SAVINNA MELONLIE
Ilang beses na akong kumatok sa kwarto ni Rie pero walang sumasagot.
Naisipan ko na lang pumasok sa kwarto niya dahil alam ko namang hindi siya umalis.
Nang makita kong nakatalikod siya sa akin ay alam ko nang tulog siya.
Sinilip ko pa rin siya kahit ganoon pero mas napansin ko ang bukas niyang cellphone.
Hawak niya ito mukhang nakaligtaan at nakatulugan niya.
Ganoon ba siya kapagod?
Dahan-dahan kong kinuha ang cellphone sa kamay niya. Nang makuha ko iyon ng hindi siya nagigising ay nilapag ko 'yun sa bed side table niya.
Napansin ko rin na hindi maayos ang kumot niya kaya naman inayos ko ito para sa kaniya.
It feels weird. Minsan lang ako maging ganito sa kaniya. Sa aming dalawa siya ang mas maalaga ngunit ngayon mukhang kailangan niya ng mag-aalaga sa kaniya.
Para siyang batang paslit na nasobrahan sa kakalaro kaya mahimbing ang tulog ngayon.
We like that when we we're a kid. She always take care of me and I never did it to her dahil ako iyong palaging nakadepende sa kaniya.
Napangiti na lang ako nang maalala ang dati.
Napalingon naman ako sa kanan ko at nakitang bukas ang ilaw sa banyo niya.
"Really? I didn't know that she's careless now." Naglakad ako patungo sa cr niya upang i-off ang ilaw.
Napagdesisyunan ko nang lumabas nang biglang tumunog ang telepono niya. Mabibilis ngunit sinigurado kong maingat naman ang hakbang ko patungo doon dahil baka magising siya sa ingay.
Nakita kong si Nathan ang tumatawag. Napatingin ako sa kambal ko na mahimbing ang tulog.
Sasagutin ko ba?
Sa huli ay sinagot ko nga dahil baka importante.
"Rie?"
His sweet and gentle voice fills my ear.
"Rie? Can I have a favor?" I didn't respond. "Can you please go to my house? Naiwan kasi mag-isa doon si Nathalia. Dinala ko si Mommy sa hospital. Sobrang taas kasi ng lagnat niya eh."
My eyes widen.
DINALA SA HOSPITAL SI TITA? I MEAN YUNG MOMMY NIYA?
Agad kong binaba ang tawag at tinanggal ang missed call notification sa phone ni Rie.
Alam ko kung saan patungo ang bahay niya ngunit hindi ko pa nasubukan pumasok sa loob. Hindi ko pa rin nakikita ang mommy at kapatid niya.
Nung may kinuha siya sa bahay nila ay kasama niya ako. Iyon 'yung oras na nagkabati kami simula ng tinulak ko siya sa pool.
Sinulyapan ko ang kambal ko. Gigisingin ko ba siya?
Ang tagal kong nakatingin sa kaniya habang mahimbing siyang natutulog.
Hanggang sa nakita ko na lang ang sarili ko na nakasakay sa kotse habang papunta sa bahay nila.
I'm just a concern friend that's why I'm doing this.
ZACHARY
I don't know why this girl is like a turtle and a rabbit at the same time. She wants to do everything, fun here, fun there and fun everywhere but she's so slow and don't want to leave the store immediately.
Kulang na nga lang ay tumira na siya sa loob.
Sighed.
"I promise mabilis lang 'to. Bibili lang ako ng makakain. Bibilhan ko rin si Rie ng pagkain dahil she's stress. 'Yung isa kasi diyan walang kwenta hindi man lang maasikaso 'yung kapatid niya." Pagpaparinig pa nito sa katabi ko.
BINABASA MO ANG
Make A Wish (On going)
Novela JuvenilThe beautiful girl named Saharuh Soverie Villanueva is the living proof that morena are beautiful too. She believes that money can't buy love and trust. Saharuh Soverie is a sociable woman. She trusted her friends and family more than herself. She i...