"THE FUCK ARE YOU SAYING?!" Hindi ko maiwasang magmura.
Tumawa siya ng malakas. Halos nakapikit na ang mata niya. Napahawak pa siya sa tiyan niya.
Ngayon ko lang siya nakitang tumawa tapos mukhang galak na galak pa siya.
"Stop joking." Seryosong sabi ko.
Biro lang pero nakakainis pakinggan. Hindi ko alam kung bakit bumilis ang tibok ng puso ko kahit panandalian.
Sigurado akong dahil sa inis 'yon.
"I'm not joking." Sabi niya habang nakangiti.
"Kaibigan mo si Nathan." Aniya ko.
Walang connect yung sinabi ko.
"Then?" He raised his brow.
"Tss. Uuwi na ako. Thank you sa pagturo sa'kin." Umikot ako at saka sumakay sa driver seat.
Pinaandar ko ang kotse at bumusina hanggang sa makalayo ako.
"Ang pangit magbiro" Bulong ko.
Hindi na maaraw pero hindi naman mukhang uulan. Ilang minuto lang ay nakarating na ako sa bahay.
"Saan ka galing?" Bungad ni Kuya Zion na naglilinis ng kotse niya.
"Kina Zach" Kinuha ko ang mga gamit ko sa loob ng sasakyan at akmang maglalakad na ako palayo nang mapansin ko ang kakaibanag tingin sa akin ni Kuya Zion.
"B-bakit ganiyan tingin mo?" Nagtatakang tanong ko.
"Sa bahay ni Zach?" Tumango ako. "Bakit ka pumunta ro'n?" Tanong ulit niya.
"Nagpaturo ako sa Calculus." Tumango siya pero hindi ako kumbinsido.
Anong meron? Bakit parang big deal?
"May gusto ka pa bang sabihin? Papasok na ako sa loob." TInignan ulit niya ako pero hindi siya nagsalita kaya naman nilagpasan ko na siya.
"Kayo na ba ni Nathan?" Humarap ulit ako sa kanya.
"Hindi pa." Deretsahang sagot ko.
Ano bang problema niya? Bakit parang seryoso siya ngayon?
"Hindi pa? So may chance?" Aniya.
"Bakit naman wala?" Balik tanong ko.
"Masaya ka na ba?" Kumunot ang noo ko sa tanong niya.
Masaya ka na ba? Masaya na ba ako? Para namang hindi ako masaya dahil sa tanong niya."Ano bang klaseng tanong 'yan?" Mahina akong natawa.
"Wala. Naisip ko lang na baka magbago pa ang isip mo dahil hindi ka pala masaya. Kay zachary ba wala kang gusto?" Aniya habang nagpupunas ng kotse.
Nagtataka ako sa mga tanong niya.
"Kuya ano ka ba? Ano bang tanong 'yan? M-magkaibigan kami ni Zach at saka ang sungit sungit niya. Mainitin ang ulo sa tingin mo ba magkakasundo kami?" Sabi ko sa kanya. "Weird niyo ni Zach. Kanina rin tinanong niya ako kung what if he likes me daw. Natawa na lang ako." Hinarap niya ako.
"Ewan ko sa'yo, Rie. Pumasok ka na sa loob baka hindi pa kita payagan makipagkita kay Nathan." Inis niyang sabi.
Nagpaalam na pala si Nathan.
Umakyat na ako sa kwarto ko at naghanap ng maisusuot para sa lakad namin ni Nathan.
Habang nag-aayos ay naalala kong hindi na kami masyado nakakapag usap ni Kuya Zaiden dahil masyado siyang busy. Minsan ay hindi siya mahagilap sa bahay dahil pabalik-balik sa office.
BINABASA MO ANG
Make A Wish (On going)
Teen FictionThe beautiful girl named Saharuh Soverie Villanueva is the living proof that morena are beautiful too. She believes that money can't buy love and trust. Saharuh Soverie is a sociable woman. She trusted her friends and family more than herself. She i...