"Anong episode na ba yung pinapanood natin?" Tanong ng kambal ko sa gilid ko na kumakain ng popcorn.
"Episode 7" Nakatutok ako sa pinapanood naming korean drama.
"Pagtapos nito may isa pang magandang palabas. Panoorin din natin" Hindi ko siya pinansin dahil nanlaki ang mata ko ng mag kiss ang bidang babae at bidang lalaki.
Nagulat naman ako sa tili at hampas nitong katabi ko.
"Grabe maganda talaga 'tong palabas na 'to. Bago lang yan 'di ba?" Daldal pa niya.
"Oo. Favorite ko na rin 'to. Hays parang gusto ko na lang mag surgeon" Aniya ko pa.
"Sus. Wala ka namang balak mag engineer pero yun kinuha mo. Magturo ka na lang. Matalino ka naman"
"Bahala na. Ewan ko ba. Ang dami kong gustong gawin e" I shrugged.
"Astig. Parang gusto ko na lang din maging soldier." Natawa ko dahil alam kong gusto niya maging chef pero dahil sa pinapanood namin ay napapaisip kami sa kung ano ba talagang gusto naming gawin sa future.
"By the way, kukuha muna ako ng pagkain sa baba. Pause mo muna yan." Aniya saka tumayo sa kama. "Hintayin mo 'ko ha!" Banta niya at pinanlakihan ako ng mata bago lumabas ng kwarto.
Sa totoo lang kahit anong ganda ng pinapanood namin ay inaantok ako.
Mapipikit na sana ako ng tumunog ang phone ko. Binuksan ko ito at bumungad sa akin ang text ni Nathan.
:Good Afternoon. Are you done eating? Lunch?
Ano bang irereply ko?
:Yeah. Yeah lang?? Binura ko iyon.
Oo. Bakit? Ang pangit pakinggan kaya binura ko rin yun.
:Yeah. How 'bout you? Do you need something?"
Nagsasawa na ako kakaisip ng reply kaya iyon na lang ang sinend ko.
Akmang ibababa ko na ang phone ko ng tumunong ulit ito dahil nagreply agad si Nathan.
Bahagya akong natawa. "Halatang inaabangan yung reply ko ah?" Bulong ko pa.
What makes you say that? Wala naman. I just wanna check on you.
"Oo nga naman. Bakit ko ba naisip na may kailangan siya sa akin? Ganito ba ginagawa ng mga manliligaw? Hmm"
Oh. Okay. Thank you.
Bago ko mabura ang walang kwentang reply na iyon ay nasend ko na.
"Nakakaloka hindi ko maisip kung anong sasabihin ko"
Napasabunot na lang ako sa sarili ko at saka nagpapapadyak sa kama nang biglang pumasok si Lie.
"What are you doing?" Umayos ako ng upo at inayos ko rin ang buhok kong nagulo.
"Wala." Iniwas ko ang tingin ko sa kanya dahil baka malaman niyang nagsisinungaling ako.
"Talaga?" Halatang ayaw niyang maniwala. Naupo siya sa tabi ko habang kumakain. "By the way, tawag ka ni Kuya Zaiden" aniya na nakapukaw ng atensyon ko.
"Bakit daw?" Aniya ko na ipinagkibit-balikat lang niya.
Tumayo na ako sa kama at nagsuot ng tsinelas.
"Hintayin mo rin ako bago ka manood ah!" Ngayon naman ay ako ang nagbabanta sa kanya.
Lumabas na ako ng kwarto ko at nagtungo sa kwarto ni kuya para icheck kung nandon siya dahil hindi ko natanong kung saan ako pinapatawag.
![](https://img.wattpad.com/cover/262529472-288-k525622.jpg)
BINABASA MO ANG
Make A Wish (On going)
Ficção AdolescenteThe beautiful girl named Saharuh Soverie Villanueva is the living proof that morena are beautiful too. She believes that money can't buy love and trust. Saharuh Soverie is a sociable woman. She trusted her friends and family more than herself. She i...