ELIJAH'S POVMaaga akong nagising at tinunton ang banyo bago naligo. Pagkatapos ay nadatnan ko si Eljake na nakapandekwatro sa sofa ko.
Kinukoskos ko pa ang buhok ko at nakasuot na ako ng jogging pants "ang aga mo naman para makikain" biro ko, tumawa naman siya at ngumisi.
"may bago kasi akong investors tapos mukhang mga adik" sabi niya, napatawa naman ako, gago talaga
"tumahimik ka nga Eljake, papalayasin kita dito sa pilipinas e!" singhal ko sa kanya. tumawa naman siya, half Spanish kasi ang lalaking 'to.
"pasensya na, natatakot lang ako na baka mga druglord 'yun, lagot ako" napataas naman ang kilay ko.
"mga pinoy ba?" tanong ko at umupo sa isang siya, tumango siya at binigay sa akin ang isang folder
Binuksan ko naman at binasa ang mga nakapaloob dito, nakapaloob dito ang portfolio ng nga investors niya na mukha ngang mga adik, may mahahaba ang balbas at nakakatakot na itsura.
"'wag, nakakatakot ang mga mukha. hindi naman sa judgmental ako, gusto ko lang talaga na malayo ka sa kahit anong peligro baka lang naman may something sa mga ito" wika ko, binalik ko na ang folder sa kanya
"Well, as you say, okay, hindi ka na magba-bar? Mamaya?" tanong niya sa akin, umiling naman ako.
"hindi nalang muna, may aasikasuhin akong buyer ng mga armas at syempre may secretary na ako kaya mas gaganahan akong magtrabaho" Napatawa naman kaming dalawa
"kelan mo pa naisipan 'yan?" tanong niya, umiling iling ako Habang nakangisi, well, wala naman kasi akong kinukuhang sekretarya kaya ganyan nalang sila
"kahapon,ang ganda kasi, tapos medyo madaling mairita, just my type" sabi ko at tumawa.
"you're always like that, pfftt." tanging sabi niya.
"kain muna tayo, nag handa na ng pagkain si Manang" aya ko
"sure! Alam mo namang hindi ako tatanggi!" sigaw niya, kahit sobrang yaman ng mga kaibigan ko pero mga patay gutom pa rin.
"'nga pala, Okay na ba si Neomi? Anyare sa kanya?" tanong sa akin ni Eljake Habang kumakain kami
"she's fine naman na daw sabi ni Elizard, muntik pa nga yung makipag away sa doctor" umiiling ko wika sa kanya. Napahinto naman siya sa ginagawa at tiningnan ako.
"bakit?"
"e, pinipikon kasi siya ng Doctor, ayun muntik na niyang sugurin at tadtarin!" wika ko.
"Iba talaga ang saltik nun" sabi niya, napailing iling nalang ako. We never Seen him like that.
"mukha na siyang pinagsakluban ng langit at lupa sa sobrang pag-aalala kay Neomi pfft., ayaw niya pa kasing aminin na inlove siya" sabi ko, napatawa naman si Eljake.
"kailan pa siya nag-alala? Ha?pakshet naman! Elizard? Nag-aalala? How come na puro lang babae ang inaatupag nun?"
"obvious na obvious na mahal niya si Neomi, itatanggi pa sabagay hindi niya pa nafefeel"
"e ikaw ba? Na inlove ka na? Ha?" tanong niya sa akin, napatigil ako at ngumisi.
"hindi pa, pero base sa mga nababasa at napapanood ko, maganda daw 'yun"
"curious din ako sa love na yan, I didn't feel it yet"
"siguro tatanda akong walang lovelife hahaha" biro ko, hindi naman ako papayag.
"sa dami ng babae mo, mamili ka doon, total naglalaway naman sayo lahat" totoo nga naman.
"Tsk. Iba pa rin 'yung matinong babae 'no! Hindi yung mga malandi. tapos kung sino sino ang pinapatulan! Okay na sa akin kahit hindi maganda basta maganda ang ugali tapos kaya akong alagaan, okay na 'yun" sabi ko, tumango tango naman siya
"oo nga, pero minsan mas gusto natin na maganda din, para maipagmalaki sa mga barkada, sa pamilya at sa kahit kanino, pero pag natamaan ka ng pag-ibig, wala ka ng pakealam sa Iba, sabi nila. for me, I don't care kahit sino pa 'yan as long as she loves me and I love her"
"yeah" tanging sagot ko at nag patuloy na kami sa pagkain.
Pagkatapos naming Kumain ay dumiretso na kami ni Eljake sa kanya-kanya naming kompanya. pagdating ko sa opisina ay kaliwa't kanan ang pagbati nila sa akin, panay ngisi lang naman ako.
"good morning sir!" masayang bati sa akin ni Amariyah ng makarating ako sa opisina ko, tinitingnan ko siya at ngumiti.
"good morning beautiful" nakangising bati ko at dumiretso sa swivel chair ko at hinayaan siyang malaglag ang panga
"please excuse me, tawagan niyo lang po ako pag may kailangan kayo" magalang niyang sabi at bahagyang yumuko, napangisi naman ako at binuklat ang mga papeles na nasa harap ko at pinasadahan siya ng tingin, nailang naman siya sa ginawa ko at bahagyang umangat ang tingin sa ceiling
"okay" sagot ko
AMARIYAH'S POV
Manyak talaga ng lalaking 'to! Kung hindi ko lang talaga siya boss! Ay nako! Kanina pa ako nakikipagplastikan sa kanya! Grrr. Pero thankful na rin ako kasi hinatid niya ako kahapon kaso ngayon parang bumabalik na ang manyak mood niya!!
Kaagad akong umalis sa office niya at tinunton ko ang sariling opisina, maliit lang eto pero maganda at maaliwalas. Masaya ako kahit papano hindi niya ako pinag stay sa isang maruming Lugar, pero in the first place I don't have the rights para pumutak.
"Hi Amariyah!kumusta ang first day?" biglang sulpot ng mga katrabaho ko sila Josea, napailing ako at ngumuso.
Pumasok na sila ng tuluyan sa office ko at umupo sa maliit kong sofa, "so? What happen? Mabuti ba sayo si Sir?" tanong ni Olivia, umiling naman ako kaya napakunot ang mga noo nila
"sobrang manyak niya Talaga tumingin. nakakakilig na nakakadiri, pero hindi naman nakakadiri kasi gwapo naman siya!!" Inis kong sabi at pinukpok ang ulo ko, Narinig ko naman silang tumawa
"ayeii! Crush mo talaga si Sir 'no? And FYI! Ikaw ang first niyang secretary! Hindi kasi gusto ni Sir na magkaroon ng secretary noon pero mukhang nag-Iba nga ngayon!" sabi ni Grace at tumawa. nagulat naman ako, as in? Ako ang una?.
"bakit ako pa? Ayaw niya ba?" tanong ko, umiling naman SI Olivia.
"girl! Ayaw talaga ni Sir ang mga sekretarya pero ang tingin ko ngayon sa sitwasyon. mukhang bet ka ni Sir, as in BET! Gusto ka sigurong paglaruan ni Sir!" sigaw sa akin ni Josea, napatango tango sila
"tumpak!" sang-ayon ni Gracel, napailing ako. no! Hindi pwede!! Ang dali kong mahulog kaya nooooo!
"kainis naman! Bakit ako kung ganon?!" Inis kong tanong
"maganda ka" sabi ni Olivia, napailing si Josea
"maganda naman talaga lahat ng pinupuntirya ni Sir! Pero nakita niyang kakaiba si Kathleen! Kasi Inosente siya na maganda! Tapos V pa!" V?
"anong V? Josea?" tanong ni Gracel kay Josea, tumawa naman siya
"V! Virgin!"
"bunganga mo Josea! Walang filter!" sigaw ni Olivia
Napatawa sila Habang problemado akong nangalumbaba, haysss! Bakit akooo?!
"ahhhhhh!" sigaw ko at ginulo ang buhok bago umayos ng upo at tiningnan ang schedule ni Sir.
Bwisit! Kung ganun kakalmahin ko ang sarili ko. Ayokong maging biktima niya ako. Kadiri siya gwapo nga pero ayoko sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/261247890-288-k280529.jpg)
BINABASA MO ANG
Careless Fire[completed] (seductive Men Series#2)
RomanceElijah James Monteverde is a careless man, mahilig mantrip, babaero at walang pakealam sa lahat. But then Amariyah Kathleen Oliveros will show him another side of being a careful man Seductive Men Series #2