CZABEL
"Ano bang ginagawa mo rito?" Bungad ni Olivia kasama ang asawa nang labasin niya ako rito sa tapat ng bahay nila.
"Nag-eeskandalo, can't you see?" Pinagsisipa ko pa ulit ang gate nila dahil sa inis.
"Itigil mo 'yan baka magulat ka na lang dinadampot ka na ng pulis.." Otomatiko naman akong napatigil.
Sinisindak ba nila ako ngayon?
Itiinigil ko ang ingay na ginagawa, hindi ako pwedeng makulong dahil hindi ko pa nababawi ang anak ko.
"Nasaan ang anak ko? Isauli mo na siya sa akin." Sabi ko habang masama ang tingin sa babae.
"Pumasok tayo sa loob. Nakakahiyang may makakita sa'yong nageeskandalo sa oras na ito." Aniya at sabay nila akong tinalikuran ng asawa.
HA! TALAGA LANG HA?
Sumunod ako sa kanila. Mabuti naman at pinapasok nila ako pwede kong halughugin ang bahay nila kapag hindi nila ibinalik ang anak ko.
"Huwag na tayo magpaliguygoy pa. Isauli niyo na ang anak ko sa akin para matahiimik ako." Agad kong sabi nang makarating kami sa sala pero prenteng umupo lang sila sa sofa habang ako ay nanatiling nakatayo.
Sigurado akong makukuha ko ang anak ko. Hindi siya nababagay sa inyo. Hindi siya nababagay dito.
"Zachary was just a baby when we first saw him. He was inside the box while wearing only one layer of clothes even though it was cold at that time."
Hindi ko gustong marinig ang mga sasabihin niya. Ang alam ko lang ay uuwi si Zach matapos akong makita sa bahay ng kaibigan ko.
Nasaan na kaya siya? Ang daming sinasabi nitong mga 'to.
"We felt sorry and bad for the baby so we took him, cared and loved him until now as if he were our own child. Iniwan mo siya ro'n kasama ang iilang papeles niya. Paano mo naatim iyon?"
Hindi ko nagustuhan ang narinig.
"Ginawa ko 'yun dahil wala akong choice! Sino ka para sabihin sa akin 'yan?" Sigaw ko sa kaniya.
Ang kapal ng mukha.
"With all due respect but you have no right to shout at my wife. Baka nakakalimot ka? Kami ang kumupkop kay Zachary, inalagaan, pinakain, binihisan ng maayos na damit, pinag-aral at minahal. Hinding hindi namin isusumbat kay Zachary ang bagay na 'yun dahil kusa naming ginawa ang lahat ng 'yun dahil tinuring na namin siyang anak. Anak namin siya. Hindi man nakalagay iyon sa mga papeles pero nasa puso na namin ang pagiging magulang sa kaniya.." Mahabang litanya ng lalaki habang pinahihinto ang asawa sa kaiiyak.
"Hindi ko gustong makipag-usap sa inyo. Ang gusto ko lang ay makuha ang anak ko. Tama na siguro ang panahon na naging magulang kayo. Tama na siguro ang pag-aalaga niyo sa anak ko. Panahon naman na siguro para ako naman ang magmahal sa kaniya, ang mag-alaga. Kaya naman ibalik niyo na sa akin ang anak ko." Tunog nagmamakaawa ako dahil pakiramdam ko ay wala silang balak ibigay sa akin si Zach..
Hindi ako papayag.
ZACHARY
When Nina called me that someone was allegedly causing a scandal in front of my parents' house, I came up with the thought that maybe that woman was the one who did it again.
I arrived at my parents' house, I immediately found Tita Czabel in the living room.
Tumayo ako doon ng ilang minuto para marinig ang usapan nila.
At nang marinig ko iyon ay doon ko napatunayan na hindi sila ang magulang ko.
Hindi nga sila.
BINABASA MO ANG
Make A Wish (On going)
Teen FictionThe beautiful girl named Saharuh Soverie Villanueva is the living proof that morena are beautiful too. She believes that money can't buy love and trust. Saharuh Soverie is a sociable woman. She trusted her friends and family more than herself. She i...