Kabanata 10

234 8 0
                                    

AMARIYAH'S POV

Lumipas ang tatlong araw at gising na si papa, napansin ko naman ang pagiging problemado ni Elijah. Nandito kami ngayon sa kwarto ni papa, si mama naman ay nakatulog at si Zelenia ay nasa eskwelahan pa at pinag bilin ko na rin kay Eljake na sunduin din si Zelenia.

"May problema ka ba?" tanong ko. suminghap siya, kaya hinila ko siya palabas.

"anong problema?" tanong ko

"umalis si Elizard ng walang paalam, pakshet! Sasaktan ba niya si Neomi?! Hindi man lang kami sinabihan kung saan siya pupunta! Nakakainis, nakakakonsensya, kaibigan namin 'yun e, tapos iiwan niya si Neomi?" Inis niyang sabi, nasaktan naman ako sa mga sinabi niya

"oo nga, pero baka, babalik din naman kaagad si Elizard 'di ba?" pagpapakalma ko sa kanya.

"pero si Neomi nga! Anong mararamdaman nun?! Na iniwan niyang mag-isa! Nag-aalala ako kay Neomi! ang dami na niyang pinagdaanan!"

"bakit ganyan ka mag-alala sa kanya, Elijah? Gusto mo ba si Neomi?"'di ko mapigilang magtanong, sumusobra naman yata ang pag-aalala niya.

Nasasaktan ako, bakit sobra siya mag-alala kay Neomi?!

Natigilan naman siya sa sinabi ko. Nag smirk ako at nagsalita ulit

"hindi ko alam ang history ninyong lahat kay Neomi, pero bakit sobra ka naman mag-alala sa kanya?! Ang totoo ikaw ba ang may gusto sa kanya? O si Elizard? Nakakainis ka!" sigaw ko sa kanya at bumalik sa loob ng kwarto ni papa, nagulat naman si mama at tinanong ako

"anong nangyari anak? Okay ka lang ba?"

"opo ma, pagod lang po"

Bigla namang bumukas ang pinto at pumasok siya, nakatiim bagang siyang tiningnan ako pero umiwas kaagad ako.

Umupo siya sa tabi ko "mag-usap tayo, sa labas Amariyah" ma utoridad na wika niya, wala akong nagawa kundi sundan siya na naka tayo at lumabas, sinundan naman kami ng tingin ni mama, nginitian ko lang si mama.

Sinundan ko siya hanggang sa may cr ng ospital, tahimik at walang tao. Nakapamulsa siyang tiningnan ako "tell me, are you jealous?" tanong niya sa akin

Kaagad akong nag iwas ng tingin.

"I'm not, if that's what you think" malamig kong sagot.

"look, Neomi is a victim of harassment, kahit hindi talaga siya na r*pe, pero napagdaanan niyang mabastos. naanak siya dahil sa isang pagkakamali, in between child siya, Mahirap 'yun, pinalayas siya ng magulang niya at pinagmalupitan. Her mother treat her like she's a adopted child, her mother never proud of her, her step sisters always accused her in somethings, and her dad,'yung daddy niya may Iba ding pamilya at hindi siya masuportahan, that's why we need to support her and protect her dahil mahal siya ng kaibigan namin but then anong ginawa ng kaibigan ko? Iniwan niya! Ng walang paalam! unlike you may mama ka may papa, may kapatid na mahal ka, dun palang lamang ka na, so don't be jealous"

Napaatras ako, so? Mali ko pala? Naiintindihan ko naman e!

"Oo Mahirap nga 'yung pinagdaanan niya, pero 'yung pinagdaanan ko? Tinanong mo ba kung ano ano? 'wag mo kaming ipagkumpara please lang, at isa pa gusto kung klarohin, hindi. Ako. Nagseselos."

"then bakit ka ganyan? I do like her as a friend, but I never love her"

"bakit ako ganito?, ano bang nakikita mo? I'm stress! Nag-aalala ako sa papa ko! And please kung nandito ka lang kasi naaawa ka sa akin o sa amin, then thank you! Pero hindi ko kailangan! Thank you din sa paggastos niyo ha! Salamat pero magtatrabaho ako, mabayaran lang kayo!, I don't need your sympathy" sabi ko at umiling siya.

"you need me, admit it, you need me, bawiin mo 'yung sinabi mo Amariyah, bawiin mo, please 'wag mong sabihin na kinaaawan lang kita, na hindi mo ako kailangan, bawiin mo please. bawiin mo" pakiusap niya, Habang nagbabadyang tumulo ang mga luha niya.

Nakonsensya naman ako "sorry, binabawi ko na, sige na umalis ka na" malamig kong sabi sa kanya.

Akma na akong aalis ng pigilan niya ako gamit ang kamay niyang nakahawak sa palapulsuhan ko.

"I'm sorry, I'm sorry for shouting, pagod ako sa trabaho" wika niya, humarap ako sa kanya

"o-okay lang, sorry din. pero sana sa Susunod 'wag mo kaming ipagkumpara,
'wag mo akong ipagkumpara sa Iba, kasi Iba ako sa kanila" malamig kong sabi, tumango naman siya at pumikit bago ako niyakap ng mahigpit. I feel secure and safe.

"okay, I'm sorry, I'm just tired, nasstress ako, kahapon pa umiiyak si Neomi, nakakaawa"

"magiging okay din siya, babalik si Elizard, babalik siya" sabi ko

Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko para kay Elijah, pero isa lang ang alam ko, nasasaktan ako dahil sa ibang babae, dahil mukhang mas mahalaga pa sa kanya ang ibang babae.

Yes, I'm jealous, so jealous.

Somehow I want him only for me, sa dami ng naitulong niya sa akin, hindi ko na alam kung paano ko pa siya mababayaran, palagi siyang nandiyan tuwing umiiyak ako, tuwing kailangan ko ng masasandalan, kung noon ay galit at naiirita ako sa kanya kasi mukhang manyak, bakit Iba na yata ngayon?

Minsan naiisip ko, bakit ang swerte ko yata pagdating sa kanya, siguro nga may dahilan kung bakit kami pinagtagpo

"salamat talaga" pasasalamat ko at niyakap siya pabalik

"you're always welcome, please lang hindi ako Nandito dahil naaawa ako, Nandito ako kasi espesyal ka sa akin, kasi... Mahal kita" biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa narinig.

Mahal? Sino? Ako? Nananaginip ba ako?!

"a-ano?" maang kong tanong

"mahal kita" paulit niyang sabi

"mahal? Mo ako? Elijah?" hindi makapaniwalang tanong ko. Baka naguguluhan lang siya.

"mahal nga kita, at ngayon lang ako nag mahal kaya please I don't accept rejection" seryosong saad niya habang nakatitig sa akin.

"ahmm, a-ano pa bang masasabi ko" tanging sabi ko

"mas gwapo pa nga ako doon sa Harris na 'yun"

Napakunot ang noo ko ng binanggit niya si Harris. Bumitaw siya sa yakap at sinimangutan ako "anong kinalaman ni Harris?" tanong ko

"you... You like him" wika niya, tumawa naman ako

"tangek! Anong like ka diyan! May girlfriend na 'yung tao! At kaibigan ko lang 'yun!" sigaw ko sa kanya.

"talaga lang ah?!"

"talaga"

"mahal mo 'ko?"

"ewan ko"

"yung totoo?"

"hindi ko nga alam!"

"sige na mahalin mo na ako!"

"sige, bukas nalang Elijah" I chuckled.

Napangisi ako sa kanya. Umakto naman siyang parang bata na hindi nabigyan ng kendi. So cute.

Careless Fire[completed] (seductive Men Series#2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon