang lalaking na sa harap ko.
"Finally the dog is awake!" Sabi ng kupal sa harap ko.
Ano raw? Dog? Eh kung ipalamon ko sa kanya yung pedigree?
"Sana naman kung manggigising ka yung dahan-dahan lang. Grabe ka makayugyog eh!" Aniya ko at kinusot kusot ko ang mga mata ko.
"For your information, I tried to wake you up earlier but you didn't respond." He said irritably.
Pagod kasi talaga ako. Gusto ko lang matulog ng tuloy-tuloy.
"Yeah. I'm sorry. I just need to borrow your charger dahil lumalakas na naman iyong ulan baka mawalan na naman ng kuryente." Aniya ko habang nakatingin sa cellphone ko.
"Okay but eat this first" Napabaling ako sa iniusog niyang tray sa harap ko at saka ako napatingin sa kanya.
"I thought you cooked because you haven't eaten yet?" Aniya ko pero hinila ko pa rin ang tray palapit sa akin.
Gutom na rin naman ako kaya bakit pa ako mag-iinarte at saka ang bango ng luto niya mukhang masarap.
"Naparami ang luto ko. Sayang naman kung itatapon ko yung sobra" Aniya at kinuha ang plato na may rice, fried chicken and mixed vegetables. Kinuha rin niya ang bowl na may laman na soup.
Naparami pero sakto para sa dalawang tao yung niluto niya? Kailangan niya pa ata magpa-seminar para gumaling sa pagda-dahilan.
Hindi na lang ako sumagot baka mabara na naman niya ako.
"Kumain ka na para makapag-charge ka na ng cellphone" Sabi niya habang nakatutok ang paningin sa kinakain.
Actually favorite ko ang nakahain sa harap ko. Hindi ko alam kung coincidence lang na iyon talaga ang niluto niya pero wala na akong pakialam doon dahil totoong gutom talaga ako.
We're silently eating. Hindi ko siya binabalingan ng tingin at patuloy lang sa pagkain. Infairness ang sarap niyang magluto. Pati soup ay siya rin ang nagluto.
"Pwede ka ng mag-asawa" Wala sa sariling sabi ko kaya pareho kaming nagulat.
"Ah. Haha" Kunwaring tawa ko para mawala ang awkwardness na bumabalot sa paligid namin "I-i mean marunong ka ng magluto k-kaya pwede ka ng mag-asawa" Dagdag ko.
Bakit parang tunog nanay ako?
"That's not how marriage work. Besides I haven't found the woman I want to marry and be with forever." He sincerely said while his gray and cold eyes are looking at me intently.
Bakit ba parang palagi akong nasisindak kapag nagsasalita siya? Madalas ay mas nakakatakot pa siya kaysa sa mga kuya ko. Dahil siguro ang cold ng awra niya o baka naman dahil sa mga mata niyang kulay abo?
HAYNAKO! WALA NAMAN AKONG PAKE SA KANYA. SADYANG NAKAKA-INTIMIDATE LANG SIYA!
"Well, you're right. Kahit naman ako ay hindi ko pa nahahanap kung sino yung gusto kong makasama habangbuhay." Wala sa sariling sabi ko habang kinukuha ang mga greenpeas sa plato ko.
"So what do you think of my friend? Libangin lang?" Nagulat ako sa sinabi niya kaya naman napa-angat ang tingin ko sa kanya.
"What do you mean? I don't know what you're saying." I frowned.
"Gusto ka ng kaibigan ko, 'di ba?" Aniya pa.
Paano naman niya nalaman? Lahat ata sila ay may lahing chismoso or baka naman narinig niya yung sinabi ni Nathan kanina? Sabagay nasa likod nga lang pala siya kanina kaya hindi na ako magtataka kung narinig nga niya.
BINABASA MO ANG
Make A Wish (On going)
Novela JuvenilThe beautiful girl named Saharuh Soverie Villanueva is the living proof that morena are beautiful too. She believes that money can't buy love and trust. Saharuh Soverie is a sociable woman. She trusted her friends and family more than herself. She i...