Pumasok ako sa bahay pagtapos kong hintayin na mawala sa paningin ko ang sasakyan ni hazel.
Pumunta akong sala para maupo at magpahinga saglit. Sumandal ako sa single sofa at hinayaan na nakalapat ang batok ko. Gusto ko na sanang puntahan si lie at kausapin pero hindi na kailangan gawin dahil bigla siyang sumulpot sa gilid ko at umupo sa mahabang sofa.
"Maaga ka atang nakauwi ngayon" sabi niya habang nililipat lipat ang channel sa tv.
"Oo. Eh ikaw? Bakit hindi ka umuwi kahapon? Hindi mo ba alam na nagkasakit ako at hindi mo man lang naisipan umuwi? Saan ka galing? Saan ka natulog?" Sunod-sunod na tanong ko sa kanya.
"Nag sleep over ako kina Reveryi." sabi niya habang inaasikaso pa rin ang tv. "At saka nagkasakit ka?" This time napatingin na siya sa akin. "At bakit? Anong ginawa mo?"
Kung wala lang akong nararamdamang sakit kagabi malamang ko ba ay hindi ako makakatulog sa pag-aalala. May cellphone naman siya pero hindi man lang magawang mag update saming mga kapatid niya.
"Hindi ko alam. Sumama ang pakiramdam ko nung hapon. Akala ko nga nakauwi ka na since mas maaga ang uwian niyo." Sabi ko habang umaayos ng upo.
"Na sa bahay lang ako ni Revs buong maghapon. Kung tinawagan ako ni kuya malamang uuwi ako 'pag nalaman kong may sakit ka"
"Akala ko ba nasa bar ka kahapon?"
"Sino namang may sabi niyan?" Napataas pa ang kilay niya dahil sa tanong ko.
"Si kuya zaiden"
"At sino namang may sabi sa kanyang na sa bar ako kahapon? Hindi nga niya ako tinanong kung nasaan ako kahapon paano naman niya nasabi na sa bar nga 'ko?"
"Bakit ka pa nagtataka eh lagi kang tambay doon" inis na sabi ko sa kanya. Kahit nga ako hindi na nagtanong kung bakit nandun si lie.
"Napaka judgemental niyo naman. Kapag umalis ako, bar na agad? Hindi ba pwedeng kasama ko si revs?" Inis na sagot niya pa sa akin.
"Hindi ko kasi alam kung bakit gustong gusto mo tumambay sa bar. Kaya palaging galit na galit si mama at papa eh. Hindi ka na natutong magpaalam. Kahit noon ay ganyan ka. Kung hindi kita pipilitin mag-paalam hindi mo pa gagawin." Parang nanay na sermon ko sa kanya. Hindi na niya nabago yung ganoong ugali niya.
"At hindi ko rin alam kung bakit ayaw mo doon. Tayo lang ata yung kambal na hindi nagkasundo sa ganitong bagay" sabi niya at tuluyan ng humilata sa sofa.
Yeah. I have a twin sister. She's my twin sister. Marami kaming pagkakapareho. Kung anong mayroon ako, mayroon din siya. Kaya minsan pinagkakamalan akong si lie at minsan pinagkakamalan naman siyang ako. Nagkakasundo kami sa maraming bagay ngunit hindi sa pag-inom ng alak, sa pagpunta o sa pag-tambay sa bar kagaya ng lagi niyang ginagawa.
"You know that i don't like the smell of alcohol"
"Yeah. And that's weird" sabi niya at tuluyan ng humiga sa sofa at nag-hanap ng mapapanood.
"Anyway, why we are talking about this? Si mama at papa sana naman tinawagan mo para mapanatag sila kahit papaano. Pauwi na rin ata sila pero dapat mo pa ring tawagan. If i we're you unahan mo na dahil kapag nandito na sina mom malamang sermon na naman aabutin mo" pangangaral ko pa sa kanya.
"Oh I forgot. I need to call them." Sabi niya at biglang napatayo. "Kukuhanin ko lang yung laptop sa kwarto ko." Sinundan ko na lamang siya ng tingin.
Sana naman kapag pinagsabihan siya hindi na kami madamay ni kuya zaiden at zion. Madalas kasi kapag napagalitan ang isa palagi kaming nadadamay kahit wala naman kaming ginagawa.
BINABASA MO ANG
Make A Wish (On going)
Novela JuvenilThe beautiful girl named Saharuh Soverie Villanueva is the living proof that morena are beautiful too. She believes that money can't buy love and trust. Saharuh Soverie is a sociable woman. She trusted her friends and family more than herself. She i...