CHAPTER 52- FEVER

10 2 0
                                    

NATHAN YAZEL

"Salamat sa paghatid mo." Aniya habang papikit pikit ito.

Hinatid ko siya dahil nag-insist siyang iinom siya. Hindi ako makahindi kaya ayan, nalasing.

"Walang anuman. Rest well." Sabi ko at saka siya tinalikuran.

"Teka lang.." Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa braso ko.

Hinarap ko siya ngunit mukhang isang pagkakamali iyon dahil labi niya ang sumalubong sa akin.

Hinalikan niya ako.

Hindi ko alam kung bakit hindi ko siya maitulak. Para bang natulala lang ako sa kawalan.

Saka ko lang siya nailayo sa akin nang matauhan ako.

"Why did you do that?" Mariin kong sabi.

"I did that as a thank you for dropping me here.. Thank you ulit. Akyat na ako."

Gusto ko pa siyang sigawan ngunit hindi ko na magawa nang makitang nakalayo na siya sa akin.

Lagot ako nito kay Rie kapag nalaman niya.

Ano ba kasing nasa isip ng kakambal niya?

Napahawak na lang ako sa labi ko habang palabas ako sa gate nila galing sa hardin.

Nagulat pa ako nang makita si Zachary at Rie na magkayakap.

Anong ginagawa nila?!

Hindi ko nagustuhan ang nakita kaya naman agad ko silang nilapitan.

"Anong ginagawa niyo?" Mariin kong tanong ngunit mukhang hindi natinag doon ang kaibigan ko.

Masama pa nga ang tingin niya sa akin.

"W-wala. Nandiyan ka pala?" Tanong ng girlfriend ko na agad namang lumapit sa akin.

"Anong wala? Anong mayroon?"

"Hindi ko--" Naputol ang sasabihin ni Rie nang makisabat si Zachary.

"Masama na bang yumakap sa kaibigan ko?"

Magkaibigan na pala sila ngayon.

"H-hindi naman. Pero bakit kasi.."

Hindi ko na alam ang sasabihin. Nakita ko naman ang ngisi nitong kaibigan ko.

"Okay lang 'yun. Magalit ka kung nakita mong hinalikan ko ang girlfriend mo."

"Huy! Siraulo mo.. Anong sinasabi mo diyan?" Saway ni Rie sa kaniya at hinampas pa nito ito sa braso.

Ang atensiyon ko naman ay na kay Zachary.

Posible kayang nakita niya iyong pag halik ni Lie sa akin kanina?

"Why?" May nang-aasar na tono niyang tanong sa akin habang hindi pa rin maialis ang ngisi sa labi.

"W-wala. Uuwi na ako."

Tinalikuran ko sila pero sa pagkakataon na 'to ay si Rie naman ang pumigil sa pag-alis ko.

"Teka lang.. Hindi ka muna ba mag-stay dito? Ano bang pinunta mo rito? Akala ko nasa bahay ka lang."

"Pagod ako, Rie. Sa susunod na lang tayo mag usap."

Hindi ko na hinintay ang sagot niya at saka dumeretso na ng alis.

Sorry, Rie. Hindi ko naman ginusto iyon eh.

ZACHARY RAIJIN

That bastard!
How dare him ignore his girlfriend?!

Make A Wish (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon