Kabanata 9

235 6 0
                                    


ELIJAH'S POV

"saan sila dinala?" tanong ko sa pulis

"ah sir diyan po sa pinaka malapit na ospital, nasa unahan lang po ng terminal" sabi niya. tumango ako at nag pasalamat bago bumalik sa sasakyan at pinaandar na ito Habang panay ang iyak ni Amariyah.

Shit! Bakit ba 'to nangyayari?! Shit just shit! May lakad ako ngayon! Bwisit! pero mas kailangan ako ni Amariyah ngayon, sorry pero mas uunahin ko si Amariyah.

Pagdating namin sa ospital ay nagkagulo ang mga tao, maraming dumadating na mga kamag-anak ng mga naaksidente, nakayakap lang ako kay Amariyah Habang busy ang mga doctors.

Naisip ko naman na tawagan si Elizard, fvck! I can't go!. Business lang 'yun. Lives matter.

"S-si P-papa" iyak niya, hinaplos ko naman ang likod niya

"sshh, everything will be fine, trust me"

Dinial ko na ang number ni Elizard Habang nanginginig ang kamay sa sobrang tensyonado.

"hello?" sagot niya

"sorry pare, pero hindi siguro ako makakasama" sabi ko

"ahhh...wait?!what?!" di makapaniwalang tanong niya

"naaksidente papa ni Amariyah, kailangan ko silang tulungan"

"are you serious?!"

"oo bro, sobrang seryoso ako, kailangan ako ngayon ni Amariyah"

"sino na ang makakasama ni Neomi dito ngayon"

"sobrang lubha ng nangyari sa papa ni Amariyah, nabangga ng truck ang sinasakyang bus niya, pauwi na sana sa bahay nila"

"fuck! Sige sige, sabihin mo kay Amariyah tutulong ako sa pag bayad"

"thanks bro, I'm sorry dahil hindi ako makakasama, sana maintindihan niyo"

"oo, okay lang, sige lang sasabihin ko kay Ezekiel"

"thank you talaga bro"

"okay bro, wag kang mag-alala masyado" Paalala niya

"yes bro, sige, kailangan ko ng ibaba, bye"

"bye"

Niyakap ko lang ng mahigpit si Neomi, bigla naman siyang kumalas ng may nilabas sa ambulansya na isang may katandaang lalaki na puno ng dugo ang damit at walang malay.

"papa!!!!!" umiiyak niyang sigaw at nilapitan ito. Nanigas ang katawan ko pero kaagad ko naman siyang nilapitan at pinigilan na lumapit, sumenyas kasi ang mga nurse na walang lalapit.

Paulit ulit siya sa pagpiglas "bitawan m-mo ako!!! Please!!! Papa!!!" pumikit nalang ako. ang sakit pakinggan ang hinagpis niya, parang dinudurog ang puso ko.

Niyakap ko nalang siya ng mahigpit hanggang sa dinala na sa isang kwarto ang papa niya., kumalma siya at hinarap ako bago umiyak sa dibdib ko. Shit! I promise hindi ka na iiyak.

"I'm here" nakapikit kong sabi.

Mga ilang minuto siyang umiyak ay kaagad naman siyang nagpaalam para tawagan ang kapatid niya. Bigla namang nag ring ang cellphone ko.

Ejay?

"hello tol?!" pa sigaw niyang sabi

"yes?" matamlay kong sabi

Careless Fire[completed] (seductive Men Series#2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon