Chapter 38 - Lovers Quarrel

18 9 2
                                    

"Nandiyan na ba si Kuya?"

Halos dalawang araw na ang nakalipas. Ngayon pa lang namin makakausap si Kuya dahil mukhang badtrip siya nung isang araw kaya hinayaan na lang muna namin.

"Oo pero kauuwi mo lang din. Hindi ka ba pagod?" Tanong niya.

Kauuwi ko lang kasi galing school. Pagod ako at hindi na nga nadalaw si Zachary sa hospital dahil nadischarge na rin naman siya.

Dadalawin ko na lang siguro siya sa bahay nila mamaya o bukas kung wala akong gagawin o kung hindi magi-email ang mga prof namin ng panibagong gawain.

"Okay lang. Magbihis lang ako." Kumuha ako ng damit at nagpalit agad.

Matapos no'n ay kumatok kami sa office ni Kuya Zaiden.

"Come in!"

Ito namang si Lie ay walang kaingat-ingat na binuksan ang pinto ng office. Gumawa 'yun ng ingay sa loob ng silid ni Kuya.

"Kuya! I miss youuu.." Yumakap siya sa leeg Kuya Zaiden habang nakatalikod ito sa kaniya.

Nilingon naman siya ni kuya at ibinaling din ang tingin sa akin. Mukhang nagtataka siya sa biglaang inaasta ni Lie habang ang kambal ko naman ay kumikindat kindat pa sa akin kaya naman lumapit na rin ako sa desk ni Kuya.

"Kuya. How are you? How's your day?" Umupo ako sa upuan sa harap ng desk niya.

"It's fine pero nakakapagod. Why are you here?" Aniya, nagtataka pa rin dahil nanatiling nakatayo si Lie sa likod niya habang nakahawak sa mga balikat niya.

"Why are we here? Hindi mo na nga kami kinakausap eh. Nakalimutan mo atang may magaganda kang bunsong kapatid" Kunot noong sabi ni Lie, nakanguso pa at kunwaring nagtatampo.

"Yeah. I'm sorry. I've been busy lately. Madaming ginagawa si Kuya eh." Bakas sa mukha niya ang pagod kaya naawa naman talaga ako.

"Do you want a massage?" I asked and he nodded profusely.

He's like a kid sometimes.

Pumunta ako sa likod niya at si Lie naman ang umupo. Inumpisahan kong masahiin ang balikat niya na agad naman niyang nagustuhan.

"Yan. Diinan mo pa." Sinunod ko ang sinabi niya. "The best ka maghilot." Pang-uuto niya pa.

"Kuya..." Napatingin naman agad ako kay Lie nang magsalita siya. Sakto naman nakatingin din siya sa akin. Tumango siya at alam ko na ang ibigsabihin no'n.

"Why?"

"Kuya, may project kasi si Lie." Mahinahong sabi ko.

"What about it?" Aniya habang nakayuko at panay pa rin ang utos sa akin na mas diinan ko pa ang paghilot.

"I need to bake cookies, cupcake or anything and I need to sell it." Sabi ni Lie.

"I want to help her, Kuya pero kailangan ko pang magpaalam sa university kung pwede ko ba idisplay ung mga ibe-bake niya."

"Then?" Mukhang wala pa ring ideya si Kuya sa gusto naming iparating. "Gan'yan.. The best ka talaga manghilot. Sa batok ko naman." Anito.

"Can you help us?" Sabay na tanong namin Lie.

Agad namang nag-angat ng ulo si Kuya.

"I knew it!" Malakas niyang sabi na para bang tumama ang naiisip niya. "You two are suspicious." Aniya kaya napangiwi na lang ako. "Umupo ka ro'n." Utos ni Kuya kaya sinunod ko agad.

"Kaya kayo nandito dahil may kailangan kayo." I smiled, awkwardly. Ano bang maitutulong ko?" Napahawak ako sa lamesa niya.

"Tulungan mo kaming makabenta." Sabay na namang sabi namin ni Lie.

Make A Wish (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon