AMARIYAH'S POVItong araw na to ay dadating na daw si Elizard, well, mabuti naman atleast mahahanap na niya si Neomi, kawawa naman si Neomi, buntis pa naman tapos umalis, paano niya makakaya na mag-isa lang siya Habang buntis.
Nagulat naman ako ng maramdaman ang braso ni Elijah na pumulupot sa aking baywang "good morning my beautiful fiancee" nakangiting wika niya, uminit naman ang pisngi ko at hinarap siya, ang gwapo kahit bagong gising
"good morning too, my handsome fiancee" nakangising bati ko sa kanya, siniil naman niya ako ng halik at kaagad pinutol
"may trabaho pa ako and mamayang hapon, pupunta kami sa bahay ni Elizard to surprise him and I'm pretty sure, magwawala 'yun pag nalaman niyang Neomi escape and vanish"
"paano pag Gawin ko 'yun sa iyo?"
"ang alin?"
"ang lumayas---" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng halikan niya ako
"hindi pwede" sabi niya at ngumisi sa akin
"paano nga kung--" pinutol na naman niya ng halik, napanguso naman ako at lumayo na siya na tumatawa hmp!
"shut up Amariyah wag na wag mo akong lalayasan, at walang dahilan para layasan mo ako, kasi ngayon I'm loyal"
"ahhh talaga?! Ano 'yung narinig ko na nag bar ka na naman?!!" galit kong sigaw
Narinig ko kasi ang usapan nila ni Emman kahapon.
"saan doon? Aahh 'yung kay Emman, hindi ako natuloy doon, tsaka marami akong dapat unahin dahil may fiancee na ako"
"talaga lang Elijah ah!"
"oo nga, ako bait bata, ako hindi loko"
"bwisit ka!" tawa ko, maypagka abnormal talaga ang lalaking yan,tumawa naman siya at Dumiretso sa banyo bago ko pa siya tadtarin.
Pagkatapos kong mag prepare ng breakfast ay kaagad ko namang naamoy ang mabangong lalaki,Elijah
"Kumain ka na, baka malate ka pa" sabi ko
"bebe ko, hindi nale-late ang CEO, kaya okay lang na mahuli ako, dapat sila ang nag a-adjust hindi ako"
"kaya ka bad influence e! May appointment ka siguro ngayon"
"pabayaan mo 'yun, ako na ang bahala" ang yabang talaga, sarap kaltukan.
Sabay kaming Kumain, Pagkatapos ay tinulungan ko siya sa necktie niya "ang ganda mo talaga bebe ko" biglang sabi niya, umirap naman ako
"alam Ko Elijah!ang gwapo mo rin" ngumisi naman siya at hinalikan ako sa labi, ngumiti ako at tinugunan ito, pero kaagad ko ding pinutol
"may trabaho ka pa" ngumuso siya sa akin na parang bata, ang pogi naman
"makakapaghintay naman ang trabaho bebe ko"
"anong bebe ko?! Ano ako? Duck?! Kanina ka pa sa bebe bebe na yan ah! Nakakarindi!"
"Tsk! Edi mahal nalang"
"okay, mahal kong Elijah"
"yan, ulitin mo"
"may trabaho ka pa"
"ulitin mo sabi e" pagmamaktol niya, yung totoo? Sinaniban ba siya?
"ang sabi ko, mahal kong Elijah, may trabaho ka pa, mahal ko, mahal na mahal, hahaha"
Ng makaalis na siya ay kaagad naman akong naglinis,Nandito naman sila Manang Marie, tinutulungan ko lang talaga sila.
"ang bait mo talaga iha" wika ni Manang
"nako po! Alam niyo kase, manang, lumaki akong hindi marangya ang buhay, kaya sanay na sanay na po ako sa ganitong mga gawain, nga pala manang, gaano na po kayo katagal na nagtatrabaho dito?"
Curios ako kasi, matanda na siya, nga nasa sixty na siya e,ngumiti naman siya sa sinabi ko Habang nagpupunas ng mesa.
"matagal na iha, mahigit tatlumpung taon na ako dito, hindi na nga ako pinagtatrabaho ni Elijah, pero gusto ko pa rin, dito na rin niya ako pinapatira ng libre, minsan ako pa ang pinagsisilbihan niya, bakit? Ako na ang nag-alaga sa kanya hanggang sa lumaki na siya, wala akong asawa at anak, dahil mas inuuna ko si Elijah, kawawang bata, walang magulang na nag-aaruga, dahil kapwa may mga pamilya, kaya ako etong itinalaga na mag bantay sa kanya sa malaking bahay na ito simula maliit palamang siya, kaya tinuturing na niya akong nanay" nagulat naman ako sa mga narinig ko.
Bakit hindi ko to alam?! So after all this time, para pa rin akong hindi fiancee ni Elijah, he didn't even spare me a time to tell me his story. His side.
Grabe ang paghanga ko kay Manang Marie, imagine? Hindi na nag asawa dahil lang mas inuna niya si Elijah. Elijah is very lucky to have her.
"Manang, sobrang hanga ako sa inyo, sobrang na aapreciate ko lahat ng ginawa niyo, you're indeed a hero.,hindi ko po akalain na may ganyang kwento pala si Elijah"
"hindi mo alam ano?at ngayon mo lang nalaman?" tanong ni manang at umupo, umupo na rin ako at nakinig
"mahilig mag sekreto ang batang 'yan, hindi niya ugaling mag kwento. lumalabas lang ang kakulitan niyan pag nandiyan ang mga kaibigan niya, naalala ko noon, sobrang bugnutin niyan, nakikipag-away sa mga kaklase, minumura ang mga guro. pero naiintindihan ko siya, nung mga panahong walang nakakaintindi sa nararamdaman niya, ako 'yung umintindi, wala e, mahal ko ang batang 'yan na parang anak ko na,wala akong ibang gusto para sa kanya kundi ang totoong ligaya, kahit ganyan na yan ka successful ngayon, umiiyak parin 'yan sa kwarto niya, naririnig ko ang mahina niyang hikbi at pagtangis" gustong tumulo ng mga luha ko sa narinig.
"bakit po siya umiiyak manang?"
"Ang sagot diyan ay, dahil sobra na daw ang sakit na nararamdaman niya, umiiyak siya kasi, wala siyang pamilyang sasandalan tuwing may problema siya kaya tuwing umiiyak siya, sa akin siya pumupunta at umiiyak na parang bata, inaatake siya ng depresyon niya, kahit sobrang babaero ng batang 'yan at antepatiko, masayahin, mahilig mantrip, pero ang totoo, gabi gabi 'yan iiyak sa akin, dahil masakit na daw ang pinagdaraanan niya, kung sino pa 'yung maloko sa lahat. siya pa 'yung may malalim na pinagdaraanan sa buhay, kaya ikaw Amariyah, intindihin mo siya palagi, kagaya ng pag intindi ko sa kanya" sabi ni Manang, tumulo naman ang luha ko sa mga narinig.
Grabe Elijah, bakit di mo man lang ako sinabihan? Hindi ka ba nagtititawala sa akin?.
BINABASA MO ANG
Careless Fire[completed] (seductive Men Series#2)
RomanceElijah James Monteverde is a careless man, mahilig mantrip, babaero at walang pakealam sa lahat. But then Amariyah Kathleen Oliveros will show him another side of being a careful man Seductive Men Series #2