Kabanata 1

441 5 0
                                    

AMARIYAH'S POV

"uyyyy! Crush mo si Sir?! Ikaw haaaa!" tukso nila sa akin, pasimuno naman si Gracel. Umirap ako, oo gwapo nga yung sir namin na si Elijah, nakakainis naman kasi manyak at mukhang playboy. kaya nga 'di ko maiwasang irapan siya! Sarap suntukin talaga may pa kindat kindat pang nalalaman, pero ang cool niya pa rin.

Maganda ang gupit ng buhok, matangos ang ilong, mapula ang labi, makinis ang mukha at ang balat, maputi, maugat!. Okay? All in one, nakita ko na rin siya sa magazines, anim sila at halos gwapo, lahat din sila ay nagsisimula ang panagalan sa E! Mag bestfriend daw, hindi naman ako ganun ka stalker, slight lang.

I'm curios may six pack abs kaya sa ilalim ng suit niya? Ang halay mo Amariyah!

Mabuti nalang talaga at natanggap ako.

"hoy! Ano nga? Crush mo si sir Elijah?!" tanong na naman ni Olivia.

Umiling ako

"hindi nga! Nagwagwapohan lang ako!" pag-amin ko, well? Wala namang masama hindi ba? Tumango tango lang sila mukhang alam na talaga nila ang sagot

"totoo! Gwapo talaga ni Sir! Babaero lang! Ang Galing mang akit! At ang Galing ding mang-Iwan!" sigaw ni Josea.

Napakunot naman ang noo ko.

"talaga?" di makapaniwalang tanong ko, ay bobo! Hindi mo ba nakita self? Kung paano ka niya pasadahan ng tingin at manyakin?

"oo! Kilala mo si Jeysa Jones?!" tanong ni Gracel, tumango naman ako.

Sino ba kasing hindi makakakilala sa isang maganda at sobrang sikat na artista, idol ko nga yun e.

"sinaktan niya 'yun! Iniwan niya 'yun sa ere! Kaya ikaw! Mag-iingat ka sa sir natin! Para iwas sakit at pighati" wika ni Josea,napatango tango ako.

Jusko! Pati ang idol kong artista! Sinaktan niya? Grabe siya?!

"OO NAMAN! never no!" sagot ko

"paano 'yan? Secretary ka niya kaya magkakasama at bubuntot ka sa kanya, mas malaki ang tendency na baka e seduce ka ni Sir!" sigaw ni Olivia

"tumpak!" sabay na sigaw ni gracel at Josea, nag apir pa sila.

Silang tatlo ay matagal na dito sa kompanya ni Sir Elijah kaya kilalang kilala na nila si sir Elijah

Nakita ko naman ang pag takbo bigla ni Sir Elijah at lumabas ng building "an'yare doon?" tanong ko, nagkibit balikat naman sila Olivia.

Dumating naman ang isang lalaki, mukhang kasamahan nila Gracel, may I'd din kasi itong suot

"oh?!Esmael!saan papunta si Sir?" tanong ni Jose, may dalang kape si Esmael at binigay kila Josea.

"thanks!" pasasalamat nila

"so? Saan nga siya?" tanong ulit ni Olivia, nakatayo lang kami Habang maraming mg aplikante ang nasa paligid namin

"hmm, ang Narinig ko, nasa ospital daw 'ying girlfriend ni Sir Elizard Guerero" sabi niya, oowww! Elizard? Narinig ko na 'yang pangalang 'yan.

"seriously?! Kelan pa nagkaroon ng pake si Sir Elizard sa mga girlfriend niya?" di makapaniwalang tanong ni Olivia

"tangek! Ang sabihin mo! Kelan pa nagkaroon ng pake si Sir Elijah sa mga girlfriend ni Sir Elizard" hirit ni Gracel, tumawa naman sila, napadako ang tingin ni Esmael sa akin

"may bago pala dito? Hi! I'm Esmael" nakangiting sabi niya at nilahad ang kamay sa akin, tumango naman ako at ngumiti din

"hello! I'm Amariyah Kathleen, bago akong sekretarya ni Sir Elijah" pakilala ko napa ow naman siya

"ingat ka kay Sir,matinik 'yun! Hahaha" Paalala niya, of course!

Pagkatapos naming mag-usap usap ng ilang oras ay nagpaalam na akong aalis, uuwi na ako! Magre-ready pa ako para sa first day ko bukas! Grr. Sana hindi ganoon ka manyak si Sir.

Habang naghihintay ako ng sasakyan ay sumulpot ang isang sasakyan at nagulat ako nang lumabas doon si  Sir Elijah at isang lalaking sobrang gwapo din.

Nakangisi siyang tiningnan ako.ayan na naman ang manyak niyang ngisi, tinanggal ng isang lalaking kasama niya ang kanyang shades at tiningnan ako bago ngumiti. Oh my god! Ang gwapo!

"uy?! Amariyah! Ikaw pala 'yan?! Anong ginagawa MO diyan?" nakangisi pa ring tanong ni Sir Elijah

"uuwi na po ako Sir, naghihintay po ako ng masasakyan" magalang kong sagot

"you better take her home, nakakatakot pauwiin ng mag-isa ang mga babae, look what happen to Neomi, ihatid mo na siya" sabi sa kanya ng kasama niyang gwapo, napatitig naman ako sa kanya, ang gwapo niya ah!

Bumaling 'yong kasama ni Sir sa akin "I'm Emman" pakilala niya, ngumiti naman ako

"hello po, I'm Amariyah Kathleen" pakilala ko din, tumango naman siya

"ihahatid na kita" sabi sa akin ni Sir Elijah, nahiya naman ako.

"naku! Wag na po sir!, baka marami pa po kayong gagawin" sabi ko, umiling naman siya.

"una na ako, kita nalang tayo bukas!" paalam ni Emman

"okay, sige sige" sagot ni Sir Elijah at nauna ng umalis si Emman, kumaway pa siya sa akin kaya nginitian ko siya

Pinagbuksan ako ng kotse ni Sir, nakakahiya talaga kahit maldita ako! Nahihiya ako! Pumasok na ako sa loob, tinabunan pa niya ang ulo ko pagpasok sa kotse, ang gentleman naman!

Sinara na niya ang pinto at umikot sa driver's seat, kaagad naman siyang nag seat belt kaya nagseat belt din ako.

"saan ang bahay mo?," tanong niya at pinaandar ang sasakyan,tumikhim ako.

"sa tapat ng Laura's Hotel" turo ko, tumango naman siya at ngumisi na naman, kaagad naman niyang pinaharurot ang sasakyan, ilan ba ang buhay niya?!

"Ilan kayong magkakapatid Kath?" nanibago ako sa paraan ng pagtawag niya sa pangalan ko, kath? Kathleen?

"dalawa sir, parehas kaming babae" sagot ko

"anong pangalan?" tanong niya Habang naka tutok sa daan

"ahm Zelenia Zase Oliveros po sir" sagot ko,napatango tango naman siya, ang perpekto niyang labi na mapupula ay nakaawang at ang buhaghag niyang buhok na nakakadagdag sa karisma niya, napakurap ako at binaling ang tingin sa daan, magkakasala ka niyan Amariyah!

"ilang taon?" tanong niya

"20,nag-aaral pa rin po sir" sagot ko.

ako na ang nagpapatapos kay Zelenia kasi may sakit si nanay at si tatay naman ay nasa Cebu nagtatrabaho kaya gustong gusto kong umuwi na siya dito sa amin.

"ahhh, first time mo bang naging secretary?wala kang ibang experience?" tanong niya, namula naman ang pisngi ko, hayyy ang DM ko talaga! Ibang experience?

"dati akong staff ng Laura's Hotel, kaso umalis ako kasi nagkagusto 'yong anak ng may-ari sa akin tapos nakakatakot 'yun kasi Obssess masyado kaya umalis ako" totoo yun kaya nga mas naging maingat na ako ngayon baka maulit na naman yun, nakakatakot.

"talaga? Well, mabuti ng nasa kompanya kita kasi walang ma o-obssess sayo, porke nalang kung meron talaga, problema 'yun" sabi niya, tumango tango naman ako at saktong nasa tapat na ako ng bahay namin,

"hindi ka ba natutuntun ng Obssess na yun? Nasa harapan ka lang ng hotel nila oh" umiling naman ako at tinanggal ang seatbelt

"hindi naman po, kasi wala pa namang nakakakita tapos nasa ibang bansa po yun" sagot ko, tumango tango siya at saka lumabas bago ako pinagbuksan, arrghh! Bakit ang gentleman niya?! Tinabunan niya pa rin ang ulo ko, Mah heart mah soul!

"eto 'yong bahay niyo?" tanong niya at tinuro ang bahay na katapat ko, tumango naman ako

"opo, eto po" sagot ko

hindi nga kasi ako mayaman!

Careless Fire[completed] (seductive Men Series#2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon