Kabanata 13

218 8 0
                                    


AMARIYAH'S POV//

"boyfriend mo na talaga?! Talaga ate?!, wahhhh hi kuya! Welcome to the family! Sana talaga kayo na, para walang sad! Lahat happy, dapat magpakasal na kayo!" sigaw ni Zelenia, nasapo ko naman ang noo ko, kahit kelan talaga ang daldal nito.

Nandito kami ngayon sa bahay, syempre ipapakilala ko na si Elijah, Sa pamilya ko, masaya naman sila papa kasi daw sinagot ko na.

Kinama na po ako papa paano ko 'to tatanggihan? Di joke lang hahaha, syempre mahal ko' to

"basta iho,pag pinaiyak mo 'tong anak namin, ako na mismo ang susuntok sa' yo sa mukha, kahit gaano pa karami ang natulong mo sa pamilya namin, wag na wag mong lolokohin ang anak ko, naiintindihan mo? Mag aaway kayo pero wag na wag mong sisigawan at mumurahin ang anak ko" banta sa kanya ni papa, kabado naman siyang tumango at ngumiti

"of course tito, alam ko na po yun, baka hindi na po ako masikatan ng araw pag nasaktan ko ang anak niyo, salamat po sa pagtitiwala" magalang na sabi niya, ngumiti naman si mama at nagsalita din

Magkatabi kami ni Elijah Habang magkahawak ang kamay "alam mo masaya ako dahil natuto nang mag boyfriend ang anak ko, kasi palagi nalang 'yang pamilya ang inuuna e, naalala ko pa noon na panay ang pagtatrabaho niya kahit umaga hanggang takipsilim, walang tulog makapag ipon lang ng pampagamot sa akin, kaya napaka swerte ko na talaga sa anak ko at swerte kayong dalawa sa isa't isa, kaya ingatan niyo ang pagsasama niyo" sabi ni mama

Alam kong nagulat si Elijah sa narinig niya, ngumiti lang ako. Sumingit naman si Zelenia "at alam mo ba kuya, muntik ng masagasaan si ate noon ng isang truck dahil sa pagmamadali niyang mapasa ang ginagawa niyang trabaho, tapos umuulan pa nun, lumusong kasi siya sa ulan, kaya ayun! Nilagnat, kaya kuya wag na wag mong sasaktan ang ate ko! Madami na yang pinagdaanan, kung iisa isahin natin baka maabutan tayo ng maaga! Hahaha"

Napatingin naman sa akin si Elijah "t-talaga? Hindi ko alam e, nga pala, wag kayong mag-alala, aalagaan at mamahalin ko si Amariyah" wika niya

"nakapaghapunan na ba kayo?" tanong ni papa sa amin,tumango naman kami

"tapos na po kami papa, mag-uusap lang po kami saglit, hehe, kain na po kayo" usal ko at tumango sila, hinila ko naman palabas si Elijah, at umupo kami sa isang bench

Tumingala ako sa langit, ang daming bituin! "bakit di mo sinabi?" bigla niyang tanong, napakunot naman ang noo ko

"ang ano?" tanong ko, suminghap siya at Tumingala din para pagmasdan ang mga bituin

"na marami ka na palang napagdaanan na hirap?"

"ahh 'yun, hindi mo naman tinanong e, tsaka matagal na 'yun, kinalimutan ko na nga e"

"I'm sorry" napabaling naman ako sa kanya, tiningnan niya ako at piangsiklop niya ang aming mg daliri

"saan?"

"for judging you"

"nako! Sanay na ako! Palagi namang ganun e, noon pa, akala ng lahat na ang swerte ko. totoo naman pero hindi nila alam na sa likod ng lahat, isa akong babaeng pagod na pagod na, pagod na akong umiyak. Dati pa akong pagod e, kaso dumating ka at eto, susugal ako sa'yo! Sana sa pagkakataong ito Elijah swerte talaga ako"

"swerte ka sa akin, tandaan mo 'yan, nahahawakan mo ang abs ko, at ang buong katawan ko, nararamdaman mo pa hahaha" sinapak ko naman siya, kaagad naman siyang mag seryoso.

"hindi syempre joke lang, swerte ka talaga sa akin kasi mahal kita. Mahal na mahal kita" kaagad niyang bawi, umirap ako sa kilig

Ngumiti ako sa kanya,ano kayang tadhana ko kung hindi ako nag apply sa kompanya niya? Magiging ganito pa din ba ang lahat?, makakasama ko ba siya?

Thankful talaga ako sa diyos kasi binigyan niya ako ng katulad ni Elijah, hindi ko pinagsisisihan lahat ng nangyari sa amin, sobrang saya ko na, at gusto ko Habang buhay na 'to

Ngayon lang ako naging ganito kasigurado sa lahat.

"sa bawat araw na magkasama tayo palagi ko 'yung pinapasalamat sa diyos" nakangiting sabi ko sa kanya at humilig sa kanyang braso

He held my hand and kiss it. "nagpapasalamat din ako kasi, ang dali mong mapikon hahaha, I don't know sa unang beses mo palang na pag-apply sa kompanya ko.ang sungit mo na at madaling mapikon kaya naman naagaw mo ang buong atensyon ko, ginulo mo ang isip ko ng makailang beses, kaya ngayon, sobrang saya ko kasi girlfriend na kita, and I can't wait to be your husband and you to be my wife, gusto ko ng maraming anak hahaha yung kamukha mo lahat" natawa naman ako sa sinabi niya

"Tsk! Magpakasal na kasi tayo!" biro ko at tumawa, narinig ko naman ang mahina niyang pagtawa

"oo sige, Pagkatapos ni Elizard hahaha, ayokong mauna makasal kasi, sa amin ako 'yung nandidiri sa pag-ibig hahaha, nakokornihan ako sa kanila kaya baka mapatay nila ako sa tukso, don't worry papakasalan kita, sa tamang panahon, at sa tamang oras. Mga alas dose? Okay na? 'yun?" sinapak ko naman siya

"kahit kailan! Wala ka talagang kwenta kausap!" Inis kong sigaw sa kanya, tumawa naman siya

"tamang oras nga! Mga alas dose"

"alas dose mo mukha mo!, layuan mo 'ko nandidilim ang paningin ko sa' yo!"

"t-teka! Nag jo-joke lang ako! Hahaha" natatawang sabi niya at inakbayan ako.

Kahit kailan talaga may something siya, napakawalang kwenta mag joke

"basta papakasalan kita Amariyah, pinapangako ko sa'yo yan, kaya 'wag na
'wag kang aalis sa akin,'wag na 'wag mo akong iiwan, magtatampo at mag-aaway tayo pero pilitin nating hindi maghiwalay, gets mo?"

"opo, gets ko po, mahal kita"

"mahal din kita"

And now, I'm ready to start my new life with him and only him, akala ko hindi na ako magmamahal kasi never pa akong nakaranas na mainlove romantically sa isang tao and now? Ganito pala ang pakiramdam.

Sobrang ganda sa pakiramdam, feeling ko para akong nasa cloud nine, nakakangiti ako ng wala sa oras.

Love is really beautiful and amazing feeling.

Careless Fire[completed] (seductive Men Series#2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon