Chapter 47- Perfect gift

13 6 0
                                    

ZION

"Anong ginagawa mo rito?"

Lalo siyang nainis nang sabay namin sabihin iyon.

"Nandito siguro ako para matulog." Sarkastiko kong sabi.

"Leche." Aniya saka ako binangga sa balikat at tinalikuran.

"Problema niya?"

HAZEL

Asar.

Nang makita ko si Zachary ay sinigawan ko siya.

"Saan ka ba nagpunta? May nakasalubong tuloy akong shokoy." Sigaw ko sa bwiset.

Wala akong pakialam kung pinagtitinginan nila ako. Ang iba pa ay natawa.

Alin ang nakakatawa? Ang pagsigaw ko o yung narinig nilang word na shokoy ? Bakit ngayon lang ba sila nakarinig non o baka kasi hindi pa sila nakakakita non?

Kung pwede ko lang ipakilala sa kanilang lahat ang Zion na 'yon edi sana nakakita na sila ng shokoy in real life.

"Bakit ka ba sumisigaw?" Tanong ni Zach habang nililingon ang mga taong napapatingin sa amin.

"Iniwan mo kasi ako do'n. Sabi kong wait lang e. Nakasalubong ko tuloy yung Gagong Shokoy na 'yun. Akala niya gwapo siya? Wala rin naman akong pakialam kung gusto niya matulog dito. Kung trip niya mag camping dito sa mall edi gawin n'yang hinayupak siya."

Pagmamaktol ko pa saka padabog naupo sa waiting area.

"Can you please lower your voice?" Mariin niyang babala dahil lalo pa kaming pinagtitinginan.

Inirapan ko na lang siya.

"Maganda ka nga pero wagas naman makasigaw sa public places. Tsk."

"Atleast maganda ako." Hirit ko pa.

Sinundan ko siya ng tingin ng umalis siya sa harap ko. Hindi na lang muna ako sumunod dahil ang sakit na ng paa ko kalalakad.

Alam ko naman na babalik siya rito dahil kung hindi ay sisigawan ko ulit siya.

Ilang minuto lang akong nakaupo doon hanggang sa matanaw ko ang ice cream stall.

"Saan ka ba nagpunta?"

Nang marinig ko ang boses ni Zach sa likod at tumayo na ako at inaya siya bumili ng ice cream.

"Tara na." Aya ko nang hindi siya nililingon.

"Saan ka pupunta akala ko ba dito ka mamimili ng mga damit?"

Nilingon ko siya at handa nang mabwiset ulit pero nang makita ko kung sino ang katabi niya ay mas lalong hindi napigilan ang sarili magtaas ng boses.

"Bakit kasama mo 'yang shokoy na 'yan?" 

"Pwede bang huwag kang sumigaw?"

Hindi ko pinansin si Zach at nanatili ang masamang tingin ko kay Zion.

"Para kayong aso't pusa. Kung gusto niyo ang isa't-isa, umamin kayo."

Nagpintig ang tenga ko sa narinig.

"Ano? Gago ka ba?"

"Huwag ka nga sumigaw!" Sabay na saway nila sa akin.

Sa bwiset ko, nagmamartsa akong pumunta sa ice cream stall.

Mga gago. Nakakabwiset.

Sana hindi na sila sumunod pero huli na dahil nakikita ko sila sa gilid ng mata ko.

Pasimple at bahagya ko silang nilingon. Seryoso silang naguusap lang habang hinihintay ako matapos makabili.

Sana matagal kumilos ang nagse-serve para mainip sila at umalis na lang.

Make A Wish (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon