Nandito ako sa may pool area ng bahay namin. Nandun sila sa loob nagkakatuwaan dahil nga sa pasalubong ng parents ko. Ang akala ko ba naman talagang hindi nakapamili ng marami pero ngayon lang inilabas yung iba dahil daw mas maraming tao mas masaya.
"Hey. Nakatulala ka na naman diyan. Okay ka lang ba?" Nagulat ako ng tumabi sa akin si nathan. Nakatanaw ako sa tubig ng pool namin.
"Nothing" Maikling sagot ko.
"Ang cold mo naman" Aniya pa.
"Nothing na may kasamang apoy" I said sarcastically that's why he laughed out loud.
I stared at him while he's still busy laughing. Kalaunan nahawa na ako sa kanyang pagtawa. Halos pareho kaming maluha-luha kakatawa. Hindi ko alam pero natutuwa ako sa kababawan nitong tao na 'to.
"Hey. Alam mong natutuwa ako sa ganyang pamimilosopo mo but I will treat your scratch first. At dito ako hindi natutuwa" Bigla namang nag-iba ang timpla niya. Ipinatong niya sa table ang first aid kit na kinuha pa niya sa loob ng bahay.
Naalimpungatan ako ng may kumalabit sa pisngi ko. Napahawak ako sa buong mukha ko para siguraduhin na wala akong laway sa mukha. At doon ko rin napagtanto na nasa loob pa ako ng sasakyan ni zachary.
"Kung gusto mo pang matulog ituloy mo na lang sa kwarto mo 'yan." Sabi niya at inabot ang pagkain sa likod.
"Sorry. Pagod lang ako. Pumasok ka muna sa loob dahil may pasalubong sina mama at papa. At kung pwede lang wala sanang makaalam kung anong pinag-usapan natin"
"Sure." Balik na naman siya sa maikling sagot niya. Akmang lalabas na ako ng kotse ng hawakan niya ang kamay ko.
"B-bakit?" Bakit ba lagi na lang akong naiilang?
"Let me see your right hand first" Parang nahi-hypnotised ako ng malamig na boses niya kaya naman walang pagdadalawang isip na ipakita sa kanya ang kamay ko.
Inabot niya ito at nilagyan ng band-aid at doon ko naalala na may kalmot nga pala ako. Mahapdi ito panigurado lalo na kapag binasa.
"Sorry for what happened." Aniya at bahagyang ginulo ang buhok ko. Pagtapos noon ay lumabas na siya ng kotse bitbit ang mga pinakyaw namin na street foods. Paglabas ko ng kotse ay iniiwas ko ang mukha ko sa kanya dahil paniguradong daig ko pa ang kamatis ngayon.
Ano bang araw ngayon? Parang kanina pa ako napapahiya sa harap niya. At bakit din kasi ang hilig nila gumawa ng ikagugulat ko? Hindi ako sanay.
Pumasok kami sa bahay at ang maingay na boses ni hayden ang sumalubong.
"Tita grabe para namang five years kayo nasa ibang bansa sa dami ng pasalubong niyo" natawa si mama sa sinabi ni hayden.
Ako naman ay napatanga sa kalat nila. Puro box, plastic bag, at kung ano-ano pa. Akala ko ba kaonti lang? Akala ko rin ako ang magbibigay sa kanila? Na-scam na naman ako ni mama. Isa rin siyang magastos e. Napailing na lang ako. Kahit kailan talaga si mama.
"Oh nandiyan na pala kayo. Oh my god, zachary. Lalo ka atang guma-gwapo. At saka teka nga ano yang bitbit mo? Street foods ba yan? Bakit parang ang dami?" Napatingin ako kay zach at napangisi. Ngayon ka magreklamo na ang daming tanong ni mama.
"Opo tita. Binili namin ni rie. Baka raw kasi namiss niyo ng kumain ng ganito." Nang sabihin niya iyon ay kanya-kanyang bitaw sila sa pasalubong at kinuha naman ang dala ni zach.
Himala. Akala ko pati si mama ay susungitan niya. Hmm.
Parang mga bata. Pati si hazel ay nakisali. Si lie naman ay kumuha rin ng pagkadami-dami at inalok pa sina liam at travis. Sabi ko na nga ba magugustuhan nila e.
BINABASA MO ANG
Make A Wish (On going)
Teen FictionThe beautiful girl named Saharuh Soverie Villanueva is the living proof that morena are beautiful too. She believes that money can't buy love and trust. Saharuh Soverie is a sociable woman. She trusted her friends and family more than herself. She i...