"Mukhang busy nga kayo eh." Natatawang sambit ni Tita Czabel kay Mama.
"Oo nga. Maraming trabaho at saka isinisingit din naman namin ang pag travel." Napansin ko ang pag-angat ng ulo ni Lie kay Mama at Papa.
"Nagta-travel kayo hindi kami kasama?" Atungal niya.
"Kailangan namin magpahinga dahil sa inyo pa lang ay nakukunsumi na kami." Natawa naman si Hazel na katabi ko pati na rin si Tita Czabel habang ang mga laaki ay nanatiling kumakain.
"Hayaan mo sa susunod ay isasama kita, Lie kapag maga-out of town ako. Okay lang ba sa inyo 'yun Camilla at Phillip?" Aniya at sinulyapan pa ang mga magulang ko.
Nabaling naman ang tingin ko kay Hazel na pasimple akong siniko.
"Hindi ka binaggit. Ayaw ka isama mukhang 'yung kakambal mo ang bet. Bakit kaya? Mainit siguro ang dugo sa'yo." Napatingin ako sa mga kasama namin. Mabuti naman at walang nakarinig.
Tanging si Nathan na panay ang lagay ng gulay sa plato ko at si Zach na nahuli kong nakatingin sa akin.
Hinatak ko ang buhok niya. Mahina naman siyang napadaing. "Manahimik ka." Babala ko.
Pinagpatuloy ko ang pagkain ko at nakinig pa sa usapan nila. Alam ko naman na mainit ang dugo sa akin ni Tita Czabel ngunit hindi ko na lang pinagtutuunan ng pansin 'yon.
"Payag naman kami para naman may pagka-libangan si Melonlie pero hindi iyan papayag na wala ang kaniyang kakambal." Nag-angat ako ng tingin sa kanila.
Mukhang nailang at hindi malaman ni Tita Cza ang kaniyang sasabihin kaya ako na ang pumutol sa usapan nila.
"Hindi, Pa. Okay lang ako sa bahay at saka may hinahabol po akong due date sa mga activities at assignments ko na hindi ko pa nagawa nung mga nakaraang araw." Ramdam ko ang talas ng tingin sa akin ng kambal ko.
Nang sikuhin ako ni Hazel ay isa ng hudyat iyon ng pagsabing masama na ang tingin ng kakambal ko sa akin.
"Iyon naman pala. Saka baka ayaw din niyang iwan ang nobyo rito." Bahagya naman akong nailang nang banggitin ni Tita iyon.
"Nako. Ganoon ba? Mabait naman si Nathan. Strikto ka rin ba, Hijo?" Umiling naman agad si Nathan bilang sagot.
"Nako, Tita hindi po. Kahit saan po siya magpunta okay lang basta alam ko pong ligta 'yung lugar na 'yun." Anito na ikinapula ng mukha at tainga ko.
Kailangan ba niyang sabihin 'yun?
Nilagyan na naman niya ako ng patatas sa plato ko.
"Bakit hindi ka na lang sumama, Hijo?" Tanong ulit ni Mama.
"Ahh kasi po--"
"We planned to go somewhere po, Tita. 'Di ba Zion, Zaiden?" Nagulat ako sa biglaang sabat ni Zachary sa usapan. Pati si Tita Czabel ay napalingon sa anak.
I wonder if my Mom and Dad knows that Zachary and Tita Czabel is actually a blood related.
"Ahh Yeah. Ma. I forgot to inform you that we have a plan to have a bond together since I need a vacation too. So.." Kuya Zaiden said and shrugged."Sayang naman. Siguro kami na lang talaga ni Lie. By the way, ang sarap ng ulam niyo. This is one of my favorite. Who cooked this one? You Camilla?" Ani Tita Czabel na ang tinutukoy ay ang niluto ko.
"No. My daughter does." When Mama said that Tita Czabel automatically looked at my twin and then smile at her.
"Nako. Sinasabi ko na nga ba ay magaling at magandang si Lie ang nagluto ng putaheng ito."
BINABASA MO ANG
Make A Wish (On going)
Teen FictionThe beautiful girl named Saharuh Soverie Villanueva is the living proof that morena are beautiful too. She believes that money can't buy love and trust. Saharuh Soverie is a sociable woman. She trusted her friends and family more than herself. She i...