Kabanata 17

191 7 0
                                    

AMARIYAH'S POV//

Pagkatapos ng usapan namin ni manang ay kaagad naman akong pumasok sa kwarto namin, nagbabakasaling mas makilala ko pa siya.

Naghalungkat ako ng mga gamit niya, at may nakita akong isang sobre, kaagad ko itong binuksan at binasa.

To Elijah:

Kumusta ka na Mahal? Nakakakain ka ba ng sapat? Nandito na ako sa states ngayon. grabe ang ganda pala dito ano? First time ko talaga dito, nga pala salamat sa mga sulat mo, grabe sobrang saya ko talaga pag nakakatanggap ako ng sulat Galing sa'yo inspired ako palagi:)! Ingat ka diyan! Miss na Kita mahal ko!

Nagmamahal ng lubos;
Kathleen.

Naguluhan ako sa sulat na binasa ko, hanggang sa sobrang dami pala nitong mga sulat na 'to. Sino si Kathleen?

To Elijah,

Mahal!!! Ang saya talaga dito, kaso wala ka huhu, alam mo ba? Senior high school na ako. Mabuti ka pa mahal kasi college ka na, nga pala wag mong kalimutang Kumain sa tamang oras, tapos tandaan mo palagi, mahal kita! Hehe, yun lang muna ngayon, mag-aaral na ako mahal, again, mahal kita sobra.

Nagmamahal ng lubos,
Kathleen

Ewan ko Habang binabasa ko ang mga sulat na yun ay kumikirot ang dibdib ko. Shit! Anong nangyayari? Nanginginig ang kamay ko, pati ang buong katawan ko, nasasaktan ako.

Kaagad akong tumayo at pinuntahan si manang, I'm sure alam niya kung sino ito.

"M-manang? S-sino po si Kathleen?" utal kong tanong sa kanya, nakita ko naman ang pagkabigla niya ng binanggit ko ang pangalan na yun, kaagad siyang umupo sa upuan.

"gusto mo talagang malaman?" tanong niya, hindi ako nagdalawang isip na tumango, kahit alam ko sa sarili ko na masasaktan lang ako.

"Si Kathleen, ay dating kasintahan ni Sir Elijah, nag tagal sila ng pitong taon, simula highschool pa si Kathleen at magkasintahan na sila, hanggang sa nakapagtapos ito ng college, itong si Kathleen ay hindi ko pa nakikita ang mukha. palaging Sinasabi ni Elijah noon na maganda daw itong si Kathleen, nung nakapagtapos ng kolehiyo si Elijah ay nasa grade 12 palang si Kathleen at nasa ibang bansa siya nag-aaral, doon siya pinatira ng mga magulang niya sa kamag-anak nila doon, matalino naman si Kathleen" kwento ni manang, mas matagal pa pala si Kathleen sa akin, paano kung bumalik si Kathleen?

"pero... Nung araw na magtatapos na si Kathleen ay naaksidente si Elijah dahilan para makalimot ito sa lahat, lahat, lahat. Pati kay Kathleen at sa akin. Umuwi si Kathleen ng pilipinas pero sa kasamaang palad, naaksidente din ang sinasakyan niyang eroplano, at walang naligtas ni isa,lahat ay nasunog ng buhay ang katawan, pinilit naming Huwag nang ipaalala kay Elizard ang mga nangyari sa buhay niya at sa napakalungkot na kwento nila ni Kathleen, kung nasan man ngayon si Kathleen sana... Sana nasa mabuting kalagayan siya" tumulo ang luha ko sa sinabi ni manang, sobrang sakit.

"hindi pa rin po ba nakakaalala si Elijah?" tanong Ko, matamlay siyang umiling,paano pag naalala na niya si Kathleen? Paano na ako?

"gabi gabi niyang binabasa ang mga sulat ni Kathleen, umaasa siya na maaalala niya pa ang babae, pero hindi talaga"

Umiyak lang ako buong maghapon, ng malapit ng dumilim ay kaagad kong pinunasan ang mga luha ko.

Sakto naman at bigla siyang dumating, halatang pagod siya, kaagad kong tiningnan ang sarili sa salamin, hayst! Mugto na Mugto ang mata ko, sobrang namamaga na.

"Kumain ka na?" tanong ko sa kanya,na ngayon ay naka tayo pa rin at malalim ang iniisip.

"Elijah?" tawag ko ulit sa kanya, kaya napabaling siya sa akin.

"a-ahh Y-yeah, y-yeah, Kumain na ako kasabay ko sila Ezekiel kaninang Kumain at tsaka dumating na din si Elizard" wala sa sariling sabi niya, I know may Iba siyang iniisip. Umupo siya sa sofa. Okay? He forgot to kissed me. Pero hindi ko nalang pinansin yun.

"Kumain ka na ba? And...wait..bakit Mugto ang mata mo? Did you cry? Bakit?" nag-aalalang tanong niya. Umiling naman ako

"nasobrahan lang siguro ng tulog" walang gana kong sagot at pumasok ulit sa kwarto, naramdaman ko naman ang pagsunod niya.

"may problema ka ba?" tanong niya, kaagad kong kinuha ang mga sobre na naglalaman ng sulat ni Kathleen at pinakita sa kanya, nakita ko naman ang gulat sa mukha niya.

"s-saan mo yan nakuha? Nangealam ka ba?! Ha?!" ramdam ko ang gigil sa boses niya, ngumiti ako ng mapakla at binalik sa lalagyan ang mga sulat bago siya hinarap na nanlilisik ang mga mata, anong problema niya?! Ganun ba kahalaga ang mga ito?!

"sorry, hindi ko alam na---"

"bakit mo ba kasi pinapakealaman ang mga gamit ko?!" sigaw niya sa akin, naramdaman ko naman ang takot. Kinabahan ako at nagbabadyang tumulo ang mga luha ko, shit! Not now.

Napayuko ako at nakagat ang pang-ibabang labi "na curios lang K-kasi ako"

"then?! Shit that damn reason!! Ayoko ng maalala siya okay?!! Bakit mo pa hinahalungkat?! Kinalimutan ko na 'yan!!! At ngayon? Shit! Bumabalik na naman ang mga alaala, ayoko ng maalala ang babaeng 'yan" nagulat naman ako sa mga sinabi niya, so? Naaalala na pala niya.

Nakalimutan na ba niya ang pangako niya kay papa? Na hindi niya ako sisigawan at hindi niya ako mumurahin kaso ito ginagawa na niya.

"Naaalala mo na pala siya?" mahina kung usal.

"matagal na, matagal ko na siyang naalala"

"mahal mo pa?"

"sino?"

"siya" tukoy ko kay Kathleen.

Tiningnan ko siya, umiwas siya ng tingin sa akin, confirm, mahal niya pa. Mahal niya paaaaa!

"a-ah o-okay, b-bibisitahin ko lang sila P-papa" utal kong sabi Habang pinipigilang maiyak, akala ko pipigilan niya ako, pero tumango lang siya.

Kaagad akong umalis doon at Lumabas ng bahay, gabi na, pinunasan ko ang mga luhang pumapatak sa pisngi ko. Hays.

"what's the problem? Amariyah?" nagulat ako ng may nag salita,nakita ko naman ang sasakyang nakahinto sa harapan ko, at nakita ko si Emman, na nakadungaw sa bintana nito.

"a-ah wala!" sagot ko, nakita ko siyang nag smirk

"get in, gabi na" utos niya, aayaw sana ako, pero mas naisip ko na mas kailangan ko ng matinong masasakyan

Pumasok kaagad ako at sinara ulit ang pinto "bakit ka umiiyak?" tanong niya, napatingin naman ako sa kanya.

"she saw Kathleen" dugtong na sabi niya.

"ha?" nakita na pala ni Elijah si Kathleen, wow. Akala ko patay na.

"she's not dead, she's literally alive! Shit!"

"iiwan na ba ako ni Elijah? Sir Emman?" naiiyak kong tanong, nakita ko ang pagtingin niya sa akin at kaagad niyang pinunasan ang luha ko.

"syempre hindi, kilala ko si Elijah, at mahal ka nun kaya wag ka ng mag-alala at Emman nalang ang itawag mo sa akin"

I'm hoping na ako pa rin ang mahal niya.

Careless Fire[completed] (seductive Men Series#2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon